Lani Mercado breaks her silence about snubbing incident with Ruffa Gutierrez

IMAGE 0


Embattled actress-TV host Lani Mercado finally broke her silence when gave her side about allegedly snubbing Ruffa Gutierrez (inset).



Lumipad patungong Los Angeles, Califrornia, kagabi, March 5, ang mag-asawang Lani Mercado at Bong Revilla. Ngunit sa airport ay nagkaroon ng pagkakataon na makausap ni Lhar Santiago ng 24 Oras ang mag-asawa.

Sa wakas ay nagbigay na rin ng kanyang panig si Lani tungkol sa diumano'y pang-iisnab niya kay Ruffa Gutierrez sa birthday party ng GMA-7 executive na si Wilma Galvante noong February 22 at sa burol ng ina ng talent manager na si Ethel Ramos.

Lumaki na kasi ang isyu sa pagitan nina Lani at Ruffa dahil sa nakisali na rin sa gulo ang talent manager ni Lani na si Lolit Solis at ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama. Ipinagtanggol ni Lolit si Lani samantalang kinampihan naman ni Annabelle ang anak na si Ruffa.

Nilinaw ni Lani na hindi niya intensiyong isnabin si Ruffa sa birthday party ni Ms. Wilma. Nagkataon lang daw kasi na nang magkasalubong sila sa entrance ng venue ay may iba pa siyang kausap that time.

Paliwanag ni Lani, "Nagmamadali kasi si Bong papalabas, so I wasn't really able to greet everybody who was on the side. Kasi nga, nagpi-picture taking... Kumbaga busy, busy yung entrance. So hindi ko nabati si Ruffa. So, hindi ko intensiyon na mang-isnab."

Nagpaliwanag din si Lani tungkol sa pagkikita nilang muli ni Ruffa sa burol naman ng ina ni Manay Ethel ilang araw pagkatapos ng birthday party ni Ms. Wilma. Hindi raw nagkaroon ng pagkakataon na mabati ni Lani si Ruffa dahil may kausap siya sa magkabilang gilid, dahilan para hindi niya malingon si Ruffa na nasa likuran niya.

Dahil ayaw ni Lani na lumaki pa ang isyu sa pagitan nila ni Ruffa, siya na ang nag-abot ng pakipagkasundo sa The Buzz co-host.

"Kung na-offend ka, kung parang sa tingin mo na-offend kita, well, pasensiya. Hindi lang talaga... Sa susunod ‘pag nagkita tayo, papansinin kita. Walang problema sa akin. Sana magkaintindihan lang. Let's both be mature people," mahinahong pahayag ni Lani para kay Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay rin ng kanyang mensahe si Lani para sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

"Tita Annabelle, nirerespeto ko po kayo. Nanay rin ako katulad n'yo, asawa rin ako katulad n'yo... Alam ko yung nararamdaman nating lahat, pero hindi na po natin dapat palakihin pa ito. Tama na, smile na tayo, relax. Take it easy," nangingiting sabi ni Lani.

Pero sa isang bahagi ng panayam ni Lhar kay Lani ay hindi napigilan ng misis ni Bong na mapaluha dahil nasasaktan daw siya sa mga naririnig niya kaugnay ng isyu sa kanila ni Ruffa.

"Hindi, kasi ayokong nag-aaway. Wala akong intensiyong makipag-away," naluluha niyang sabi.

Samantala, may plano naman daw ang mister ni Lani na si Bong Revilla para hindi na lumaki pa ang isyu.

"Gusto ko nga, pagkagaling namin sa States, we could have dinner together. Mag-usap, mapag-usapan ang lahat ng ito. Wala namang dapat pag-awayan," ani Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN