Baron Geisler vehemently denies he sired Nadia Montenegro's youngest child

IMAGE 0


"Hindi ako ganun katapang para gawin ‘yon. Hindi rin ako tanga. So, kung gago man ako, hindi ako ganun kagago," says Baron Geisler about rumors that he is the father of Nadia Montenegro's (inset) youngest child.



Sumabit ang pangalan ni Baron Geisler sa isyu ng awayan nina Nadia Montenegro at Gretchen Barretto.

Sa gitna ng kontrobersiya ng magkaibigan ay may mga blind item na lumabas tungkol sa mga anak ni Nadia. Later on ay pinangalanan ng ibang showbiz kibitzers na ang ama diumano ng bunsong anak ni Nadia ay si Baron.

Hindi naman aware si Baron na siya ang naging sentro ng usapan tungkol sa anak ni Nadia.



"Talaga?" bungad ni Baron sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Supah Papalicious ng Star Cinema. "You know what? Isa lang, kahit na pasaway ako, hindi ako ganun katapang at hindi ganun katanga na gawin ‘yon, lalo na nakilala ko si Tito Boy [Asistio, Nadia's partner]. So, hindi ko magagawa ‘yon."



Itinanggi ni Baron na siya ang ama ng bunsong anak ni Nadia.



"I don't think may ganun si Nadia. She's a family friend. Kaibigan siya ng mommy ko. I will stick beside her and I don't believe na may tsismis na ganun, na niloloko niya si Tito Boy. It's all bull... It's not true," mariing sabi ng young actor.

Bakit nadikit ang pangalan niya kay Nadia?



"Siguro na-drag nga dahil family friend. Kasi nung namatay ang erpat ko, nag-shooting kami sa bahay nina Nadia kaya naging family friend," paliwanag niya.



From then on, hindi na ba sila nagkita o nagkusap ulit ni Nadia?



"Well, more on sa mommy ko," sagot ni Baron. "Kasi kabarkada niya si mommy ko. Kaming dalawa? Well, siyempre ganun na rin. Minsan get together. That was a long time ago. Not ten years ago, mga recently lang. Basta you know me, ayokong masangkot-sangkot sa gulo nila kung may gulo man sila. Buhay nila ‘yan. I'm starting a new life."



Ano ang mensahe niya sa mga nagkalat ng usap-usapan sa kanila ni Nadia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Yun lang, hindi ako ganun katapang para gawin ‘yon. Hindi rin ako tanga. So, kung gago man ako, hindi ako ganun kagago," pahayag niya.



Wala raw ideya si Baron kung paano siya na-link kay Nadia.



"Alam mo naman ang mga tao, makita lang kasama mo, buntis na. You know naman how crazy ang mundo ng show business," sabi niya.



Kailan sila huling nagkita ni Nadia?



"Tagal na," sagot ni Baron. "Di ba, PBB [Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2]? Ang tagal na kasi ang dami kong ginawa. I think a year.



"Pero ngayong may isyu na, hindi pa kami nagkikita. Wala akong alam na ganyang isyu. Nakokornihan kasi ako sa mga ganyang isyu. Alam ko may gulo sila, pero hindi ko alam na nasasangkot ako. So, nakaka-bad trip. Nakaka-bother kasi it's a big issue. Ayokong maging parte ng isyung ito dahil hindi ko kailangan sa buhay ko."



May plano ba siya na tawagan si Nadia pagkatapos lumabas ang isyung ito?



"Right now, she's busy talaga, e. Hindi ko nakakausap. Pero kung may pagkakataon, why not? Kukumustahin ko siya. Nandito ako bilang kaibigan niya."



Kamukha raw kasi ni Baron ang bunsong anak ni Nadia. Ano ang masasabi niya rito?



"Talaga? E, di maganda. Ayos ha," nangingiting sagot ni Baron. "Alam mo, maraming ganyan, basta mestiso. Kahit sa Pampanga, may isyu ako na ganyan five years ago. Basta mestiso, anak mo na."



May anak na nga ba siya?



"Wala pa," diin ni Baron.



What if meron na pala pero hindi lang niya alam?



"Why not? Basta alam kong totoong anak ko. Right now, I don't think I'm ready na. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko," sambit ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN