Vhong Navarro: Torn between Valerie Concepcion and Desiree del Valle?

IMAGE 0


"Kung sa puwede akong manligaw, pupuwede naman. Pero hindi kasi akonanliligaw. Mas maganda para sa akin yung kusa at natural na langsiyang nangyari," says Vhong Navarro, who is now being linked to his Supah Papalicious leading lady Valerie Concepcion (inset, top) despite his relationship with Desiree del Valle (inset, bottom).



Sa kabila ng nababalitang espesyal na relasyon ni Vhong Navarro sa aktres na si Desiree del Valle, balitang nililigawan at may espesyal na namamagitan na sa comedian-dancer at kay Valerie Concepcion.

Nagsimula raw sa shooting ng pelikulang Supah Papalicious ang special treatment na ibinibigay ni Vhong kay Valerie. Pero hindi kaya ito ang maging rason ng away sa pagitan nila Vhong at Desiree?



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Vhong sa presscon ng Supah Papalicious kagabi, March 6, ayaw magbigay ng kumpirmasyon ng komedyante kung nililigawan nga niya si Valerie. Pero inamin niya na hindi mahirap mahalin ang katulad ng young actress.



"Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Valerie?" sabi ni Vhong. "Napaka-sexy, napakaganda. Pero ako kasi, hindi ako nanliligaw. Ang hirap kasi ang dami kong karibal, ang tatangkad pa!



"Kung sa puwede akong manligaw, pupuwede naman. Pero hindi kasi ako nanliligaw. Mas maganda para sa akin yung kusa at natural na lang siyang nangyari," paliwanag niya.

Marami ang nagtataka sa pagli-link kina Vhong at Valerie gayong ang pagkakaalam ng lahat ay may relasyon ang komedyante at ang aktres na si Desiree del Valle. May isyu pa ngang lumabas na nadadalas daw tuloy ang tampuhan nina Vhong at Desiree dahil nagseselos diumano si Desiree kay Valerie.



"Okay naman kami ni Des. Lumalabas pa rin kami, kasama yung mga friends namin. Si Des naman kasi, nakikita natin na napakaganda, napaka-sexy, napaka-talented, magaling kumanta, magaling sumayaw. Alam ninyo, ongoing pa rin yung annulment case ko hanggang ngayon," paliwanag ni Vhong.

Ang tinutukoy na annulment ni Vhong ay ang kasal nila ng dating aktres na si Bianca Lapus.

May paniniwala na halos lahat ng mga komedyante ay malakas ang appeal sa mga babae. Sa titulo pa lang ng pelikula niyang Supah Papalicious, maikukunsidera ba ni Vhong ang sarili bilang lalaking habulin talaga ng mga babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Una sa lahat, yung alam ko lang, yung ‘licious,' pero yung ‘papa' saka ‘supah,' parang hindi," patawa niya. "Siguro sinasabi nilang ganun kasi kailangan daw, pero alam ko napakahirap gawin nun. Pero tinutulungan ko ang sarili ko para ma-achieve. Nilalakasan ko lang ang loob ko actually," nakakatawang tugon ni Vhong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN