Lolit Solis willing to settle issue with Annabelle Rama

IMAGE 0


"Sa kanya [Annabelle] na din naman nanggaling na thirty years kamingnaging magkaibigan. Wala pa si Ruffa, magkaibigan na kami. Siguronaman, hindi niya basta itatapon yung thirty years na ‘yon, di ba? Ako,handa akong makipag-usap sa kanya, pag-usapan namin ‘to," says Lolit Solis (right) about Annabelle Rama (left).



Kung sa radio interview ni Ogie Diaz noong Martes, March 4, ay matapang ang pananalita ng talent manager na si Lolit Solis, ngayon ay kalmado na siya sa pagsagot sa mga binitawang salita laban sa kanya ni Annabelle Rama. Ito ay kaugnay pa rin ng pang-iisnab diumano ng alaga ni Lolit na si Lani Mercado sa anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez.

Pagkatapos ipagtanggol ni Lolit si Lani sa akusasyon ni Ruffa na inisnab siya ng misis ni Bong Revilla sa isang birthday party, galit na galit na hinamon ng suntukan ni Annabelle ang talent manager. Hindi kasi nagustuhan ni Annabelle ang sinabi ni Lolit tungkol sa kanyang anak.

Ayon pa kay Annabelle, sinira ni Lolit ang mahigit tatlumpung taon nilang pagkakaibigan pagkatapos hindi tumupad ni Lolit sa kanilang usapan na huwag nang magsalita tungkol sa isyu para hindi na ito lumaki. Pero nagpa-interview pa rin si Lolit sa radio program ni Ogie at kung anu-anong masasakit na salita ang binitawan nito laban kay Ruffa.

Kanina ay nakapanayam ng 24 Oras sa telepono si Lolit upang kunin naman ang kanyang reaksiyon sa hamon ni Annabelle sa kanya.

Ayon kay Lolit, hindi raw niya iniinda ang mga masasakit na salita na binitiwan ni Annabelle. Ang hindi raw niya nagustuhan ay ang personal na pag-atake sa alaga niyang si Lani.

"Ako, wala akong ano sa paghahamon niya. Okay sa akin ‘yon. Pero, di ba, mas mabuting ayusin namin ‘to? Kasi baka mamaya mas lalong lumaki itong isyu na ‘to. Mamaya kung anu-ano pang isyu ang mabanggit. Mabanggit pa yung scam, mabanggit pa yung Bruneiyuki, mabanggit pa yung ano..." mahinahong sabi ni Lolit sa telepono.

Binanggit din ni Lolit na tinawagan siya ni Ruffa minsan at sinabing huwag nang palakihin ang isyu.

"Parang anak na natin ‘yan, e. Di ba, si Ruffa grew up under our eyes? Talagang lumaki siya dito na ano... Kaya hindi ako nagagalit sa kanya. Ang sinabi ko lang, ‘Naiinis ako, Ruffa, bakit mo pinatulan ang isyu na ‘yon?" sabi ni Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaninang hapon ay nagsabay sa phone-patch interview sa isang radio program sina Lolit at Annabelle. Sa naturang interview ay hindi na naman napigilan ni Annabelle na pagsalitaan ng masakit si Lolit, pero tinawanan na lang ito ng huli.

"Sa kanya [Annabelle] na din naman nanggaling na thirty years kaming naging magkaibigan. Wala pa si Ruffa, magkaibigan na kami. Siguro naman, hindi niya basta itatapon yung thirty years na ‘yon, di ba? Ako, handa akong makipag-usap sa kanya, pag-usapan namin ‘to," pahayag ni Lolit.

Kaugnay pa rin ng isyung ito, iniulat ng TV Patrol World kanina na kumukonsulta na raw si Ruffa ng abogado para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban kay Lolit. Ito ay dahil diumano sa "defamatory statements" ni Lolit tungkol kay Ruffa.

Pero sinabi rin ni Ruffa na hindi niya kailangan ang isyung ito at mas nanaisin niyang mag-concentrate sa kanyang showbiz career at alagaan ang kanyang dalawang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN