Yasmien Kurdi and JC de Vera also caught in their managers' feud

IMAGE 0


"Huwag naman po sanang pati kami madamay. Hindi naman po kasi kasali ang love teamnamin ni JC sa gulo nila," says Yasmien Kurdi about the feud of her manager Lolit Solis and Annabelle Rama, who is the manager of her screen partner JC de Vera.



A real-life Romeo and Juliet situation is about to unfold in the love team of Yasmien Kurdi and JC de Vera.

Kung warring families, Montagues versus Capulets, ang pinaka-pamosong love story ni William Shakespeare, warring talent managers naman ang nangyayari ngayon sa pagitan nina Annabelle Rama at Lolit Solis dahil kina Ruffa Gutierrez na anak ni Annabelle, at Lani Mercado na alaga naman ni Lolit.

Ang isa sa ipit sa kaguluhang ito ay ang love team nina Yasmien at JC na iaangat na sa primetime via Babangon Ako't Dudurugin Kita after two successful Sine Novelas (Pati Ba Pintig ng Puso and Pasan Ko ang Daigdig).

Alaga ni Annabelle si JC at talent naman ni Lolit si Yasmien.

"Ay, oo nga pala, ‘no?" gulat ding sagot ni Annabelle nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) habang palabas na siya ng venue ng launching ng Babangon Ako't Dudurgin Kita last night, March 12, sa Oasis.

Kahit si Annabelle, nakalimutan niya ito.

"Hindi, okay lang, mabait na bata naman si Yasmien. Hindi ba ako pa ang pumili noon sa batang ‘yan para makatambal ng alaga ko?" sabi ng ina nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez.

"Walang pressure sa amin," dagdag naman ni JC when we asked the same question. "Ako pa ba ang sasali sa gulo nila? Okay kami ni Yasmien, okay kami ni Kuya Tonton [Gutierrez] at okay na okay kami ni Paolo [Contis]."

Tonton and Paolo, just like Yasmien, are Manay Lolit's wards.

"Huwag naman po sanang pati kami madamay," pakiusap naman ni Yasmien nang siya ang tinanong namin. "Hindi naman po kasi kasali ang love team namin ni JC sa gulo nila. Matagal na po kaming love team bago sila magkagulo ni Nanay [Lolit], ‘tsaka mabait naman po sa akin si Tita Annabelle."

Paano kung magtagal ang standoff between Lolit and Annabelle? Wala nang sumagot sa tatlong natanong namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN