Isabel Granada reveals details about her talent-fee problem in foreign film

IMAGE 0


"Mahirap kasing sabihing hindi talaga nabayaran. Mgaten percent pa lang yung natanggap ko. Magu-good ang tseke by March 22,na saka ko lang napansin, e, nang matanggap ko ang tseke, February 22'y0n, at pabalik na ako ng Pilipinas mula sa Oman," narrates Isabel Granada about the post-dated check she got from the producer of Pirate's Blood.



Sinadya ng PEP (Philippine Entrtainment Portal) si Isabel Granada sa taping nito sa Zirkoh Greenhills para sa Kaputol ng Isang Awit. Tinanong namin sa kanya ang iba pang detalye ng diumano'y pagkakaloko sa kanya sa bayaran para sa international film na Pirate's Blood na kinunan sa Oman.



"Mahirap kasing sabihing hindi talaga nabayaran," sabi ni Isabel. "Mga ten percent pa lang yung natanggap ko. Magu-good ang tseke by March 22, na saka ko lang napansin, e, nang matanggap ko ang tseke, February 22 'y0n, at pabalik na ako ng Pilipinas mula sa Oman."



Ang ka-deal ni Isabel para sa nabanggit na project ay isa raw nagngangalang Judith Eugenio.



Sabi ni Isabel, "Ayokong magpadalus-dalos sa paghuhusga dahil nakikipag-usap pa rin naman siya sa akin hanggang ngayon. Mukhang walang intensiyong manuba, at alam ko rin kasi yung naging situwasyon niya. Parang tinakbuhan yata siya ng ibang partners niya na co-financiers ng project. Kaibigan ko rin 'yang si Judith kaya buo ang tiwala ko. Kaya lang, may breach of contract na roon pa lang sa pagbabayad ng check at post-dated pa.



"Maingat pa naman ako diyan, pero hayan at nangyari pa rin. Binibigyan ko lang sila ng time, at kung wala silang gagawing hakbang by March 15, doon naman ako gagawa ng hakbang para makuha ko ang kabuuan ng dapat ay ibinayad sa akin," paliwanag niya.



Anim na araw na nag-stay si Isabel sa Oman para sa shooting ng Pirate's Blood na idinirek ni Mark Ratering. Bukod kay Eugenio, ang nakipag-deal nang diretsahan kay Isabel ay ang producer na si Mohsin-Al Busayd, at isa pang nakilala lang niya bilang Mr. Prim.



"In fairness, maganda ang treatment sa amin doon," sabi ni Isabel. "Very supportive din ang direktor. Okay ang accommodations at wala akong masasabi. Kaya lang, sumablay pagdating sa bayaran.



"Buo lang ang loob ko sa situwasyong ito dahil ang kaharap namin nang ibigay sa akin ang tseke ay ilang Embassy people, na nag-guarantee na hahabulin nila ang mga dapat managot sa problema sa bayaran. Alam kasi nila ang situwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hinihintay ko lang ay March 15 dahil 'yon ang napagkasunduan naming mababayaran ako ng cash kapalit ng post-dated check na naibayad sa akin. Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari.

"In fairness, hanggang ngayon ay nakikipag-communicate pa rin sa akin ang mga producer, and I'm quite confident, dahil iba ang mga Arabong kausap pagdating sa ganyang bagay, e. Let's just see," asam ng aktres.



ISABEL'S PRIVATE LIFE.
Maayos naman ang buhay-may-asawa ni Isabel at maginhawa silang namumuhay ng asawa niyang si Geryk Genaskey sa Angeles, Pampanga. Biniyayaan sila ng anak na lalaki na five years old na bale at pinangalanang Hubert Thomas Jericho.



"Happy ako dahil supportive sa akin ang mister ko. Naroroon pa rin ang political ambition sa kanya matapos na matalo sa nakaraang eleksyon when he ran for Vice-Mayor sa Pampanga. Pero he served din kasi as councilor, kaya mayroon talaga siyang background na kahit paano sa politics," lahad ni Isabel.

Ang StarTalk reporter na si Jopay MaƱago ang nagma-manage kay Isabel ngayon. Mula sa pagiging guest sa Zaido noon, lumaki na nang lumaki ang role niya sa naturang fantaserye. Nasundan ito ng supporting role sa Pasan Ko ang Daigdig. Ngayon, heto siya at gumaganap bilang big-time record producer sa Kaputol ng Isang Awit.

"Matatagalan pa siguro yung susunod na baby, lalo na ngayong sunud-sunod ang dumarating na assignments sa akin. Ito na muna ang pagkakaabalahan ko," pagwawakas ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN