Vhong Navarro shares secrets of his staying power

IMAGE 0


"Siguro ang pagiging professional ko. ‘Pag may ginagawa akong movie, hindi lang ang eksena ko ang iniisip ko. Iniisip ko rin ang buong pelikula, kung paano ito mapagaganda. Nagbibigay rin ako ng suggestions kung paano mapagaganda ang eksena," says Vhong Navarro when asked to share some of his secrets in being the most visible among the Streetboys who entered acting.


Usung-uso sa local showbiz scene na kahit na hindi marunong sumayaw, pilit pa rin pinagsasayaw ‘pag may pino-promote na show o kaya'y pelikula. Ganito rin ang kaso sa mga baguhang wala namang mga boses pero pinakakanta naman.

Naaawa si Vhong Navarro sa mga artista, lalo na ang mga baguhan, na pinipilit na pagsayawin kahit na parehong kaliwa ang mga paa.

DANCE IS ABOUT BODY RHYTHM. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng Star Cinema at sa opinyon ng bida ng SupahPapalicious hindi raw dapat pinagsasayaw ang mga ito.

Wala raw itong ipinagkaiba sa mga artistang pilit na pinapakanta kahit na walang boses, kaya tuloy napipintasan sila.

"Parang ‘yung pagkanta, kahit na ‘di marunong kumanta, pakakantahin. Kawawa naman. Kasi before na-experience ko iyon. Nagtuturo pa ako noon ng sayaw sa mga artista na nahihirapang sumayaw. Ang hirap talaga. Sa rehearsal pa lang, makikita mo na nahihirapan sila. Kaya sana kung ‘di kayang sumayaw, huwag na lang nilang pagsayawin," wika ni Vhong.

"Kung wala kang boses, puwede ka pang mag-voice lessons. Pero ang sayaw, kahit na magsayaw ka o mag-rehearse ka, kung talagang parehong kaliwa ang mga paa mo, ‘di ka talaga matututo. Sayang lang ang pera."

Nahahalata naman kasi talaga ‘pag hindi marunong sumayaw. Ang isang dancer daw ay may rhythm sa katawan. Kung wala ka nito, hindi mo makukuhang magsayaw without looking awkward, sabi pa ni Vhong.

Bata pa lang ay mahilig nang magsayaw si Vhong. In fact, madalas siyang sumali noon sa mga dance contests, hindi lang daw siya nananalo. Idol na idol niya si Michael Jackson. Bago siya sumali sa Streetboys, nasa high school pa siya that time, sumasali siya sa mga dance contests sa mga fiestas.

VHONG'S SECRET. Among the members of Streetboys (which included Spencer Reyes, Danilo Barrios, Jhong Hilario), si Vhong na lang ang masasabing okey pa rin ang takbo ng career. Ang ibang kasamahan niya sa grupo ay nag-lie low, kung ‘di man tuluyan nang nawala although sumasayaw pa rin naman silang lahat sa Streetboys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang secret ng staying power ni Vhong at siya na lang ang nag-survive?

"Siguro ang pagiging professional ko. ‘Pag may ginagawa akong movie, hindi lang ang eksena ko ang iniisip ko. Iniisip ko rin ang buong pelikula, kung paano ito mapagaganda. Nagbibigay rin ako ng suggestions kung paano mapagaganda ang eksena," sagot ni Vhong.

Itinanggi rin ni Vhong na siya ang paborito ni Direk Chito Roño (manager ng Streetboys) kaya patuloy na maganda ang takbo ng career niya kumpara sa iba niyang kasamahan.

"Siguro kasi komedyante ako kaya narito pa rin ako. E, sina Spencer at Danilo, mga dramatic actors sila. Marami silang kalaban sa pagiging dramatic actors, unlike me na komedyante. Kaya naman si Jhong [Hilario] ay visible pa rin kasi character actor naman siya," patuloy pa niya.

Natutuwa si Vhong na nakakasama na niya muli sa pagsasayaw ang Streetboys sa ASAP 08 tuwing Linggo. There was a time nami-miss niya talaga'ng sumayaw kasama ang dati niyang grupo. ‘Pag may gig ang Streetboys dati, madalas hindi siya nakakasama dahil sa kanyang busy schedule.

APPEAL ON GIRLS. Malakas din ang appeal ni Vhong sa mga babae. Kasi raw nagiging totoo lang siya sa mga ito. Siguro raw type ng mga babae ang kanyang sense of humor kasi napapatawa niya ang mga ito.

"Baka isa sa appeal ko sa girls ang pagsasayaw ko. Bihira kasi sa mga guys ang magaling magsayaw, except dun siguro sa mga bading na nagsasayaw. Pero iba kasi ang dating ng Streetboys ‘pag nagsasayaw, e. With the kind of dance na ginagawa namin, lalaki lang ang nakakagawa noon," pahayag pa ng bida ng Supah Papalicious na magbubukas sa mga sinehan on March 22, Black Saturday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN