Gerald Anderson denies rumor he has a non-showbiz girlfriend

IMAGE 0


"If ever man na magkakaroon ako ng girlfriend, sana si Kim [Chiu] na," says Gerald Anderson while denying reports that he already has a non-showbiz girlfriend.



Sa kabila ng consistent na mga pahayag ni Gerald Anderson na wala siyang ibang nagugustuhan kundi ang kapareha lang na si Kim Chui, may kumakalat na balita na may 15-year-old non-showbiz girlfriend na raw ang young actor na nagngangalang Alyanna Tan.



Ayon pa sa balita, namataan daw na nagbabantay si Alyanna sa set ng Maligno, ang bagong horror series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Claudine Barretto at kasama rin sina Gerald at Kim. Nakita pa nga raw na sinakay ni Gerald sa van niya ang sinasabing non-showbiz girlfriend niya pagkatapos siya nitong bantayan sa taping.

Pero pinabulaanan ni Gerald ang balitang ito sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Wala talaga, wala sa isip ko ‘yon," tanggi ng binata. "If ever man na magkakaroon ako ng girlfriend, sana si Kim na. I heard about that issue na sinakay ko nga raw sa van ko galing sa taping ng Maligno. Wala akong matandaan na ganung incident na nangyari. Saka anong oras na ba natatapos ang taping namin sa Maligno? Halos madaling-araw kung hindi man kinabukasan na."

EMPRESS SHUCK. Kung hindi raw totoo ang tungkol sa kanila ni Alyanna Tan, may naniniwala naman na ang totoong girlfriend ni Gerald ay ang young actress na si Empress Shuck. Muli, itinanggi ito ng young actor.

"Magkasama kami sa workshop. Magkaibigan kami, pero wala talaga. We're just good friends," sabi ni Gerald.

Kuwento pa niya, "Nagka-issue kasi ‘yan nung pumunta ako sa taping ng Game KNB? because contestant si Mikee [Lee, Gerald's ex-housemate in Pinoy Big Brother Teen Edition]. Tinanong si Empress ni Edu [Manzano, host of Game KNB?] kung sino yung pumupunta at nagbabantay sa kanya sa taping. Nagkataon pumasok ako. Then, nag-pan sa akin yung camera kaya akala ng tao, ako. Actually si Chapy yun, yung lagi kong kasama."

KIM CHIU. Wala pa ring pagbabago sa pahayag ni Gerald na special para sa kanya si Kim, pero hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin silang dalawa. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila tinototoo ang kanilang relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman kasi kami nagmamadali," sagot ng binata. "Mahaba pa ang panahon na pagsasamahan namin ni Kim. As of now, we want to focus on our work and career. Special talaga sa akin si Kim. Basta ang importante, masaya kami ng ganito."

GERALD'S MANAGER. Sa ibang balita, hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang issue na wala na raw talaga si Gerald sa poder ng kanyang manager na si Jun Reyes—dati ring manager ni Joross Gamboa. Binili na raw kasi ng Star Magic ang kontrata niya kay Jun sa halagang 500,000 pesos. Totoo ba ito?



"Siya pa rin ang manager ko," paglilinaw ni Gerald. "Wala akong balak na palitan siya. Kuntento ako sa kanya at alam ko na kung hindi dahil sa kanya, wala ko dito [sa showbiz]."

BIRTHDAY BOY. Gerald is celebrating his 19th birthday today, March 7. Ibinahagi niya sa PEP ang kanyang birthday wishes: "Sana tuluy-tuloy yung projects. Good health for me and my family. Sana nandiyan pa rin yung mga true friends ko. Sana panoorin at suportahan nila ang Maligno."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN