John Prats will do all to win Shaina Magdayao's heart

Mar 14, 2008
"Nanliligaw pa lang talaga ako sa kanya. Kung magiging kami na, we'll let you know, promise!" says John Prats when asked about the real score between him and Shaina Magdayao.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John Prats kagabi, March 13, sa presscon ng Manay Po 2 Overload, sinabi niya na kahit nililigawan niya ang young actress na si Shaina Magdayao ay hindi pa sila nagdi-date.

Sabi ni John, "We don't go out. Dumadalaw lang ako sa house nila, ganun pa lang. Gusto ko nga sometime this year, how I wish siyempre makapanood din kami ng movie together."

Ayaw ba ni Shaina na lumalabas sila?

"Gusto niya rin naman," sagot ni John. Siyempre gusto namin, respect din sa dad niya. Siya yung bunsong anak, so dapat sa bahay muna ako. I'll do that first," sambit pa niya.

ALL FOR LOVE. Isa sa dating manliligaw ni Shaina ang ka-love team niyang si Rayver Cruz, pero itinigil na nito ang panliligaw kay Shaina nang manligaw din dito si John.

Sa tingin ba ni John, malaki na ang tsansa na sagutin siya ni Shaina ngayong siya na lang ang nanliligaw dito?

Continue reading below ↓

"Kung may nanliligaw sa kanya o wala, hindi mababago yung pananaw ko na parang hindi ako puwedeng maging kampante. Lalo na kung magiging girlfriend ko na siya, mas lalo akong dapat hindi maging kampante kasi, kayo na, e. So dalawa na lang ang pupuntahan nun, it's either magsa-succeed kayo or magbi-break kayo."

Kung sakaling magiging sila na ni Shaina, sa tingin niya ba ito na talaga ang magiging huling babae sa buhay niya?

"I really hope so and yun sana. Alam ninyo ayaw kong magsalita nang patapos, ever since hindi talaga ako nagsasalita nang patapos. Pero as of now, ang masasabi ko talaga, I'll do everything this time," paniniyak pa ni John.

Kelan nga ba siya sasagutin ni Shaina? Hindi niya ba natatanong dito?

"Gusto ko rin naman siyang tanungin, siyempre. But I don't want her to think that I'm rushing. So I'll just wait na lang for the right time and the right moment.

Continue reading below ↓

"I've experienced na rin naman yung may madali akong napasagot, na after two months, kayo, ‘tapos after nun, biglang may mga ugaling lalabas, isa sa inyo ang masasaktan. So I don't want that to happen to us, especially, I don't want to hurt Shaina. Kung gusto niya muna akong kilalanin pa, e di sige, ‘di ba?"

Sa tingin naman ni John ay malaki ba ang tsansa niya na mapasagot si Shaina?

"Siguro, hindi rin ako mag-aano nang ganito kung walang pupuntahan din. Sa tingin ko naman, may magandang kalalabasan ang panliligaw ko kay Shaina," sagot ni John.

Sa darating na Holy Week, si Shaina ba ang makakasama niya?

"Hindi kami magkasama, sa bahay lang ako with my family. I think si Shaina's gonna spend yata Holy Week sa Hong Kong with her family."

RELUCTANT LOVETEAM. Dahil nga sa panliligaw ni John kay Shaina ay naging dahilan ito para ipareha na lang sa iba si Rayver. Sa bagong episode ng Your Song na napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN ay si Maja Salvador at hindi na si Shaina ang kapareha ni Rayver.

Continue reading below ↓

Tuwing Sunday ay may production number sa ASAP ‘08 ang Dance Four composed of Maja, John, Shaina, at Rayver. Si Shaina ang laging partner ni Rayver. Pero nung nakaraang Linggo sa ASAP ‘08 ay si Maja ang kapareha ni Rayver, at si John ang ipinareha kay Shaina.

Mukhang pinagbibigyan na rin ng Dos na sina John at Shaina na lang ang gawing partner at si Rayver ay permanenteng ipareha na lang kay Maja. Tila nagiging exclusive na si Shaina kay John.

"Yun nga ang ayaw kong lumabas o mangyari, e. There were offers for us, but both of us, ayaw namin. Kasi ayaw naming isipin ng mga tao na yun ang point namin na kami na lang ang maging partner.

"Siguro kung yun ang point ko, matagal ko nang sinabi na type ko si Shaina, matagal na akong nagpakilig, matagal ko nang ginagawa. But never ninyo namang narinig sa side ko yun at never kong ginawa yun," paliwanag pa ni John.

Continue reading below ↓

Tila nagiging exclusive na sa isa't isa sina Shaina at John, tanong tuloy ng fans, hindi pa ba talaga sila ni Shaina?

"Nanliligaw pa lang talaga ako sa kanya. Kung magiging kami na, we'll let you know, promise!"

Read Next
Read More Stories About
John Prats, Shaina Magdayao
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nanliligaw pa lang talaga ako sa kanya. Kung magiging kami na, we'll let you know, promise!" says John Prats when asked about the real score between him and Shaina Magdayao.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results