Bong Revilla keeps hands off Lani-Ruffa "snubbing incident"

IMAGE 0


"Panahon pa nga ni Mahoma ‘yon, e! I guess wala naman akongkinalaman sa nangyari sa kanila that night. Hindi ko naman alam ang nangyaritalaga between Lani and Ruffa," emphasizes Bong Revilla when told that an old intriguelinking Ruffa Gutierrez to him in the past might be the reason behind wife LaniMercado's "snubbing."


Sa ika-56th birthday party ni Rudy Fernandez na ginanap saWack Wack Country Club last Monday ay nakausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) at iba pang miyembro ng media si Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. Mainitkasing usap-usapan ngayon ang diumano'y isnabang nangyari sa pagitan ng misisniyang si Lani Mercado at ni Ruffa Gutierrez sa birthday party ni GMA-7vice-president for entertainment na si Ms. Wilma Galvante last February 22 saCentury Imperial Palace Hotel.

Bagama't umiiwas si Bong Revilla na ma-interview ng reporters,nagpaunlak naman siya ng panayam nang ma-corner siya sa party. Kapansin-pansingwala sa party si Lani. Haka-haka tuloy ng ilang press people, umiiwas talaga siLani na makausap ng press regarding the incident with Ruffa.

WALANG PAKIALAM. Nang tanungin na si Sen. Bonghinggil sa pinag-uusapang insidente, sinabi niyang hangga't maaari ay ayawniyang makialam dahil pakiramdam niya'y hindi siya involved doon. Kung angsinasabi raw ng iba ay may kinalaman sa pagkaka-link ni Ruffa noon sa kanya,matagal na panahon na raw iyon.

"Panahon pa nga ni Mahoma ‘yon, eh!" malakas na tawa ni Bongna tila inulit lang ang nabanggit ni Ruffa sa kanyang interview.

"I guess wala namanakong kinalaman sa nangyari sa kanila that night. Hindi ko naman alam angnangyari talaga between Lani and Ruffa. Kung may nang-snub or wala, sana ayhindi na lang pinalaki ‘yon. Kasi marami ang nadadamay.

"Nagulat na lang kami kasi biglang naging topic ofdiscussion ‘yon sa isang show which hindi naman dapat sana."

Sa party pa rin ni Daboy, nasaksihan ng PEP nang batiin niSen. Bong si Ruffa, pati na ang mga magulang nitong sina Eddie Gutierrez atAnnabelle Rama. May mga nagsabi na personal na choice lang siguro ni Lani ang‘di batiin si Ruffa dahil sa mga nakakakilala kay Lani. Hindi raw ito ang tipong tao na makikipagplastikan pa sa taong ‘di naman niya gustong batiin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa rin nagpapaunlak ng interview si Lani sa kahit naanong TV talk show hanggang ngayon. Ang nagsasalita na lang para sa kanya ayang manager nila ni Bong na si Ms. Lolit Solis.

Kahapon ay lumipad patungong U.S. sina Bong at Lanipara dumalo sa isang parangal na gaganapin sa Kodak Theater sa Hollywood.Tatanggap ng award si Bong dahil hinirang siyang isa sa outstanding Pinoys ngisang samahan doon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN