Former matinee idol Gary Estrada maturing gracefully

IMAGE 0


"Kahit medyo may pagka-picky na ako sa assignments, at heto, I haveaccepted the fact na halos nakababatang kapatid ko na lang itong mgasinusuportahan ko, na gumaganap pa akong tatay nila," says Gary Estrada.



Naroroon pa rin ang appeal ni Gary Estrada na kinahumalingan ng marami ilang taon na ang nakararaan. Muling aktibo si Gary sa pagganap at nabigyan siya ng papel bilang major villain sa Kaputol ng Isang Awit na nagsimula noong Lunes, March 3.



"Bumagay siguro ang maturity sa akin," pahayag ng aktor nang dalawin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kaputol ng Isang Awit sa Zirkoh Greenhills kahapon, March 4.



"Maganda ang pagsasama namin ni Bernadette [Allyson, Gary's wife], and we have three beautiful girls, all wonderful kids—sina Garielle [5 years old], Garrianna [1 year], at Gianna [3 months old]. Medyo nagpang-abot sa taon yung dalawang magkasunod kaya kailangang magtrabaho ako nang husto.



"Katulad lang ng ibang parents, ang hangad namin ni Bernadette, yung mapalaki namin nang matino ang mga bata, yung makapagtrabaho kami nang todo para mapag-aral namin sila, and be able to send them to good schools. Para mapalaki rin silang God-fearing and healthy."



CONTROVERSIAL PAST. Noong halos ay nag-uumpisa pa lang si Gary sa showbiz, matindi ang dating sa kanya ng kung anu-anong intriga. Lagi siyang laman ng mga kontrobersiya.



"Pero gumawa ako ng paraan para mabago 'yon, lalo na nang mag-asawa na ako," dugtong ni Gary. "Nasanay na ako sa kung anu-anong intriga. Magulo ang buhay ko dati. Marami nga ang nakapansin na nang lumagay ako sa tahimik, talagang tumahimik ang buhay ko, at hindi ako natsitsismis ng kung anu-ano.



"Hindi naman sa umiiwas ako sa gulo, pero talagang tahimik kasi ang buhay ko mula nang mag-asawa ako. Nang mag-asawa ako, kung anuman yung sinasabi nilang apoy na pinagmumulan ng usok, agad-agad gumagawa ako ng paraan para patayin na ang apoy nang hindi na lumaki pa.



"It's not that I have been shying away, pero mas nagiging responsible ka rin talaga kapag may pamilya ka na. Nagbabago na kasi ang priorities, e," saad ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FAMILY MAN. Habang nagkakaedad si Gary, natututo raw siya sa mga pagkakamali niya, at gumagawa siya ng paraan para ituwid 'yon. That goes to prove that he's a happy family man.



"Yung atensiyon ko, nasa pamilya ko na talaga. Pati itong pagiging active ko uli sa pag-aartista, para sa kanila rin ito. Kahit medyo may pagka-picky na ako sa assignments, at heto, I have accepted the fact na halos nakababatang kapatid ko na lang itong mga sinusuportahan ko, na gumaganap pa akong tatay nila," sabi ni Gary.



Gumaganap si Gary bilang ama ni Lovi Poe sa Kaputol ng Isang Awit. Agad namang natanggap ng aktor na may mga baguhan nang artista na susuportahan na lang nila. He's very happy that up to now, naririto pa rin siya at ibinibigay ng GMA-7 ang nararapat para sa kanya.



"Huwag na lang yung sa billing," aniya. "Yung sa talent fee na lang. Kumbaga, hindi nila binarat at nirespeto nila na 'yon ang deserving kong matanggap. Happy na ako doon."



GORYO'S FARM. Inungkat din namin ang isa pang dating isyu tungkol sa kanyang kontrobersiyal na farm sa San Antonio, Quezon.



"I have been settling it," pagbabalita ni Gary. "Mayroon kasi akong isang kamag-anakan na nakakompromiso at naisangla ang titulo ng farm. Kaya nagulat na lang ako nang malaman kong iba na ang may-ari nun. Immediately, na-settle ko 'yon at pumayag naman ang pinagsanglaan na bayaran ko unti-unti yung pagkakautang."



Nakarating sa PEP na ang nagsangla ng ari-ariang 'yon ni Gary ay ang mismong ina niyang si Agnes Moran. Ayon sa nasagap naming balita, nalulong daw sa sugal ang ina ni Gary at ang ipinambayad sa pagkatalo ay ang pagsasangla ng ilang ektaryang lupain na pag-aari ni Gary.



"Ayoko nang magdetalye pa tungkol doon," pag-iwas ni Gary. "Basta ang sa akin lang, na-settle na 'yon. I just hope na hindi na maulit pa 'yon dahil hanggang ngayon, gumagawa ako ng paraan para matubos ang naisangla kong farm na wala akong kaalam-alam noon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw na raw ni Gary na gawing kumplikado ang isyung 'yon na kasangkot ang kanyang ina. Para sa kanya, tahimik na ang buhay niya at ang gusto lang niya ay magtrabaho at itaguyod ang kanyang mag-iina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN