Chynna Ortaleza: "I'm not pregnant."

IMAGE 0


Early this morning, a DJ of 99.5 RT reported that young actress Chynna Ortaleza is pregnant with the child of boyfriend Railey Valeroso. Chynna clarified this report with PEP, saying it is not true.



Pinag-usapan sa isang radio program ng 99.5 RT kaninang umaga, March 6, na diumano'y buntis ang young actress na si Chynna Ortaleza. Siyempre pa, ang itinuturong ama ng ipinagbubuntis daw ni Chynna ay ang kanyang boyfriend of four years na si Railey Valeroso.



Tulog pa si Chynna nang makatanggap ng text message mula sa kaibigang si Raymond Gutierrez. Si Raymond kasi ang nakarinig ng naturang balita sa 99.5 RT early this morning.



Kinumpirma raw ni Raymond kay Chynna kung totoo ba na buntis ang kaibigan. Tila may himig pa raw ng pagtatampo si Raymond dahil bakit tila huli pa siyang nakaalam ng situwasyon ni Chynna.



Kuwento ni Chynna nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kani-kanina lang, bigla raw siyang nagising dahil sa text message ni Raymond. Sa halip na mag-reply sa text, tinawagan na nito ang kaibigan.



Ipinalinaw ni Chynna kay Raymond kung saan nito nakuha ang ganoong balita na buntis siya. Sinabi rin ni Chynna sa nagtatampong si Raymond na, of course, kung mangyari man daw sa kanya ang ganoong situwasyon, she would definitely share it sa malalapit niyang mga kaibigan tulad ni Raymond.



Nabigyang linaw rin kay Chynna na tila nakuha ang balitang buntis siya dahil sa teaser ng The Sweet Life, ang lifestyle show ni Lucy Torres-Gomez sa QTV 11, kung saan isa si Chynna sa mga celebrity guest sa topic na "Quarter-life Crisis."



Nagkataon yatang ang kasabay na guests ni Chynna sa naturang episode ng The Sweet Life ay ang mga artistang buntis like Sheree at mga aktor na soon to-be father tulad ni Patrick Garcia. Posible raw naikonek ng DJ ng 99.5 RT ang teaser kung saan isa si Chynna sa mga guest at nag-conclude na buntis nga ang young actress.



Kaya naman nililinaw ni Chynna na walang katotohanan ang balitang buntis siya. Ayon kay Chynna, ang pagkakaroon ng anak ay isang seryosong bagay at hindi basta-basta pinapasukan, especially kung hindi pa handa sa bagay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Right now, bagama't patungong five years na ang relasyon nila ni Railey,
pareho raw silang career at pag-aaral ang priorities. Kung si Chynna ay priority ang kanyang showbiz career, her own business, at makatapos ng pag-aaral, gayundin din daw si Railey na simula nang maging inactive sa showbiz ay ang pagnenegosyo ang iniintindi at ang pag-aaral sa U.P. Open University.



Tinanong din ng PEP si Chynna kung nakarating na ba kay Railey ang balitang buntis ang young actress. Aniya, hindi pa raw, pero sigurado raw siyang matatawa lang ito sa isyu.



Ano naman ang masasabi ni Chynna na bigla siyang nabalitang buntis at tila siguradong-sigurado pa ang DJ sa kanyang balita?

"Nakaka-depress lang dahil may mga iresponsableng DJ na nagbabalita sa radio show nila nang hindi nila nire-research muna kung totoo ba ang ibinabalita nila," sagot ni Chynna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN