GMA-7 spent millions for wedding scene of Marimar and Sergio

IMAGE 0


The much-awaited wedding scene of Marimar (Marian Rivera) and Sergio (Dingdong Dantes) finally takes place with an elaborate ceremony to end the No. 1 primetime series in the country.More photos



Lahat siguro ng sumubaybay sa soap opera ng GMA-7 na Marimar for eight months ay naniniwalang pagkatapos ng lahat ng hirap nina Marimar (Marian Rivera) at Sergio (Dingdong Dantes), dapat lamang na isang magandang ending ang mangyayari. Ito ay ang makasal na nang totoo ang dalawa.

Hindi binigo ng Kapuso network ang mga sumubaybay sa kanila kaya naman isang engrandeng kasalan ang kinunan nila para sa pagtatapos ng Marimar. Akala mo ay totoo ang ginanap na wedding sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila, last Monday, March 10, na mapapanood bukas ng gabi, March 14, kasunod ang live wedding reception sa Studio 3 ng GMA Network Center.

Kahit inilihim kung saan ang wedding ceremony, nakakagulat na madaling napuno ang General Luna St. sa Intramuros as early as 7:00 a.m. Napakalakas din ng tilian at sigawan nang pumasok na sa churchyard si Marian sakay ng isang silver Jaguar bridal car, para sa shoot ng pagpasok niya sa simbahan.

Nahirapan ang mga security guards at barangay tanod sa pagpigil sa mga tao na gustong makapasok sa loob ng simbahan para masaksihan ang wedding scene.

WEDDING JITTERS. In-occupy ng GMA Network ang Barbara's restaurant sa tapat ng simbahan at doon nag-makeup at nagbihis ang mga involved sa wedding scene. Biniro pa nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kung nakita na ba niya ang "bride" niya na si Marian kahit na nga may "pamahiin" na hindi dapat makita ng groom ang kanyang bride bago ang kanilang kasal.

"Nandiyan nga lang siya sa kabilang side, pero hindi ko pa siya nakikita," nakangiting sagot ni Dingdong. "Ayoko siyang tingnan, para nadoon ang excitement kapag nakaharap ko na siya sa altar. Sa ngayon, nasa taping mode pa ako. Siguro mababago mamaya kapag nagsimula na ang ceremony, in character na ako, someone na in love na in love sa mapapangasawa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Birong sagot naman ni Marian nang sabihin ng PEP na hindi pa siya tinitingnan ni Dingdong: "Naku, kanina pa ko sinusulyap-sulyapan niyan!"

Dagdag niya, "Medyo ninenerbiyos din ako. Ganito siguro talaga ang feeling ngikakasal. At least, alam ko na kung ano pala ang feeling ng ikakasal."

Silver-beaded ang gown ni Marian na gawa ni Rajo Laurel. Ang suot niyang necklace from Miladay is worth P2 million, habang ang brooch sa bodice niya ay 10 karats Swarovski stones.

Ang suit naman ni Dingdong ay gawa ni Randy Ortiz. At hindi rin dapat isnabin si Fulgoso na naka-brown tuxedo at si Fifi na naka-white and pink dress.

Ayon sa program manager na si Cheryl Ching-Sy, puwede pa ring umabot ng ilang milyon ang gagastusin nila para sa wedding ceremony hanggang sa live airing ng reception tomorrow night. Pero masaya sila na maraming suppliers na nag-offer ng free at mayroon ding ex-deal, pero bayad daw nila ang San Agustin Church at ang Barbara's restaurant. Nag-hire din sila ng wedding coordinators para tama lahat ng gagawin nila.

Nang bumaba na sina Dingdong at Marian sa Barbara's resto para sa wedding ceremony, lalong dumami ang mga tao sa kalye at nagka-traffic-traffic na.

WEDDING ENTOURAGE. Nagsimula ang wedding processional na nauna si Richard Gomez, na gumaganap bilang ama ni Dingdong na si Renato Santibañez. Sinamahan niya sa altar si Dingdong at ang groomsmen na sina Marky Lopez at Dino Guevarra, na gumaganap naman bilang mga kaibigan ni Sergio.

Naroon na rin sina Manilyn Reynes na maganda ang costume as Corazon at si Raquel Montessa, na gumaganap bilang ina ni Inocencia (Nadine Samonte). Ang naging bridesmaids ni Marian ay sina LJ Reyes at Arci Muñoz, na parehong hindi kasama sa cast ng Marimar.

Primary wedding sponsors sina German Moreno at MTRCB Chairman Consoliza Laguardia, Mother Lily Monteverde and Douglas Quijano, at Ms. Wilma Galvante and Ricky Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Secondary sponsors naman sina Ms. Annette Gozon-Abrogar at Victor Aliwalas, Sheena Halili at Arthur Solinap, Rufa Mae Quinto at Tim Yap.

Si Buboy Garrovillo as Padre Forres ang nagkasal kina Marimar at Sergio.

Ang magkasintahan na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang kumanta ng theme song na "Mahal Kita" na sinulat ni Danny Tan.

Maraming na-touch nang maglakad na papuntang altar si Marian in her silver-beaded gown at may small pink roses sa kanyang buhok, habang hawak-hawak ang pink roses na bouquet.

Pagdating kina Manilyn at Raquel, niyakap ni Marian ang mga ito dahil sila na lang ang natitira niyang pamilya sa drama series.

Napaiyak din si Ricky Reyes sa eksena. Sabi ng sikat na beauty expert, ang tagal-tagal raw niyang pinanood gabi-gabi ang Marimar at ngayon, happy ending pagkatapos ng mga pinagdaanang hirap nina Marimar at Sergio.

Tiyak na ikatutuwa ng mga manonood na makitang ilang beses naghalikan sina Marian at Dingdong sa harap ng altar, hanggang sa paglalakad nila na umiiyak silang dalawa sa tuwa.

THE HONEYMOON. After the wedding scene, tinanong namin muli si Dingdong kung ano ang feeling niya during the shoot.

"As Sergio, mixed emotions ang naramdaman ko kaninang ikinakasal kami. Na-feel ko kaya napaiyak ako kasi ‘yon na ang katuparan ng talagang gustong mangyari ni Sergio, ang makasal sila nang tuluyan ni Marimar at mabuhay na masaya kasama ang anak nilang si Cruzita," sagot ni Dingdong.

Kumusta naman ang pakiramdam ni Marian pagkatapos ng wedding scene?

"Parang lumuwag ang dibdib ko," sagot ng young actress. "Napaiyak ako dahil ilang buwan ko ring kinimkim sa puso ko ang lahat ng sufferings ni Marimar. I felt relieved na natapos na ang lahat ng hirap pagkatapos ng kasal, na iyon na ang katuparan ng lahat ng pangarap niya, ang makapiling ang lalaking pinakamamahal niya ng buong buhay, kasama ang anak nilang si Cruzita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang honeymoon nina Marimar at Sergio ay ginawa sa Villa Santibañez.

"Actually, mas gusto kong doon ang honeymoon kesa ‘yong gusto sana ni Direk Joyce [Bernal] na sa Mexico mag-end ang story. Kasi may interaction kami sa iba pang characters na kasama namin hanggang sa finale," ani Marian.

Biro namin kay Marian, sa ending ng Marimar habang nasa beach sila ni Dingdong ay may lalabas na buntot sa mga paa niya.

"Actually, mayroon po kaming underwater scene ni Dong na nasa Villa Santibañez kami na parang lumalangoy akong mala-Dyesebel," birong sagot din ni Marian.

Hindi naman masyadong maiinip ang mga tagasubaybay nina Marian at Dingdong dahil ilang linggo lang pagkatapos ng Marimar ay mapapanood muli ang dalawa sa Dyesebel.

Click here for the gallery of Marimar-Sergio wedding.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN