Meet Robert Lopez, the man currently dating Rufa Mae Quinto

IMAGE 0


Rufa Mae Quinto with her current date, Robert "Bobby" Lopez, a 33-year-old Senior Manager in Internal Audit for Mattel, Inc.



Taking advice from writer Gorgy Rula, puro date lang munaang ginagawa ni Rufa Mae Quinto at mas masaya raw siya ngayong wala siyangdyowa.

"Natatandaan ko noon, ang gulu-gulo ng utak ko. Kasi maycareer na nga ako, may pamilya pa akong inaasikaso, may shows, ‘taposnagpo-produce pa ‘ko ng movie, ‘tapos may boyfriend pa. ‘Tapos kung anu-anongintriga pa yung dumarating," ani Rufa Mae sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) nang kapanayamin sa presscon ng latest movie niyang Manay Po2: Overload, under Regal Entertainment.

Kawalan ng oras nga raw ang main reason kaya nagkahiwalaysila ng huling boyfriend na si Erik Santos.

"Kaya nga kami ni Erik, hindi naman kami naghiwalay nangmagkagalit kami. Hanggang ngayon mahal ko pa si Erik. Mahal ko naman talagasiya. Kaya lang, ang hirap sa singer, tour nang tour, e ako rin naman, meron paakong concert din noon, plus shows. So, talagang mahirap yung relationshipnamin," kuwento pa ni Pchi tungkol sa paghihiwalay nila ng ex-boyfriend nasi Erik Santos.

MEET BOBBY. Pero ngayon, inspired na inspired daw siRufa Mae at yun ay dahil sa isang binatang Mexican-American na nagngangalangRobert "Bobby" Lopez.

Bobby Lopez works for Mattel Inc., the largest toy manufacturer in world, based in the U.S. at gumagawa ng mga sikat na laruan likeBarbie, Hot Wheels at superhero action figures. Bobby works as a Senior Manager in Internal Audit of Mattel, 33 years old, and is very much single.

"I met him four years ago. ‘Tapos nagkalimutan, ‘taposnagka-e-mail-an uli kami, ‘tapos yun na."

Nung una raw silang magkakilala ni Bobby, may boyfriend siyanoon at kahit na sinong lumapit, ke guwapo o macho, ay balewala sa kanya, dahilnga sa boyfriend niya.

"Nagbigayan lang kami ng e-mail, ‘tapos yun na." Then oneday, habang binabasa ang e-mail messages niya, nag-send siya ng invitation salahat ng taong nasa address book niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga network-network ng friends na ganun. Parang sa Facebook. In-invite ko siya, na hindi ko naman talaga matandaan kung sino basiya. Basta in-invite ko na lang."

Sumagot naman daw sa invitation ni Pchi si Bobby at doon nasila nag-usap through the net.

"Sabi niya, ‘Do I know you?'Ang sabi ko, ‘We already met inBangkok four years ago. Then I saw you in Manila.' ‘Tapos sabi niya, ‘that wasnot me.' Napahiya naman ako, so nagpakilala na talaga ako."

Nung una raw kasisilang nag-meet ni Bobby, ang pakilala niya raw dito ay isa siyang travelagent.

"Sinabi ko nang I'm a Philippine actress. Binigay ko pa ngayung website ko para maniwala siya. Mahirap na, ‘no. Ayoko naman yung...sonaniwala naman siya, then nagkita kami sa Hong Kong."

Wala talaga sa plano raw na magkita sila sa Hong Kong,nagkataon lang na kailangang pumunta ni Rufa Mae sa Hong Kong para sa businessnila ni Ping Antonio of Salon de Manila na Textures Hair Extension. Doon dawsila nag-i-import ng hair extensions.

"Dahil nandun na rin, we dated," sabi pa ni Rufa Mae.

Kakaiba raw ang feeling kapag kasama ni Rufa Mae si Bobby.With Bobby, alam niyang accepted siya nito for who she really is.

"Kasi doon [Hong Kong], nagta-taxi kami, nagba-bus,sumasakay ng train, nagdi-dinner nang walang nakakilala. ‘Tapos ang lapit lang[from the Philippines], so break talaga sa akin, sa lahat ng trabaho ko."

Sinundan na rin daw siya ni Bobby sa Pilipinas.

"Noong Sunday nandito siya, binisita niya ako."

Magkikita nga raw sila uli sa Hong Kong, kaya lang, throughtext ay winarningan siya ni Bobby na mag-ingat muna dahil may epidemya ng fluroon. Baka raw sa China na sila magkita ni Bobby as soon as matapos niya langang mga trabaho niya sa Pinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IS HE THE ONE? Nang tanungin kung si Bobby na kaya anghinihintay niyang lalaki para sa kanya, may pag-aalinlangan pa rin ang sagot niRufa Mae, although mababasang gusto niya sanang si Bobby na rin ang makatuluyanniya.

"For the first time kasi, I met someone na interestingtalaga. Intelektuwal, matalino, professional. He's a CPA from UCLA, talagangmay utak. Talagang interesting siya, good looking pa. So kung gusto ko sanangmaging boyfriend siya, gusto talaga. I want to get serious with him. Ang kasolang, takot pa kasi ako. Takot pa akong mag-enter na naman sa relationship nahindi ko naman manu-nurture.

"Lalo na ngayon, may bago akong telenovela aside from my threeshows sa GMA-7, I'm leaving for Europe pa para roon sa movie namin ni Jolina[Magdangal]. I'm having all these blessings at ang hirap naman kung hindi ko nanaman maaasikaso kung papasok na naman ako sa relationship. Lalo nalong-distance [relationship] pa kami.

"So okey na muna itong date-date lang muna kami. We're stillgetting to know each other and who knows, ‘di ba? Tingnan na muna natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN