Angelika dela Cruz not yet engaged to her non-showbiz boyfriend

IMAGE 0


Angelika dela Cruz says the two rings on her fingers are anniversary gifts from her non-showbiz boyfriend Orion Casareo.



Angelika Cruz is not sporting an engagement ring; not just yet.

Big to-do ang pagbabalik ni Angelika sa Kapuso network as she topbills with Yasmien Kurdi, JC de Vera, and Marvin Agustin in the newest primetime soap of GMA-7—Babangon Ako't Dudurugin Kita.

Proper ang billing niya sa soap where she recreates the Via role originally played by Ms. Hilda Koronel on the big screen. Maganda rin ang naging introduction sa kanya ng host ng presscon na si Jojo Alejar.

"Kaya nga tuwang-tuwa ako at ganito na lang ang pagsalubong nila sa akin," sambit ni Angelika after the cast presentation sa presscon.

Maraming issues ang sinagot ni Angelika, ngunit ang pinagtuunan namin ng pansin ay ang singsing niya—or rather mga singsing niya dahil it turned out she has two—na balitang engagement ring na bigay ng kanyang longtime boyfriend na si Orion Casareo.

"No, hindi pa. First year anniversary gift niya lang ito sa akin," paglilinaw ng aktres.

Sa kapipilit namin, ipinakita niya rin ito sa amin. It's a solitaire diamond na hindi bababa sa 2 karats ang laki, set in a white gold band.

Then, napansin din namin ang isa pang singsing na nakasuot naman sa kanyang right-hand finger. It's a V-shaped setting with rows and rows of diamond baguette cut. We asked about this to the comebacking Kapuso star.

"Pang-second year anniversary naman," sabi niya.

Nag-joke kami sa kanya kung may bigay naman ang kanyang boyfriend last Valentine and true enough, ang suot niya palang dangling earrings na diamond-studded din.

"Sabi nga ng kaibigan ko, patagalin ko ang relasyon namin para ‘pag umabot kami ng sampung tao, lahat ng daliri ko may singsing!" sabay tawa ni Angelika.

Pero binawi ni Angelika ang kanyang joke ng isang intriguing note: "Hindi ito engagement ring, pero I've been entertaining the thought of accepting his proposal na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN