Annabelle Rama does not allow son Richard Gutierrez to work with Lolit Solis's talents

IMAGE 0


"Marami namang shows ang GMA, isa lang ang kay Richard. Di sa mga showsna lang na wala si Richard ipasok ang mga alaga niya [Lolit]," says Annabelle Rama.


"Ayoko nang magsalita tungkol sa amin ni Lolit [Solis]" paunang salita ni Annabelle Rama nang nanghihingi na ng update ang entertainment press during the presscon of Babangon Ako't Dudurugin Kita last night, March 12, at Oasis.

"Nagsalita na ako sa The Buzz na pagkatapos noon, hindi na ako magsasalita. Yung mga artista na lang ang kausapin niyo, si JC..." lambing-taray sa amin ni Annabelle.

May isang issue lang kaming gustong tukuyin sa ina nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez. She was quoted saying daw na hindi niya papayagang makatrabaho ng mga artista niya ang mga alaga ni Lolit.

"Saan n'yo nabalitaan ‘yan?" tanong ni Annabelle sa amin na sinagot naman namin from reliable sources.

"Kay Richard lang," paglilinaw niya.

So, totoo ito?

"Sa mga project lang ni Richard. Ilan ba naman ang shows ng anak ko isang taon?" sabi ni Annabelle.

Hindi na kasama dito ang mga ibang artista ni Annabelle tulad nina JC de Vera at Ehra Madrigal, among others. Hindi rin daw kasama ang mga dati nang projects.

"Marami namang shows ang GMA, isa lang ang kay Richard. Di sa mga shows na lang na wala si Richard ipasok ang mga alaga niya [Lolit]," ani Annabelle.

Pagkaklaro naming muli, si Richard lang ang hindi puwedeng makasama ng mga alaga ni Lolit. Kapansin-pansin nga na sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, isa lang ang alaga ni Annabelle, si JC, kumpara sa talents ni Lolit, sina Yasmien Kurdi, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, and Paolo Contis.

"Hindi, saka matagal nang project ito," sabi ni Annabelle.

It is interesting to note na bumati sina Tonton, Yasmien, Glydel, at Paolo kay Annabelle sa pagbaba nila sa stage during the presscon of Babangon Ako't Dudurugin Kita, all duly acknowledged by the Gutierrez matriarch.

Nagpanghuling tanong kami kung maayos pa ang gulo sa kanila ni Lolit na nagsimula sa pang-i-snub diumano ni Lani Mercado kay Ruffa Gutierrez sa birthday party ng SVP for Entertainment ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante, at nagpatuloy naman sa burol ng ina ng dean of writers na si Ms. Ethel Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako maayos na," curt reply ni Annabelle. "Hindi naman talaga lalaki ang gulo kung hindi nagsalita si Lolit."

Later on, Annabelle added, "Hindi naman talaga magkakagulo kung pinansin lang ni Lani ang anak ko [Ruffa]."

Biniro namin si Annabelle na sino ba talaga ang nagpaumpisa nito—si Lolit o si Lani?

Isang napaka-naughty, racy, and yet very funny censored answer ang isinagot ni Annabelle about Bong Revilla and his privates na ikinatawa ng lahat ng nakarinig.

"Basta kahit sino sa kanila, hindi sa amin nagsimula ito," huling pahayag ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN