Patrick Garcia defends himself against Jennylyn Mercado's accusations

IMAGE 0


Patrick Garcia replied when asked if he has also given up on his relationship with Jennylyn Mercado,"You know, it all depends on her, e. Kasi sinabi niya sa TV that shedoesn't want anymore. She was speaking like ‘tama na.' Maybe becauseshe's pregnant... I don't know...only time can tell."



Marami sa entertainment press ang nagulat nang dumating si Patrick Garcia sa presscon ng pinakabagong teleserye ng GMA-7, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita kagabi, March 12, sa Oasis.

Bagama't kasama sa cast si Patrick, ang alam kasi ng marami ay nasa Amerika siya. Nagpalagay naman ang iba na malamang hindi dumating ni Patrick dahil baka umiiwas ito sa mga isyu sa kanya kaugnay ng relasyon nila ni Jennylyn Mercado.

Pero dumating nga si Patrick at halos lahat ng mga tanong ng entertainment press ay sinagot niya.

U.S. BOUND. Unang nilinaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Patrick ang balitang nagpunta siya sa States at ang plano niyang mag-stay muna roon.



"Hindi...hindi rin ako pupunta," paglilinaw ng young actor. "I was supposed to, para mag-aral. And I said that a long time ago, pero may project pa ko rito sa GMA. So yun, trabaho muna.

"I'm supposed to study there, pero hindi na natuloy since I'm doing this one [Babangon Ako't Dudurugin Kita]. Although magte-taping pa lang ako since yung character ko, papasok pa siya around fifth or sixth week. At saka, nabuntis si Jen, e. That's why," pahayag ni Patrick.



RELATIONSHIP WITH JENNYLYN. Diretso na ring itinanong ng PEP kay Patrick kung kumusta na nga ba silang dalawa ni Jennylyn.



"Well, hindi pa kami nag-uusap," sagot niya. "Because pinalitan niya ang number niya... That's why hindi ko siya matawagan. Gusto ko siyang puntahan sa bahay, pero hindi ko alam kung ano ang magiging pagtanggap sa akin doon. I don't know...baka hindi ako welcome."



Kung susuriin ang mga pahayag ni Patrick, lumalabas na maging siya ay clueless kung bakit nangyari ang ganito sa relationship nila ni Jennylyn. Ngayong buntis si Jennylyn ay saka naman naging magulo ang relasyon nila at nauwi pa sa breakup.



"Hindi ko alam," malungkot na sabi ni Patrick. "Kumbaga, pati ako nagtataka rin. I really don't know. May mga reklamo siya. Maybe it's part of pregnancy, yung iba ang emosyon mo. In fact, nalaman ko na lang din na break na kami noong nanonood ako sa TV. Yung, ‘Ay, break na pala kami?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagbigay ng interview si Jennylyn at sinabi niyang tapos na ang relasyon nila ni Patrick, at bubuhayin niyang mag-isa ang magiging anak nila. Ito ay matapos mapanood naman ang interview ni Patrick sa The Buzz, kung saan sinabi raw ng young actor na hindi siya sigurado kung siya nga ang ama ng dinadala ni Jennylyn.



Ano ang naramdaman ni Patrick nang malaman niya ang balitang break na sila ni Jennylyn?

"I called her. Pero before that, I was calling her na, pero connection error na. Kumbaga, ayaw kumonek sa number niya. Yun pala, pinalitan na niya ang number niya," lahad ng dating child actor.

Ayon sa mga pahayag ni Jennylyn, si Patrick ang malinaw na pinapalabas na tipong nagkulang or iresponsable. Paano idedepensa ni Patrick ang sarili sa bagay na ito?

"For me, I'll just keep quiet na lang. Kasi the more I defend myself, the more the problem gets longer. The more things will throw back at me. I just wanted it to stop. And I don't want to give more pressure to Jen kasi she's pregnant. Sana, sana maayos na ito," kalmado niyang sagot.



Kung sa mga naging pahayag ni Jennylyn ay give up na ito sa relasyon nila ni Patrick, ganoon din ba ang young actor?



"I'm just giving her siguro time," sabi ni Patrick. "You know, it all depends on her, e. Kasi sinabi niya sa TV that she doesn't want anymore. She was speaking like ‘tama na.' Maybe because she's pregnant... I don't know...only time can tell."



PLAN FOR THE BABY. May plano ba siya sa baby nila ni Jennylyn?



"Well, I'm still here for her if she wants and for the baby. And sana man lang, yung schedule ng doctor niya, kahit yun lang, masabi sa akin. Gusto ko rin malaman yung mga updates sa baby namin at saka sa kanya," ani Patrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon pa kay Patrick, may common friend din naman daw silang dalawa ni Jennylyn na tinatawagan niya at sinasabihan niya kung pupuwede niya bang hingin ang schedules ni Jennylyn sa ob-gyne nito.



"Kahit hindi niya ako pansinin," sabi ng young actor. "I just want to be there for her check-up. Kung talagang ayaw na niya, I respect that. But if she really cares about our baby, of course, I still want to be the father, and I still want to know about the updates and what's happening sa development ng magiging baby namin."



Sanay ang press people kay Patrick na hangga't kaya nitong mag-no comment or huwag na lang magbigay ng pahayag, mas yun pa ang gagawin niya. Pero this time nga, tila na-provoke na rin yata si Patrick sa mga pangyayari kaya naging very open na siya sa pagsagot.



Hindi rin daw alam ni Patrick kung bakit may claim si Jennylyn na hindi siya tumatawag or tipong "missing" siyang palagi bilang boyfriend at ama ng magiging anak nito.



"I get to call her naman. Maybe she wants a little bit...more siguro ang gusto niya. I get to do the things naman that she wants. I'm just human so sometimes, hindi ko naibibigay on time or late ako or hindi ko nabili. Tao lang ako para magkamali ng ganoon. But you know, you don't have to decide on it or you don't have to react on it na, as if ganoon ako palagi," paliwanag niya.

THE BABY IS MINE. Lumabas din ang isyu na kesyo pinagdududahan daw niya kung siya nga ang ama ng ipinagbubuntis ni Jennylyn. Pero mariin itong itinanggi ni Patrick.



"From the start naman, never naman talaga ko na nagduda. I proudly admitted naman na it's my baby, e," diin niya.



Maging ang mommy niya na si Mrs. Bing Garcia ay may doubt din daw sa pagiging ama niyang bata. Ano ang masasabi ni Patrick dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I don't know. I didn't see both their interviews. My mom and with Jen. But my mom believes everything that I say naman. And my mom naman, never questioned naman, e," pagkaklaro ng young actor.

Narinig na rin daw ni Patrick ang plano ni Jennylyn na Mercado ang gamiting apelyido ng bata at hindi Garcia.



"I heard about that. I want to know also if she's serious about that," sabi niya.



Definitely, hindi siya pabor sa ideyang ‘yon kung saka-sakali.



"Well, of course, hindi. But I can't really do much kung ‘yon talaga ang gusto niya," sabi ni Patrick.

FINANCIAL ASSISTANCE. Pinabulaanan din ni Patrick na wala siyang financial assistance, especially when it comes to their baby's needs like the regular check-up. Aniya, "That's very, very untrue. Hindi totoo ‘yon. I can show the receipt, it's still with me. So, I know that's very false."

Naungkat din ang tungkol sa educational plan daw na in-offer at pinapipirmahan ng mommy ni Patrick kay Jennylyn, pero tinanggihan ng huli.



"Well, the funny thing is noong okay pa kami ni Jen, I talked to her about that. Kumbaga, it's my plan...our plan. And since my mom works in an insurance company, I told my mom about it. So, my mom went to her and asked her to sign lang. And I don't know what they thought about it at kung bakit sobrang negative na magkaroon ng educational plan when she knows it is both our plan," kuwento ni Patrick.

Pagkatapos ng lahat ng naglabasan at nasabi na rin ni Jennylyn sa mga interviews niya, willing pa rin ba siyang magkaayos sila?



"The answer doesn't have to come from me," sagot niya. "Well, napanood ko na lang kasi na break na kami sa TV. So, basically... Well, she didn't talk to me personally. Mas maganda sana kung maayos. But if she doesn't want to talk to me or to speak with me, I respect that. Basta ayoko lang na ma-pressure siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN