Bianca Gonzalez says she's not offended by KC Concepcion's question

IMAGE 0


Says Bianca Gonzalez when asked if she still loves ex-boyfriend Lino Cayetano, "Ah, I think naman, like for me, I always say kahit last year, na forever may special place siya sa akin. Parang anyone naman, of course, anyone who gets into a serious relationship forever naman na may importance sa ‘yo yung taong nakarelasyon mo."


Pilit mang iniiwasan ni Bianca Gonzalez ang mga tanong tungkol kay Direk Lino Cayetano at KC Concepcion sa presscon ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus ay hindi niya magawa. Una naming kinuha ang reaksyon ni Bianca sa binanggit ni KC sa isang interbyu—kung alam ba ni Bianca na tinext siya ni Direk Lino.

"Yeah," nakangiting sagot ng PBB Teen Edition Plus Update host. "In-air namin yun sa Entertainment Live!. I even answered it na, ever since before, anything that has to do with the both of them, it's really none of my business to comment, until now."

Binitawan ni KC ang tanong kung alam ba ni Bianca na tinext siya ni Lino sa presscon noon ng Maalaala Mo Kaya? para sa kanya.

May ideya ba siya kung bakit nag-comment ng gano'n si KC?

"I don't know po. Everyone naman has every right naman to say whatever they want po. And ako, tinatanggap ko lang lahat.

"I mean... I'm sure it wasn't said with any malice intended. So, ‘ayun. No reason for me to comment about it. Kasi it's really none of my business, e."

Binati on-air ni Direk Lino Cayetano si Bianca, ang tanong tuloy, sila na ba uli ng guwapong direktor?

"No, we're not together," paglilinaw ni Bianca.

Ano ba'ng status ng relationship nila ni Direk Lino?

"We're enjoying, we're getting to know each other again, ganun."

Right after ng itinagong relasyon kasi nina KC at Direk Lino, si Bianca raw kasi agad ang kinausap ng binatang direktor. Naisip tuloy ng mga nakakakita at nakakakilala kina Bianca at Direk Lino na nagkabalikan na uli ang dalawa.

Pero pinabulaanan naman ito ni Bianca sa mga interview sa kanya. Meron namang mga nagsasabi na nanliligaw raw uli kay Bianca si Direk Lino, bagay na hindi naman kinumpirma ng morenang model turned TV host sa mga reporters na nagtatanong sa kanya. Nakakahiya naman daw on her part, bilang babae, na mag-assume na nililigawan siya ulit ng dating boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag meron na ako'ng mas concerte na puwedeng i-share or anything," paggarantiya ni Bianca sa mga naghahanap ng linaw na mga reporters at sa mismong PEP.

Sweeter the second time around ba sa kanya si Direk Lino?

"Ang haba ng hair ko. Ha-ha-ha!" napatawang sagot ni Bianca sa tanong.

"We will see kung sweeter nga at the second time around. Pero maganda lang kasi, parang unlike, kunyari, first time kang niligawan, getting to know you stage. Pero kung magkakakilala na kayo, I think it's much better na nga kasi chances are, kilala ninyo na ang isa't isa.

"Much better now, na friends lang [kami ni Direk Lino]. Personally, I'm really just taking my time."

Noong birthday ni Bianca last March 11, maghapon lang daw siya sa bahay. Binati siya ng kanyang mga kaibigan, family, and of course, si Direk Lino, kahit nasa ibang bansa. May ipinadala rin daw itong regalo sa kanya.

"Maraming pagkain. Feeling ko nga tumaba ako, slight," nakangiting kuwento ni Bianca.

"I think he arranged it. He had it arranged with the people...kasi family naman niya nandito. He sent my favorite food, Japanese. So kung anu-ano, iba-iba ang inorder niya."

Na-touch ba siya sa ginawang effort na padalhan siya ng pagkain ni Direk Lino?

"Syempre, of course. Any girl naman would love naman na may regalu-regalo kapag special occasion."

Posibleng ma-in love ba ulit siya sa ex-boyfriend dahil dito?

"Ay, naku! I don't know what it means. Tanungin ninyo na lang siya kapag nakita ninyo siya. Good luck kapag nakita ninyo siya," biro pa uli ni Bianca.

But seriously, bumalik na nga ba ang dati niyang pagmamahal kay Direk Lino?

"Ah, I think naman, like for me, I always say kahit last year, na forever may special place siya sa akin. Parang anyone naman, of course, anyone who gets into a serious relationship forever naman na may importance sa ‘yo yung taong nakarelasyon mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, malaki nga ang possibility na maging sila ulit?

"Oh, my God. I don't know. Parang sumasakit ang tiyan ko kapag natatanong ako, nate-tense ako. Kasi I don't know, honestly. Kasi ayoko ring magsalita nang tapos, kasi what if in the end, hindi rin naman pala, ‘di ba? But so far, I'm taking my time at saka happy naman [ang lahat]. So, good na yun for now."

So happy siya, kahit na hindi lang siya ang tine-text ni Direk Lino kundi pati na rin si KC?

"Oh, well, in this case kasi everyone is single. So, everyone has the right to do whatever he or she wants."

By the way, nasaan na nga ba si Direk Lino?

"Nagbabakasyon siya, right now. He's not here, and I don't know kung nasaan siya. Kasi the past few months iba-iba ang place na pinupuntahan niya. Nag-e-enjoy siya sa pagta-travel."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN