Annabelle Rama wants public apology from Lolit Solis

IMAGE 0


Lolit Solis (inset, top) has opened the idea to finish the snubbing issue between her talent Lani Mercado (inset, bottom) and Ruffa Gutierrez. However, Annabelle Rama (main photo), mother of Ruffa, replied, "Pero ikaw [Lolit] ang nag-umpisa, ako ang tatapos. Hindi dapat ikaw ang magtapos, ako ang magtatapossa isyu, okay?"


Patuloy pa rin ang palitan ng mga maaanghang na salita sapagitan ng kampo nina Annabelle Rama at Lolit Solis. Ito ay bunsod pa rin ng diumano'y pang-iisnab ng talent ni Lolit na si Lani Mercado kay Ruffa Gutierrez, anak ni Annabelle, sa birthdayparty ng TV executive na si Wilma Galvante.

Sa kabila ng pananahimik ni Lani ukol sa isnaban isyu nanaikuwento ni Ruffa sa The Buzz, hindi naman napigilan ni Lolit na ipagtanggol ang kanyang anak-anakan na si Lani. Bagay na hindi rin pinalampas ngina ni Ruffa na si Annabelle, at hinamon pa ng suntukan ang StarTalk co-host.

Matapos nito, nagbigay na ng kanyang intensiyong makipagbatisi Lolit sa Startalk noong Sabado, March 8. (Click here for the story). Sa katunayan, pabiro pa niyang sinabi,"Naku, Annabelle, Bisaya. Huwag ka nang magalit sa akin, 'no! Hindi ko inaagawsi Eddie Guttierez, ‘no! Iyong-iyo na ‘yan!"

Bilang paliwanag, sumagot din si Annabelle Rama sa TheBuzz kinabukasan, March 9, at inilahad ang kanyang panig tungkol sa isyu.

THE BEGINNING. Upang linawin ang mga pangyayari, unang tinanong ng The Buzz co-host na si Boy Abunda kay Annabelle kungpaano nagsimula ang isyu sa pagitan nila ni Lolit.

Ayon kay Annabelle, "Nagsimula 'yan sa The Buzz, okay? Tumawag sa akin si Ruffa last week, ‘Mommy,' sabi sa akin, ‘kailangang sagutin ko yungissue naming dalawa ni Lani. Sabi ko, ‘Huwag ka nang pumatol sa ganung isyu dahil ang kalaban mo, walang career, bakagagamitin ka,' sabi ko sa kanya. Tumawag siya ulit sa akin, ‘Hindi raw puwedeng hindi ako sasagot dahilhost ako sa show, kailangan i-explain ko.' Sabi ko, ‘Idaan mo na lang sa biro. Huwag mo na lang seryosohin.' Siguro nagbiro si Ruffa, hindi natanggap ng kabila, okay?

"The next day, birthday ni Daboy [Rudy Fernandez], lumapitsa akin si Bong [Revilla], sabi sa akin, ‘Puwede ba huwag nang palakihin anggulo? Nakikiusap ako sa 'yo.' Sabi ko,‘Bong, maaasahan mo ako. Unang-una,napaka-cheap ng isyung ito, isnaban lang papalakihin ko pa. It's not worth it, mauubos ang aking orasdiyan.' Sabi ko, ‘Maaasahan mo ako,Bong, hindi ako sasagot, hindi ako magpapa-interview.' So yung party ni Daboy, wala akong reporterna sinasagot, wala akong reporter na ine-entertain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The next day, si Ruffa umiyak sa akin. Sabi niya, ‘Mommy, nabasa mo ba yungnewspaper? Napakasama naman ng sinasabini Lolit Solis sa akin, below the belt.' Sabi ko, ‘Ruffa, ayaw kong makipag-away this time, tumahimik ka na diyan. Huwag ka na magbasa ng diyaryo para hindimaging bad mood ka.' Tawag siya,‘Mommy, basahin mo nga.' Sabi ko,‘Ruffa, busy akong nagbabasa ng script ko, mine-memorize ko ang dialogue kopara sa shooting natin bukas.' Iyaksiya nang iyak sa akin, sabi ko, ‘Basahin ko na nga.' E, di binasa ko, angsama-sama, okay?"

DIFFERENT ISSUE. Ayon pa kay Annabelle, isa sa mgapinagtatakhan niya ay kung bakit ipinasok pa ni Lolit sa kanyang radiointerview sa kanya ni Ogie Diaz sa Wow, Ang Showbiz! ang mga babaeng naghahabol daw kay Bong Revilla.

"Ang isyu ni Lolit, hindi nakatutok dun sa isyu ng isnaban,"paliwanag ni Annabelle. "Ang isyungginagawa niya, puro Bong at puro Lani. Pabalik-balik, sinasabi niya sa kanyang interview, ‘legal wife.'

"Lani, wala nang aagaw sa iyo, 'Day. Kung si Ruffa ang inaasahan mo na aagaw saasawa mo, nagkakamali ka. Maski wala siYilmaz [Bektas] sa buhay ni Ruffa ngayon, wala siyang panahon agawin ang asawa mo. Iyung-iyo na, isaksak mo sa baga mo kunggusto mo, okay?"

Patuloy ni Annabelle,"Nangyari 'yan, Boy, kaya ako nagagalit naman, ang sabi ni Lolit, ‘Mga babae niBong naglalaway sa kanyang ano...' Ayaw ko nang ulitin yung iba pang word, bakapagtatawanan na naman ako sa English ko, okay?

"Naglalaway daw siya [Ruffa] kay Bong. Bakit napunta doon ang isyu? Si Ruffa hindi naglalaway kay Bong, okay? Kanya-kanya na, baka ibang babae ang gustongumagaw kay Lani, hindi si Ruffa. Lagingpinapasabi sa akin ni Lolit na ganyan."

"PARA AKONG TINATRAYDOR." Kuwento ni Annabelle, bago pa man lumaki angisyu, nakausap na niya diumano si Lolit at hiniling na manahimikna lamang sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ayaw ko lang kay Lolit," ani Annabelle, "kaya akonagalit sa kanya kasi tinawagan ko siya, e. Sabi ko, ‘Lolit,' sabi ko, ‘nakiusap sa akin si Bong, kung puwede langhuwag na kayong kumibo at hindi ako kikibo.

"Kasi nabalitaan ko, titirahin mo raw si Ruffa sa StarTalk,punto by punto.' Sabi ko, ‘Ano ba angnagawa ng anak ko sa 'yo? Bakit mo namantitirahin punto by punto sa StarTalk?' Sabi niya, ‘Wala, kasi ganyan.'Sabi ko, ‘Tama na ito. Nakiusap na saakin si Bong, tama na, wala na tayong sasabihin sa press.'"

Ngunit hindi raw sumunod si Lolit sa pakiusap ng ina niRuffa.

"Tahimik na tahimik ako, para akong tinatraydor," sasbi ni Annabelle. "Kaya ako nagalit kasi parang akongtinatraydor ni Lolit. The next day,putak siya nang putak sa radyo at saka sa diyaryo. Ang sasama pa ng mga sinasabi tungkol kay Ruffa.

"Sabi ko nga, Boy, nungnabasa ko siya sa diyaryo at narinig ko siya sa radyo, sabi ko, ‘Nakalimutanyata ni Lolit ang nanay ni Ruffa is ako.' Sabi ko, ‘Kasi parang binabalewala ang friendship namin, mas kinampihanpa niya si Lani.'"

Bilang paalala sa kanyang kaibigan, pinayuhan niya si Lolit.

"At saka Lolit, huwag mo akong tatakut-takutin, okay? Ako, tapos na sa atin ang away. Pero gusto kolang maklaro lang sa side ko, na ako, wala akong itinatagong baho sa pamilya ko,wala akong bahong itinatago sa sarili ko. Kasi lahat ng baho namin, baho ko, akoang nagbubulgar sa publiko. Kaya angmga anak ko, takot akong mag-guest sa TV, alam nilang wala akong tigil din. Kaya huwag mo akong tatakut-takutin."

BLAMING LANI. Kungmayroon mang isang tao na sinisisi si Annabelle na naging sanhi ng gulong ito, ito ay walang iba kundi si Lani Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ang bine-blame ko sa gulo naito si Lani, kasi kung hindi ba naman siya nang-isnab kay Ruffa," sabi niya.

Dahil dito, pinayuhan pa niya ang asawa ng senador.

"Lani, advice ko sa'yo, alam ko nanonood ka sa akin ngayon, asawa kang isang politician, okay, sikat na artista, hindi ka dapat nag-supladita. 'Day,napaka-supladita mo. Ano bang mag-‘hi'ka kay Ruffa kahit yung 'hi' mo lumabas sa ilong mo? Okay na rin yun, at least, nag-‘hi' ka, okay? Hindi yung napakasuplada mo, 'Day, hindi koalam kung bakit.

"Bakit ka ba galit kay Ruffa, naiinggit ka ba? Huwag kang mainggit kay Ruffa, 'Day. Kasiang alam ko, lahat ng mga asawa ng mga politician mababait. 'Hi' nang 'hi' sa lahat ng tao, kailangan mo ngboto, e, siyempre 'hi' ka nang 'hi', maski hindi mo kaibigan.

"Kasi ang advice ko sa aking mga talents, sa mga anak ko,kailangang maging friendly sa show business, maski out sa show business, lalo nakapag mga senior stars, mag-'hi' kayo. Naiinis nga ako sa mga alaga ko, sa sobra namang pagha-'hi', pati mgaalalay ng mga artista nagha-'hi' at nagki-kiss din sila. Hindi ganun. Sabi ko, lahat ng 'hi' sa mgaartista, hindi sa mga alalay nila."

Hindi rin naiwasan ni Annabelle na ikumpara si Lani sakanyang anak na si Ruffa. "Itong siLani, dapat gayahin mo si Ruffa, 'Day. Si Ruffa, hina-'hi' lahat, pati kaawayhina-'hi' niya. Dapat ganyan ka rinkasi kawawa naman si Bong.

"Kaya sabi ko kay Bong nung sa party ni Daboy, sabi ko,‘Bong, para walang gulo, pagsabihan mo ang asawa mo na maging friendly man langsiya, mabait siya sa kapwa, huwag siyang maging suplada,' sabi ko kay Bong.

"Kaya ikaw, Lani, para ang asawa mo ay bumait sa 'yo at walakang kalaban, wala kang kaaway, magpakabait ka. Kaya alagaan mo ang asawa mo para hindi siya mangangaliwa. Ganun ang ginawa ko sa asawa ko, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LANI'S APOLOGY. Tila hindi rin makapaniwala ang ina ni Ruffa sa paghingi ngpaumanhin ni Lani sa TV.

Kuwento ni Annabelle, "Kasi nangyari sa airport, nakita koyung interview sa airport, ang sabi niya, ‘Tigilan n'yo na. Puwede ba huwag palakihin ang isyu?' Hindiako nagpalaki sa isyu, ikaw ang nagpapalaki sa isyu at saka ang managermo.

"Kasi kung talagang marunong ka, dapat ikaw tinawagan mo siLolit, pinapahinto mo ang bunganga ng manager mo. Ang ginawa mo, parang kinukunsinti mo pa si Lolit. Umabot na sa radyo, dalawang radyo na, maynewspapers pa. Hindi mo siyapinapapigil, e. Ako ang papatigilinmo?

"Ang hindi ko maintindihan, bakit umiyaksa TV? Anong reason kung bakit umiyakka? Pinapa-feel mo sa taong-bayaninaapi-api kita? Hindi kita inaapi,'Day.

"Sa tingin ko kina Lani, okay tatanggapin ko yung hamon mosa akin na ayaw mo ng gulo. Okay, ayawko ng gulo talaga, Lani, pero nakikita ko sa mata mo, yung pagsabi mo ng sorrysa akin, hindi sincere, hindi galing sa puso. Yung iyak niya, yung iyak ni Hudas yun, e, nakita ko."

CEASEFIRE? Sakanyang panayam sa The Buzz, nilinaw ni Annabelle na ayaw na niyangpalakihin ang isyu. Ang tanging naislamang daw niya ay ang maibigay ang kanyang panig sa nagaganap na word war sapagitan nila ni Lolit.

Mahinahon na sinabi ni Annabelle, "Ako, hindi ako pumuntadito para makipag-away kasi kahapon, binaba na niya [Lolit] ang kanyang banderadoon sa kabila [StarTalk]. Ceasefire na sila kayanandito lang ako ngayon para i-explain ko lang sa buong Pilipinas na nanonoodsa atin ngayon dito na ako, never nag-start ng away. Never akong nag-umpisa ng away. Alam mo, kapag ako, ang aking anak, kinakanti at ang aking anakay binibira nang hindi na tama, talagang lumalaban ako. Lumalaban talaga akobasta anak ang pinag-uusapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Ako, mabait akong tao, mabait ako,disente paminsan-minsan. Kapag ako angkinakanti, bastos ang bunganga ko at bastos akong magsalita. Ayaw ko yung puro dada, gusto ko suntukan,sabunutan. E, sabi nila sa akin nasabahay lang si Lolit, bakit ako pupunta sa bahay nila? Trespassing yun. Sabi ko nga, saang lugar, 'no?

"Pero hindi na ako makikipag-away sa 'yo, Lolit, sinabi kona. Ewan ko, nagso-sorry ka ba sa akinkahapon o sabi mo sa akin ayaw mo na akong kalabanin, ayaw mo nangmakipag-away sa akin.

"Pero ikaw ang nag-umpisa, ako ang tatapos. Hindi dapat ikaw ang magtapos, ako magtapossa isyu, okay?"

Ganito rin ang naging mood ni Annabelle para sa kayLani. Humingi ng tawad siAnnabelle sa pagkakadawit ng pangalan ni Bong sa isyu.

"Hindi ako nakikipag-away sa 'yo, Lani. Ie-explain ko lang ang side ko sa iyo,okay? Ang advice ko... Itong si Bong,naaawa ako kay Bong. Bong, I'm very,very sorry sa mga salitang nabitawan ko tungkol sa 'yo kasi hindi puwedeng hindikita ma-involve, ang pangalan mo, kasi ang manager mo laging binabanggit angpangalan mo sa isyu. Ako, never akongpumapatol," mensahe ni Annabelle.

Bagama't bukas si Annabelle sa ideya na tapusin na ang gulo, sinabi niya na hindi magiging ganun kabilis para sa kanya ang gawinito.

Paliwanag ni Annabelle, "Boy, hindi ganun kabilis,okay? Hindi naman ako robot nade-susi. Paandarin mo ako 'tapospatayin? Hindi puwede. Ikaw ang nag-umpisa, ako angmagtatapos.

"Hindi ka dapat magtatapos kasi hindi pa nga naririnig ngtaong-bayan ang side ko, e. Akala ngtaong-bayan palaaway ako, salbahe ako. Hindi ako salbahe, Boy, kasi kung ako salbahe matagal na kaming wala ngasawa ko."


"AKO ANG NANAY NI RUFFA." Upang matapos na ang gulo at muling maibalik angpagkakaibigan, nag-iwan ng mensahe si Annabelle sa katunggaling si Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Lolit, next time, bago ka tumalak nangtumalak, tingnan mo muna ng mabuti kung sino ang kalaban mo at saka kung sinoyung tinatalakan mo. Kasi minsaninaapakan mo yung ano ng tao, hindi mo alam... Nakalimutan mo ako yung nanay niRuffa. Kaya nung binasa ko yung diyaryo, nakalimutan mo na ako ang nanay niRuffa.

"Kaya ako nagalit dahil sabi ko, sa tagal ko na siyangkilala, sa tagal ko na siyang kaibigan, doon pa siya kay Lani kumampi. At saka ang pakiramdam ko diyan kay Lani,Boy, hindi naman tama. Nag-overreactingsi Lolit sa pagkampi niya kay Lani. Sobra-sobrang overreacting ni Lolit talaga doon na talagang pinarusahanniya si Ruffa. Hindi na maganda yun."

Kasunod nito, humiling si Annabelle ng public apology mulakay Lolit para sa kanyang anak na si Ruffa na diumano'y nasaktan sa kanyang mgapahayag.

"Ang masasabi ko kay Lolit,bago kita mapatawad, Lolit, mag-public apology ka kay Ruffa na hindi siya kasamasa mga babaeng naglalaway kay Bong at saka sa ano ni Bong, hindi siyanaglalaway doon.

"Kaya ikaw, tumigil ka na rin Lolit. Kung gusto mo akong maging kaibigan ulit,mag-public apology ka kasi hindi kami basta-basta ganunin mo, okay?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN