FIRST READ ON PEP: Marian Rivera gives details about reconciliation with Katrina Halili

IMAGE 0


"After naming magkapaliwanagan, nag-sorry kami sa isa't isa.Nagkaiyakan, nagyakapan, at nagkasundo rin kaming hindi na lalabas pakung anuman ang napag-usapan namin," says Marian Rivera about her reconciliation with Marimar co-star Katrina Halili (inset).



Kung tunay na wedding ang nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa wedding scene nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa Marimar, isa na siguro si Marian sa pinakamagandang bride na nakita namin. Kinunan ang naturang wedding scene sa San Agustin Church sa Intramuros kaninang hapon, March 10.

Kahit hindi ini-announce kung saan kukunan ang wedding scene nina "Marimar" at "Sergio," nakakagulat na madaling napuno ang General Luna St. sa Intramuros. Malakas din ang tilian at nahirapan ang mga naka-costume na guardia civil sa pagpigil sa mga tao na naroon as early as 7:00 a.m.

Sayang nga lamang at hindi pa puwedeng ipakita kung gaano kaganda si Marian dahil ayaw ng GMA-7 na ma-preempt ang final episode ng Marimar sa Friday, March 14. Live na kukunan ang reception scene ng number one soap ng GMA Network, kung saan muling mapapanood ang ibang characters na namatay o nawala na sa soap.

Kahit ang primetime newscast ng GMA-7 na 24 Oras ay ang loob lang ng San Agustin Church ang nakunan at saka ang wedding gown ni Marian at ang suit ni Dingdong. Hindi sila pinayagan kunan ang ilang eksena ng wedding ceremony.

Nakausap ng PEP si Marian pagkatapos ng wedding scene. Hinubad niya na ang kanyang wedding gown at naka-shirt at pants na lang siya nang makausap namin dahil lilipat daw sila sa may PICC para sa eksenang kukunan sa loob ng yacht doon.

ALL'S WELL THAT ENDS WELL. Ang tuluyan na nilang pagbabati ni Katrina Halili nang walang halong showbiz ang itinanong namin kay Marian. (Click here for Katrina's side of the story.)

"Nagkausap na nga po kami ni Katrina," pagkumpirma ni Marian. "Lumapit sa akin ‘yong best friend niya, si Nimfa, at sinabi kung puwede raw kaming mag-usap. Pumayag naman ako at sabi ko, ang hirap nga ng ganoon na kahit nagkikita kami, hindi kami nag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halos eight months din kaming magkasama sa taping, pero halos hindi kami nagbabatian. Dumating na rin kami sa point na parang ayaw na naming mag-taping kung kami ang magkaeksena dahil nga hindi naman kami nag-uusap.

"Kaya sabi ko, gusto ko, kung mag-uusap kami, kami lang dalawa. Walang ibang makakaalam ng pag-uusapan namin. Kaya nagkulong kami sa isang room at doon, nagkapaliwanagan kami, nagkaintindihan.

"Wala naman pala kaming dapat pag-awayan. May mga sulsol lang na nagpaparating ng hindi maganda sa kanya at nakararating din sa akin. Parang ginamit nila ‘yong mga characters namin [sa Marimar] na magkaaway kami, off-camera.

"After naming magkapaliwanagan, nag-sorry kami sa isa't isa. Nagkaiyakan, nagyakapan, at nagkasundo rin kaming hindi na lalabas pa kung anuman ang napag-usapan namin.

"Sayang nga raw at kung kailan na matatapos ang Marimar, saka pa lang kami nagkapaliwanagan. Sabi ko sa kanya, hindi naman sayang dahil, at least, kapag nagkita na kami ulit sa GMA Network, magbabatian na kami, magyayakapan, at hindi na mag-iiwasan," lahad ni Marian.

Pinasalubungan daw siya ni Katrina ng isang red Hello Kitty jacket from Taiwan nang mag-shoot ang young sexy actress ng commercial doon.

"Opo," pagkumpirma ulit ni Marian. "Sabi niya, ‘Ayan, binili ko ‘yan para sa iyo kahit wala na akong pera,' biro niya sa akin. Ako naman, hindi po ako ready na may ibigay sa kanya. Naalaala ko na mayroon pala akong Nerds candy, alam kong mahilig siya sa ganoon, na medyo maasim at matamis. Kaya ipinabigay ko ‘yon sa kanya.

"Tinanong ko nga po ‘yong friend niya kung ano ang gusto ni Katrina. Mahilig pala siyang mag-collect ng Barbie dolls. Kaya ‘yon po ang ibibigay ko sa kanya sa last day ng taping namin," nakangiting kuwento ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN