Luis Manzano enjoys unique bonding with Angel Locsin

IMAGE 0


"That's the thing I can only think of. Ang kapal ko naman to say we have a relationship. Bond na lang," says Luis Manzano when asked to describe his relationship with Angel Locsin.


Napanood ni Luis Manzano ang pag-two piece ni Angel Locsin sa episode ng Lobo last Wednesday. "It's no surprise kung bakit siya ang sexiest Pinay," nawika na lang ni Luis about Angel's white two-piece scene in Lobo.

Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang presscon ng latest ABS-CBN show na Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong Huwebes, March 13, sa 14th floor ng ABS-CBN ELJ Building at kinausap ang celebrities na involved sa show, which includes Luis Manzano.

Humanga rin si Luis sa pagkakakuha ng kissing scene nina Angel with Piolo Pascual.

"Galing, huh," wika ni Luis. "Kasi ako, honestly, I'm a fan of their love team. I'm a fan of basically two love teams ngayon, Piolo-Angel and John Lloyd [Cruz]-Bea [Alonso]. Ultimo yung mga shot na ginagawa sa kanila, ang galing! I'm a fan of the show."

Nakaramdam ba siya ng selos sa kissing scene nina Piolo at Angel?

"Wala," mabilis na sagot ni Luis. "Never akong nagselos sa kahit na anong scene. Dahil the fact na bata pa lang ako, nakikita ko na ang mommy ko [Vilma Santos] na ang dami-daming nagiging leading man, nagki-kissing scene, nagbe-bed scene. I completely understand, work is work.

"And the same way na sa girlfriend ko, hinding-hindi ko siya pipigilan na... you know, if the script requires for a kissing scene or kahit ano pa man, hinding-hindi ko siya pipigilan. In the same way na ine-expect ko na hindi niya ako pipigilan na gumawa ng mga ganung scenes."

Pang-off-cam naman daw kasi sila ni Angel.

"Wala kasi kaming project ni Angel. So, definitely, off-cam yung sa amin. Kung ano man yun, sa amin na lang ‘yon."

LUIS'S "BOND" GIRL. Sa binitawan niyang salita, is he hinting or is this a confirmation na sila na nga ni Angel?

"Hindi pa dahil, hindi dahil ang dami naming kailangang asikasuhin sa mga buhay-buhay namin. Lumalabas kami ni Angel. We hang out. We don't deny it. We're very, very comfortable with each other. I met her dad and she' already met my mom. Pero alam ninyo yun, the way she tapes for example," patuloy ni Luis, na tila pagsasabi sa amin kung gaano ka-busy si Angel. "Inaabot sila ng ala una, alas dos ng hapon. Hindi man lang ng umaga, huh, and we have other things to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'll be very busy ‘tong darating na dalawang buwan. But I don't deny na we have this bond. We have this bond. Pero let's leave it at that na lang."

Ano'ng tawag sa "bond" nila?

"Ok," sandaling tumigil si Luis. "I don't want to say 'mutual', but we have an understanding, yun na lang. Ayoko namang sabihin M.U. kami, ‘ayun. Basta we have an understanding. I'll leave it na lang sa understanding. Kasi kapag sinabi na mutual, automatic napaka-romantic agad na o magiging kami na. No, I'll say we have an understanding."

May problema ba kung sakaling aminin man nila ni Angel na sila na nga?

"There's definitely no problem at all. Walang taong hahadlang. Walang ganung factor."

Ang tanging nakikita lang daw ni Luis na hadlang kung sakaling magkakaroon sila ng definite na relasyon ay ang oras nila para sa isa't isa.

"Ako, taga-industrya ako, taga-industriya rin siya. Pero alam mo yun, we're just enjoying [time together]. Pero napakarami pa naming kailangang gawin."

Hindi ba puwedeng maging sila na ni Angel kahit marami pa silang dapat asikasuhin?

"Yun ang ginagawa namin ngayon. You know I have things to do, she has things to do, that's why ‘pag may libreng oras, lumalabas kami."

Paano ba ang bonding moments nila ni Angel?

"Basta yung sa amin na lang yung ganun. Tira na lang sa amin yun."

Marami na rin ang naka-bond noon ni Luis na taga-showbiz. What makes Angel different from the rest?

"One, siguro that makes her very, very different is yung mga situwasyon sa buhay namin ngayon. We're both more mature. We understand things na. That's the thing I can only think of. Ang kapal ko naman to say we have a relationship. Bond na lang."

Pero sinabi ni Luis sa amin na kung sakaling the "bond" will go deeper at mauwi sa tunay na relationship, siya ang unang aamin dahil siya ang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil exclusive nga sila sa isa't isa, wala raw ibang dine-date si Luis kundi si Angel.

"No, I don't go out with anyone else." At ‘pag lumalabas daw sila ni Angel, silang dalawa lang. And how is Angel as a constant date, sweet ba si Angel?

"Ayoko namang i-assume na may pagmamahalan na agad na nagaganap. Siguro concern and care. But understanding is not necessarily loving."

Baka naman siya lang ang nagmamahal kay Angel?

"Siguro, in general sa pagkatao ko I won't be in a relationship na puro ako lang. Kung papasok man ako sa isang relationship, gusto ko siyempre 50-50."

WHEN WILL THEY ADMIT? So kung finally, naramdaman nilang gusto na nilang laliman ang kanilang "bond," kelan naman kaya nila gagawin yun?

"Well, you never know, baka mamaya gulatin tayo isang araw biglang nandun na or maybe one year, saka pa lang aano. But there is always something about life that's surprising."

Or pwede rin na ma-surprise ang lahat na nag-break na pala sila kahit hindi pa umaamin?

"Which usually happens sa industryang ito," natatawang dugtong ni Luis.

"Pero siguro doon pumapasok na, although we are in this industry that meant for us to be public properties, gusto pa rin naming may konting natitira sa amin.

"Hindi yung porke may show ako, may show siya, kailangan na naming gawin ang lahat or sagutin kahit anong tanong. Siyempre may konting tira-tira na rin na sana para sa amin na lang."

ANGEL COMPLETES LUIS. May mga nakakapuna na madalas na raw sabihin ni Luis ngayon ang katagang "I'm complete" tulad noong sabihin niya ito sa isang event kung saan siya ang host. Matatandaang ang linya naman ni Angel sa isang TV commercial ay, "I wanna be complete." So ginagawa ba ni Luis ito para tapatan ang linya ni Angel?

"Hindi, ang nangyari kasi noon, meron akong ginawang hosting for Ever Bilena, and it was in my script with my co-host si Ms. Donita [Rose], na parang. ‘My night won't be complete without me working with Toni [Gonzaga] again.' Yun ang linya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sagot ni Miss Donita, ‘Toni will complete you but you don't complete her.' Yun ang sagot ni Ms. Donita based sa script. So, sinabi ko. ‘I'm happy because I'm complete.' Yun sagot ko. Yun ‘yon."

So is he referring to Angel when he said that?

"Sa story of my life, sa lahat ng mga napagdaanan ko, finally, I met someone na I do have a bond with. So, in some degree, yes, din."

HOW IS ANGEL WITH EDU? Kumusta naman ang relationship ni Angel sa daddy niya na si Edu Manzano?

"Uhm, nagkasama lang kasi sila once. Nagkausap lang talaga sila nung ABS-CBN Christmas special. Nagkadaanan, nagkakulitan."

May lumabas na isyu na may comment daw ang daddy niya about Angel?

"Ah, yung hindi madaldal? Kasi nakilala niya si Nancy [Castiglione] at saka si Jodi [Santamaria] na madadaldal. Si Angel kasi at first naman medyo mahiyain talaga siya. And siyempre, you just don't come up to somebody and feeling close ka kaagad. So siguro si daddy, when he said hindi madaldal si Angel, I'm sure he did not mean it in a negative way."

Boto ba siya kay Angel para sa kanya?

"I think kahit sinong ama naman kapag nakilala ang isang katulad ni Angel boboto agad ‘yan," pagmamalaki pa ni Luis about Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN