LJ Reyes on Chinese guy she's dating: "Super bait!"

IMAGE 0


Among the several reasons LJ Reyes seems happy with the status of her lovelife—the guy she's dating is Chinese; he is "mabait"; and, the guy gives her complicated showbiz life "balance."


“Mas happy ba ‘ko ngayon? Hindi nga?” paulit-ulit pero supernakangiting tanong ni LJ Reyes sa mga reporters na nagbigay ng comment sa kanyasa presscon ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita, na obvious daw ang kanyangpagiging masaya ngayon.

Hindi na rin naman itinatanggi ni LJ that she’s dating a guy na katulad niya ay may lahing Chinese rin. Bagamat ayon sa dalaga, hindiraw niya puwedeng sabihin ang pangalan, kahit pa marami na rin naman angnaglalabasan na ang kanyang suitor ay related sa mga Sys na may-ari ng SMSupermalls.

Pero still, hindi pa rin nga masabi ni LJ na boyfriend na niya ang guy.

“O sige,ang status…siguro, masyadong…baka kasi sabihin n’yo, masyado namang cueshe nacueshe naman. Pero kasi, totoo naman.Hindi ko naman masasabing friends lang kami. Special. Special kami saisa’t-isa," ang sabi ng dalaga na nakangiti.

Meron na ba silang mutual understanding or M.U.?

“Huwagnamang M.U. kasi parang ang corny,” natatawa niyang sabi. “Siguro lang, kapagmay problema 'ko, siya ang una kong puwedeng makausap. Masaya kami when we’retogether.”

Nakita rindaw ni LJ kung ano ang difference ng pagkakaroon celebrity boyfriend sa isang non-showbiz guy.

“Kasi yungkay Alfred [Vargas], medyo nahirapan lang din kami. Kasi lahat ng tao alam kung ano angnangyari sa inyo. Pero siyempre, hindi naman namin maiiwasan yun. Siguro,hindi lang talaga kinaya na ganoon ang situwasyon namin.

“Eto, I cansay na siya ang nagba-balance. Eh, ‘di ba sa mundo natin, magulo? Siya yungnagba-balance, na kapag siya ang kasama ko, parang peaceful. Napi-feel ko nanormal akong tao,” ang kuwento ni LJ.

Paano niya ilalarawan ang special guy niya ngayon?

“Mabait!Super bait,” tipong very inspired pa niyang pahayag.

Nakilala atnakapag-dinner na rin daw siya with the guy’s family, especially the guy’sparents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-meet kona sila, wala namang special occasion noon. Simpleng dinner lang. Nospectacular...no event. Ang babait dinng parents niya. Nakakatawa nga kasi alam din nila na artista ko, minsan nagbibiro lang na kanta ka nga," sabay tawa ng StarStruck alumna.

Posiblengmarami ang maiinggit sa kanya dahil sa bago niyang lovelife?

Pero ang sabi ni LJ, “Siguro hindi naman dapat mainggit yung mga tao. Normal lang namanakong tao at saka, normal lang din naman siyang tao. Siguro kailangan lang din nilang mahanap yung taong magpapasayasa kanila. Wala naman dapat ikainggit.”

Inamin niLJ na malaking bagay na Chinese rin ang guy.

“Malakingbagay na Chinese kasi siyempre, sa kahit saan naman na Chinese family,traditional or not, siyempre, gusto rin naman namin na kahit paano, Chinese parin. Siyempre, same culture, eh...same tradition.”

Kahit rawnasa America ang mommy ni LJ, nakilala at nakausap na rin daw nito ang kanyang special guy.

“Siyempre,hindi personally kasi, nasa States ang mommy ko. Pero nakausap na niya saphone. Kapag nagcha-chat kami ng mommy ko sa YM, kino-conference ko. Actually,para nga silang mag-barkada ng mommy ko,” ang sabi ni LJ.

Tinanongdin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay LJ kung hindi ba siya pinapatigil na sa pag-aartista at niyayayana magpakasal? Sa malalaking Chinese family kasi, most wives do not work. If ever ba, okay lang sa kanya yun?

“Ano bayan?” natatawa niyang sabi. “O sige, sabihin na lang natin, ganito yan, kungmeron man akong pakakasalan na tao, ang gusto ko yung taong yun...naiintindihan ang trabaho ko. Kasi, ito namang showbiz, hindi ko lang itonakikita as trabaho. Passion ko pokasi talaga ang acting at saka dancing.

“Matagal narin po akong hindi nag-e-S.O.P. dahil sa schedule at nami-miss ko po angdancing. Alam ko, kung hindi rin akoaarte, mami-miss ko ang acting. So,hangga’t gusto ko pa, hangga’t kaya ko pa, gusto ko umaarte ako. Hindi dahil sa pera, hindi dahil safame but because gusto ko siya. So,kung may tao man akong mamahalin, dapat mahal din niya ang ginagawa ko. Kasikung hindi, hindi niya ko mahal,” ang paliwanag ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa kanyang ex-boyfriend na si Alfred Vargas, are they still friends despite their breakup?

“Friends?Hindi ko alam…kasi, kapag sinabi mong friends, as in, nag-uusap pa kayo.Nagsi-share pa kayo ng experiences n’yo.Sa ngayon kasi, kami ni Alfred, hindi naman kami nag-uusap. Hindi rinkami nagkikita. Pero we’re not enemy [sic]. Kumbaga, closed na lang talaga kung anuman yung meron kami dati.”

Pero ifever, willing pa rin siyang maging friends sila?

“Ako? Oo naman…why not, mas maganda nga yun kungmarami akong friends,” tila naka-move-on na ngang sagot ni LJ.

Kung sakaliba, ipapakilala na niya ang bagong chapter ng kanyang buhay?

“Puwede! Bakit naman hindi?” ang nakangiti pa niyangpahayag.

Sa huli, klinaro rin namin kay LJ ang lumabas na balita na minsang nag-skating rinkdaw sila sa SM, ipinasara raw ng guy ito at naging exclusive sa kanila?

“Naku ha!Sige, ‘eto…kaya kami nakapag-skating do’n, kasi, dumating kami ro’n, bukas pasila, ‘no! Tapos, nakiusap lang kami nasandali lang…sandali lang. At saka, may mga kasama kami noon at may lakad padin sila after.

“Pero hinditotoong ipinasara namin! Grabe, ang kapal naman ng mukha ko! Ayoko rin naman ngganoon. Basta, walang special privilege,” natatawa pero may diin ngang mgapahayag ni LJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN