Sharon Cuneta teaches daughter Frankie the value of hard work

IMAGE 0


"Gusto niya, magkaroon na siya agad ng guitar na talagang gusto niya. Sabi ko, if that's the case, she should learn how to acquire it throughher means. I want them to value the money that we, their parents, are working hard for, " explains Sharon Cuneta on why her daughter Frankie (inset) thought of selling turon and banana cue at the Senate.


Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angkagustuhan ni Sharon Cuneta na maging regular student. Kapag natapos niya angAssociate in Arts degree niya sa University of the Philippines, pursigido siyang mag-aral muli.



"Alam kong kaya ko, and I'm determined," sabi pa ni Sharon. "Ilove going to school. Gaya itong course ko, required kami in some instances togo to the classroom.



"Hindi lang ito puro modules, pero may time na kailangang may interactiondin with some students. Doon ko naramdaman na mas gusto kong subukan ang magingregular student.



NOT EASY. "Some people think na mas madali ang maging gaya ko,sumasagot lang sa modules. You can even ask the regular UP students who aretaking up the same course, mas mahirap yung mga pinapagawa sa amin.



"We are required to read different books. Minsan, literary classics pa nakailangang alam namin ang puno't dulo, kaya dapat talagang nagbabasa.



"Malaking tulong na yung ibang requirements, napag-aralan ko na sa IS[International School] noong nasa high school pa ako, kaya may background. Butthen, I have to review them," sabi pa ng Megastar.



Actually, nahihiyang ipamalita ni Sharon ang grades niya. Nang usisain siya ngPEP, nagulat nga kami dahil talagang matataas ito.



"Kaya masaya ako sa nangyayari, kahit nahihirapan din ako. Ganyan talagaang pag-aaral, paghihirapan mo talaga yung maa-achieve mo, and so far, I'mdoing okay.

"Noong last concert ko sa Araneta Coliseum, hanggang hindi tinatawag angpangalan ko, I was in front of my laptop doing the remaining requirements.

"I really have to rush, 'cause under time pressure. By 12 midnight,magsasara ang site, at mamarkahang late na ang isa-submit na modules. Angmasama pa, baka hindi na i-consider, sayang ang paglalamay at pinaghirapan.Kaya talagang determined ako to comply," napapailing na sabi pa ni Sharon.



WHAT MEGA REALLY WANTS. Tanging ito na lang ang frustration ni Shawie sabuhay. She made it big as a showbiz personality. Pero, parang may kulang parin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want a degree," sabi pa ni Sharon.

"Actually, nai-inspire ako sa kuwento ng iba pang estudyanteng nami-meetko. Meron nga, mga 60 years old na, and I came to her and asked, ‘Bakit ka panag-aaral?'

"Ang sabi niya, napagtapos na niya ang kanyang mga anak. It's about timena siya naman ang magka-diploma, hanggang may panahon pa siya.

"Kung sila nga, nagagawa nila yun, ako pa kaya? I am still very busy, perokung iisipin, I can command my own time. I have given this opportunity forothers to wait for my availability, pero ang pag-aaral, by this time, ito naang pagkakataon na talagang kailangang ma-accomplish ko na.

"It's now or never. Besides, hindi naman ako nagmamadali. Pakonti-kontingunits, pasasaan ba't makakatapos din ako," very positive na pahayag niSharon.

THE SENATE TURON-BANANA CUE VENDOR. Sa totoo lang, hindi lang yungpagiging Megastar ang hahangaan kay Sharon. Ito na yung positive values thatshe has been imparting to her followers and the public.

Bukod sa pagsisikap na magkaroon ng college degree, napakaganda rin ngpagpapalaki ni Sharon sa mga anak. Isang halimbawa na lang, yung kuwento niya tungkol sa anak na si Frankie.

"She told me she wanted to buy a guitar," sabi ni Sharon. "Gustolang niya. It costs around 800 pesos lang naman. I told her, wala namangokasyon para ibili ko siya kaagad ng ganoon.

"Gusto niya, magkaroon na siya agad ng guitar na talagang gusto niya. Kunggugustuhin ko, puwede ko siyang ibili kahit isang dosenang gitara, pero hindiyun ang point doon.

"Sabi ko, if that's the case, she should learn how to acquire it throughher means. She thought of selling turon and banana cue sa Senate just to earnthe 800 pesos for the guitar which she really wanted to buy.

"I told her, sige. Isinama siya ni Kiko [Pangilinan] saisang Senate meeting. Nagbenta siya ng turon at banana cue for merienda sa mgatao roon, and she earned like 400 pesos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She told me about it. Kulang pa raw. Next session daw, she still wantedto sell. Ang sabi ko, 'That's just fine, Frankie. I'll give you the remaining400 pesos so that you can have your guitar na.'

"Nakita ko kasi yung pagsisikap ng bata. And it's more than enough for me.I want them to value the money that we, their parents, are working hard for.Gusto kong maramdaman nila na bawat nakukuha namin, pinaghihirapan dinnamin," nakatutuwang kuwento ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN