Ara Mina says she cannot be friends with Polo Ravales

IMAGE 0


"Naka-T-shirt na ako. Ayoko na ng polo. Hindi ba may kanta, yung ‘Iremember the boy, but I don't remember the feelings anymore?' Sa akin, I don'tremember the feelings anymore... and I don't remember the boy anymore," jokes Ara Mina when asked about ex-boyfriend Polo Ravales.



Suportado ni Ara Mina ang desisyon ng kapatid na si CristineReyes na lumipat na rin sa ABS-CBN tulad niya. Bagama't hindi masyadong updatedsi Ara sa mga ginagawang hakbang ni Cristine sa kanyang career, tiwala naman siyasa kakayahan ng abugado ng kanyang kapatid.

"Sila kasi ng abugado ang nakikipag-meeting," simula ni Aranang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "After matapos nungcontract [with GMA-7], kung tapos na ang lahat, babalik na siya sa akin o kunganuman ang plano niya."

SISTER MANAGER. Si Ara kasi ang nagma-manage noon ng career ng kapatid bago ipinaubaya nang tuluyan sa GMA Artist Center.

"Pero kung magre-renew siya [ng contract with GMA-7], parangako ang magiging co-manager niya ulit," paliwanag pa ni Ara.

Ngunit kinumpirma na ni Ara na hindi na pipirma ulit siCristine ng kontrata sa GMA Artist Center.

"Oo, kasi parang ano, binigyan ko siya ng freedom. Hindi naman ganun kasi kadali. Ako, matagal kongpinag-isipan bago ko iniwan ang Bubble Gang. At saka nag-usap din kaming manager ko. Hinahayaan niya akong mag-decide kung saan ako happy para in theend, hindi ko siya sisisihin, ‘di ba?

"Ganun din kay Cristine. Hinahayaan ko siyang mag-decide.‘Take your time mag-decide,' sabi ko sa kanya. ‘May offer sa ‘yo ang ABS-CBN,may offer din ang GMA.'"

Isang soap nga raw na pagbibidahan ni Cristine ang offer ngGMA, ayon pa kay Ara.

"Pero so far, ah,ayoko siyang kulitin [na mag-decide agad], kasi baka magkaroon ulit kami ngconflict. Kasi the more nangungulit ako, nape-pressure siya."

Willing ba maghintay ang ABS-CBN na makapag-decide si Cristine? Maybalita na nagmamadali na ang ABS-CBN para maumpisahan ang inaalok kayCristine, ang remake ng 1970's Alma Moreno-starrer na Eva Fonda, 16.

"They really want Cristine. Kailangan nilang maghintay,"diin ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meanwhile, masaya si Ara sa kinahinatnan ng pagpasok niya saPrinsesa ng Banyera.

"Nationwide, nasa top ten kami, kaya mae-extend for anotherseason. ‘Tsaka, everywhere I go, ‘Cassandra' ang tawag sa akin ng mga tao. I guess, yung gustotalaga ng mga tao yung kontrabida. Kaya naging effective noon ang Amor Powers,e."

EX-BOYFRIENDS. Tinanong din namin si Ara kung ano ang reaction niya sanababalitang relasyon ng ex-boyfriend niyang si Polo Ravales kay Jean Garcia.

"Naka-T-shirt na ako. Ayoko na ng polo," biro ni Ara.

Nagseselos ba siya?

"Hindi, I already moved on. Hindi ba may kanta, yung ‘Iremember the boy, but I don't remember the feelings anymore?' Sa akin, I don'tremember the feelings anymore... and I don't remember the boy anymore," sabaytawa ni Ara.

Ano'ng naramdaman niya nung mabalitaan niya na sina Polo atJean na?

"Wala, maganda naman si Jean, e. ‘Tsaka sexy siya, ‘no."

Sino ba ang mas sexy sa kanila?

"Voluptuous ang katawan ko, siya pang-model.

"'Tsaka sanay na ako na, yung nga, ex ko nagkakaroon ng girlfriendna mas older sa kanila," biglang pasok ni Ara tungkol naman sa tila pattern nglove life ng kanyang mga ex-boyfriends.

Pero kanino ba mas matagal bago siya naka-move on, kay Poloba o kay Jomari Yllana?

"Mas matagal kay Jomari. Mga one year yun, e."

FRIENDS NO MORE. Sa sinabi ni Ara kanina, tila hindi puwedeng mangyari namaging magkaibigan man lang sila ni Polo.

"Hindi," paniniyak ni Ara. "Pero kapag nagkikita kami,binabati naman niya ako. Kaya lang hindi ako convinced, kasi kung anu-ano paang sinasabi niya sa interview. Lucky charm daw niya si Jean. Sana huwag na lang siyangmag-comment ng ganun. Dapat wala nangganun.

"In fairness to me, naging supportive ako sa kanya. ‘Di badoon siya nag-boom? Nung nagpaseksi siya sa F&H [Folded & Hung], umingay siya nung umapir ako sa launching niya noon," tila may himig-panumbat na pagtataposni Ara sa aming kuwentuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN