Rufa Mae Quinto denies she has P30M contract with GMA-7

IMAGE 0


"More pa. Ha-ha-ha! Tsismis lang yun, pero nakakahiya naman yun. Ewan ko, dapat bang sinasabi? 'Wag na lang, pero mas malaki pa run. Charing! Ha-ha-ha!" Rufa Mae Quinto jokingly answers the question about the amount of her contract with GMA-7.


Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rufa Mae Quinto sa presscon ng bago niyang movie na Manay Po 2: Overload na ginanap sa Imperial Palace, Quezon City, kung totoo bang thirty million pesos ang halaga ng kontrata niya sa GMA-7.

"More pa. Ha-ha-ha!" napatawang sagot ni Rufa Mae. "Hindi ko kasi alam kung... Depende pa sa gagawin kong trabaho, e! Kasi kung maraming magiging projects, which marami namang nakaplano for me, malamang, siguro dadami yung pera. Pero depende pa rin, e."

Sa pelikula at TV na ba ang sakop ng kontrata niya with GMA?

"Hindi po, TV lang at wala namang ganung amount, wala naman pong ganun," paglilinaw pa ni Rufa Mae tungkol sa napabalitang tatlumpung milyong pisong talent fee niya.

"Tsismis lang yun, pero nakakahiya naman yun. Ewan ko, dapat bang sinasabi? 'Wag na lang, pero mas malaki pa run. Charing! Ha-ha-ha!"

Tinalo pa niya si Regine Velasquez na napabalita namang inalok ng twenty-five million na kontrata?

"Hindi, walang ganyanan, kaibigan ko yun, kaibigan ko si Songbird."

MANAY PO 2: OVERLOAD. Sa Manay Po 2, excited si Rufa Mae na maging bahagi ng pelikulang ito na ipapalabas na sa April 16.

" I always love working with Direk Joel Lamangan. Kasi yung Desperadas ‘tapos yung Legal Wife, lahat yun nagkaroon ng magandang review sa character ko, at kumita po lahat.

"Malaking tulong sa akin tuwing gumagawa ako ng movie kay Direk Joel, kasi I think naba-balance niya, e. Yung character, hindi lang puro comedy na nakakainis. Naiba-balance niya ako."

THE BABYMAKER. Ang role ni Rufa Mae sa pelikula ay bilang si Bette na isang babymaker para sa gay couple na sina Adrienne (Sid Lucero) and Oscar (Polo Ravales). Natanong tuloy naming si Rufa Mae, kung hindi ba siya artista at dahil sa pangangailangan ng pera ay in-offer-an siyang maging babymaker, gagawin kaya niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, bakit ko naman gagawin? Ayoko," tanggi ni Rufa Mae.

Paano naman kung matalik na kaibigan niyang mag-asawa ang humiling na maging babymaker siya ng mga ito, papayag kaya siya?

"Ayoko. E, kung sarili ko ngang dyowa, hindi ko ginawan ng anak. Ha-ha-ha! Hindi siguro."

Pero aminado si Rufa Mae, isa sa mga dreams niya ay ang maging isang ina.

"Oo nga, e! Sa ngayon kaya ko pang tanggapin [na single pa rin ako], pero bata pa naman ako, e. Ha-ha-ha! So okey lang sa akin, pero siyempre 'pag tagal-tagal, gusto ko ring maging mother."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN