Tonton Gutierrez caught in the crossfire between stepmom Annabelle Rama and manager Lolit Solis

IMAGE 0


"Ito ang pinagdarasal ko, sana maayos nga sila. Ang liit ng industriyanamin para hindi kami magkita-kita at magkasama. At saka ang tagal ngpinagsamahan nina Tita Annabelle at Nanay," says Tonton Gutierrez.



Tonton Gutierrez prays for a peaceful ending between his "Tita" Annabelle Rama and "Nanay" Lolit Solis.

Hindi kasama sa nangyaring gulo si Tonton sa pagitan nina Lani Mercado, Ruffa Gutierrez, Bong Revilla Jr., Annabelle, at Lolit ngunit siya ang pinakaipit sa situwasyon. Tonton is the son of Liza Lorena and Eddie Gutierrez, who is the husband of Annabelle. Tonton is also being managed by Lolit.

Sa presscon ng Babangon Ako't Dudurugin Kita kagabi, March 12, kung saan magkasama ang mag-asawang Tonton at Glydel Mercado sa cast headed by Dina Bonnevie, Yasmien Kurdi, JC de Vera, Marvin Agustin, and Angelika dela Cruz, handa na si Tonton na matatanong siya tungkol sa situwasyon niya.

"Alam mo, isa ako sa mga huling nakaalam na may away sina Tita [Annabelle] at Nanay [Lolit]," sabi ni Tonton. "Wala talaga akong alam. Tinawagan ko si Nanay na may ganito pala. In-explain niya sa akin ang side niya. Sabi ni Nanay, sa bandang huli, magkakaayos naman daw sila ni Tita.

"Ito ang pinagdarasal ko, sana maayos nga sila. Ang liit ng industriya namin para hindi kami magkita-kita at magkasama. At saka ang tagal ng pinagsamahan nina Tita Annabelle at Nanay."

Sa ngayon, magkatrabaho sina Tonton alongside wife Glydel, Yasmien, and Paolo Contis na pawang mga alaga ni Lolit with his Tita Annabelle's JC. Wala raw itong problema kay Tonton.

Tonton plays Jango, ang right-hand man ng sindikato ni Evita played by Dina.

Naitanong na rin namin kay Tonton ang balitang banned daw ang mga talents ni Lolit sa any show ni Richard Gutierrez. Natawa kami sa sagot niya.

"Exemption naman ako sa ruling. Hindi lang naman ako talent ni Nanay Lolit, kapatid ako ni Richard," sabi ni Tonton.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN