Jolo Revilla says mom Lani Mercado and Ruffa Gutierrez mature enough to resolve snubbing issue

IMAGE 0


"In fairness to my mom, wala siyang sinasabinganuman. If Miss Ruffa [Gutierrez] feels that she was snubbed, feeling naman niya'yon. In other words, let's just learn to respect the rights of otherpeople," says Jolo Revilla about the reported snubbing incident between his mom Lani Mercado and Ruffa Gutierrez.



Avid reader pala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jolo Revilla at agad niyang ipinaalam sa amin na nabasa niya ang interview namin sa kanya na lumabas dito a few days ago.



"Grabe!" bulalas ni Jolo. "That particular day, lahat yata kami sa pamilya ay nasa news. Yung tungkol sa amin ni Lovi [Poe], then yung tungkol kina Mama [Lani Mercado] and Ruffa [Gutierrez]. May write-up din about my dad [Bong Revilla]."



PEPSTERS' REACTION. Napapailing na lang si Jolo sa reaction ng PEPsters tungkol sa kanila ni Lovi. Para sa kanya, hindi naman niya mapi-please ang lahat.



"Wala kaming ginagawang masama ni Lovi para maapektuhan at matakot sa sinasabi ng ibang tao. We just have to thank them siguro, kasi nagke-care din sila sa amin. I think they see us as still very young to get into problems.



"Alam ko naman 'yon. I've been there, sabi ko nga. I guess I just have to prove to them na sincere ang intentions ko kay Lovi by protecting her, at hindi dapat ngang mangyari kung anuman yung kinatatakutan nila," pahayag ng binatang ama.



LANI VS. RUFFA.
How about the problem involving his mom and Ruffa?



"Alam mo, hindi ko rin siguro kailangang makihalo pa sa mga isyu nila. Kaya lang, I can't help din to make a comment. Kasi ang palagay ko lang, matatanda na sila para gawin kung ano ang tama sa palagay naman nila," sabi ni Jolo nang tanungin namin sa dressing room ng LRT 2 administration office sa may Santolan station ng Marikina City, kung saan sila nag-taping for some episodes of Kaputol ng Isang Awit.



"In fairness to my mom," patuloy ni Jolo, "wala siyang sinasabing anuman. If Miss Ruffa feels that she was snubbed, feeling naman niya 'yon. In other words, let's just learn to respect the rights of other people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Paano ba dapat ang reaction ni Mama tungkol diyan? Sa kanya lang 'yon. Hindi ko masasagot 'yon para sa kanya.

"Inay Lolit [Solis, Lani's manager] is so close to our family. Her reaction is just right to defend my mom. Wala naman siguro siyang intention na makipag-away kay Tita Annabelle [Rama, Ruffa's mom]. The same way that Tita Annabelle just defended Ruffa. Yun na lang ang iniisip ko. Just like what my father did, na tumahimik na lang. Kasi matatapos din naman 'yan, e," nasabi na lang ni Jolo.



DOUBLE CAUTION. As it is, nakikita ni Jolo ang hirap ng situwasyon niya. May mga kontrobersiyang involved ang mga magulang niya. Siya naman, heto at lumalabas na problematic para sa iba ang love life nila ni Lovi.



"I don't think we have to cause problems," depensa ni Jolo. "We keep our friendship. We know our limitations. Kasi alam ko naman, kailangang maging doble ang pag-iingat ko ngayon dahil maganda ang image ni Lovi, maraming magagalit sa akin kapag mayroong hindi magandang nangyari.



"Kaya bakit ganoon na lang ang judgment sa amin? Sana some people would be fair. Pero hindi ko rin maaalis sa kanila 'yon. They also mean no harm by saying what they feel."



Basta inaalis ni Jolo sa isipan niya na kailangang mag-worry sila ni Lovi. Walang rason para maka-feel sila ng ganoon dahil talbog ng Kaputol ng Isang Awit ang iba pang shows sa timeblock na ito base sa ratings sa Mega Manila.



"We're so happy with the results," nakangiting sabi ni Jolo. "At saka natutuwa ako sa feedback sa love team namin ni Lovi. Yun din ang dahilan kaya dapat na maging maingat kami, kasi marami na ang nakatutok sa amin ngayon.



"Masarap abangan ang twists ng role namin ni Lovi rito. At first, parang kontrabida kami. Pero magiging sympathetic ang transformation ng characters namin. Ang mas importante doon, parami nang parami ang nanonood sa amin. Masaya ang GMA-7 sa turnout ng pagbibigay nila ng break sa amin ni Lovi, together with Glaiza [de Castro] and Marky [Cielo]," pagwawakas ni Jolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN