No word yet from Aubrey Miles and Troy Montero about pregnancy issue

IMAGE 0


Since b0th Aubrey Miles and Troy Montero are not busy with their careers, observers thought this could be the right time for them to have their own family.



May mga balitang dalawang buwang buntis naang sexy star na si Aubrey Miles, at ang itinuturong ama ng kanyang baby aywalang iba kundi ang longtime live-in partner niyang si Troy Montero.

NOWHERE TO BE FOUND. Hinahagilap ngayon ng mgareporter at TV talk shows ang magkasintahan para linawin ang isyu, pero hindisumasagot sa mga tawag sa kanila sina Aubrey at Troy.

Sa column naman ni Abu Tilamsik sa Abante Tonite,sinabi nitong maging ang manager nina Aubrey at Troy na si Dondon Monteverde athandler nilang si Paula Punla ay dinededma ng magkasintahan. Kaya tuloy kapaghinihingan ng pahayag sina Dondon at Paula tungkol sa balita, wala rin silang masabi,dahil wala silang kumpirmasyon o pagde-deny na nakukuha mula kina Aubrey atTroy. Hinihintay na lang nilang si Aubrey mismo ang magsalita tungkol sakanyang maselang kalagayan.

FIRST OR SECOND? Siguro raw ay iniiwasan lang talaga ng magkasintahan nama-interview dahil makakalkal na naman ang matagal nang nabaon na isyu aboutAubrey.

Dahil kung totoo ngang buntis ito, kasunod na puwedeng itanong ay kungpanganay niya ba ito o pangalawang anak.

Matatandaan kasing natsismis na noonna may itinatagong anak si Aubrey by ex-boyfriend JP Obligacion.


THE TIME TO RAISE A FAMILY. Sa kabilang banda, sa totoo lang ay hindi nadapat mahiya pa si Aubrey kung buntis man siya o hindi. Sobra-sobra na satamang edad sina Aubrey at Troy para magkaroon ng sariling pamilya.

Yaman din lang at hindi naman busy ang dalawa sa showbiz,mabuti na nga't mag-concentrate sila sa pagkaroon ng pamilya nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN