Stars in Boracay (Part I)

IMAGE 0


Zanjoe Marudo and Mariel Rodriguez were recently spotted in Boracay. The rumored couple were there for the event of Fit N Right, a product Mariel endorses.


Ano kaya ang dahilan kung bakit biglang kumonti ang bilang ng mga celebrity na nagpunta sa Boracay ngayong taong ito?

For the past few years kasi, sangkatutak ang namataan naming artista na pakalat-kalat sa Island of Boracay. Ika nga ng isang photographer dati, "It's raining stars here in Bora!"

This year, nahilo lang kami sa kahihintay sa ilang mga artista na maaari naming makunan. Ang ending tuloy, nabilad kami nang husto sa araw sa kababalik-balik mula station 1 hanggang station 3.

Dalawa nga sa aming kasamahang photographers ay nandoon na, Lunes Santo pa lang. At siyempre, agad nag-abang ng artista. Subalit nabigo sila. Noong Miyerkules Santo nga ay tatlong artista pa lang ang nakukunan nila ng litrato.

HOLY WEDNESDAY. Dumating kami sa Bora ng alas otso ng gabi, araw ng Miyerkules. Nag-ikot agad kami para obserbahan ang kilos at galaw ng mga taong nando'n. Nagtanung-tanong na rin sa mga taga-roon kung mayroon na ba silang nakitang artista.

Pero ang sabi sa amin ng isang front desk clerk sa Sun Village Resort and Restaurant ay wala pa halos silang nababalitaan o nakikita man lang na nando'n sa Bora. Ang Sun Village ay nasa station 2, kaya halos lahat ng dumadaan dito na celebrity ay nakikita nila.

MAUNDY THURSDAY. Kinabukasan ay maaga rin kaming lumabas, pagkatapos mag-agahan ay tumambay na agad kami sa pa-event ng Nivea, na taon-taon ay maraming artistang iniimbita. Pero nakakagulat, kasi ni isa ay wala man lang silang artistang naroon, di kagaya nitong mga nakalipas na taon.

After lunch, pumunta na kami sa sikat na Jonah's & LJ fruitshake and Snack Bar sa may Station 1 para tumambay. Mabuti na lang at nakasalubong namin sina Paolo Contis, Isabel Oli at Mark Herras. Siyempre, nagmadali kaming kuhaan sila ng larawan.

Doon lang kami nagkaroon ng pag-asa. At last, may artista rin pala.

Sumunod naman dito ay si Polo Ravales, na nakita namin sa Jonah's at umorder din ng fruit shake. After nito ay umalis din agad at nagpunta sa station 1, kasama ang kanyang kaibigang lalaki na non-showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malapit sa pinuntahan ni Polo ay namataan naman namin si Bryan Revilla na kasama rin ang kanyang mga kaibigan. Saglit naming kinausap ang panganay ni Bong Revilla at tinanong kung sino ang kasama niya.

"Mga kaibigan ko lang ang kasama ko dito kasi sina Daddy at Mommy at yung ibang mga kapatid ko ay nasa Amerika. Pero si Daddy, nandito na kaya lang sina Mommy ay naiwan pa sa U.S. Papasyal daw sila dun sa mga relatives niya at sa Disneyland," ang kuwento ni Bryan.

Pagkatapos ng kuwentuhan ay dumiretso na kami ng grupo sa White House Beach Resort para maghanap pa ng artista. Tiyempo naman na nandun si Giselle Sanchez na kumakain pa lang ng tanghalian kasama ang pamilya nito at owner ng nasabing resort.

Nag-aya siyang kumain pero tumanggi kami dahil tapos na rin naman kaming mananghalian.

Pinaupo na lang kami sa isang cottage para raw makapagpahinga, alam daw niya na pagod na kami sa kalalakad. Pinadalhan naman kami nito ng maiinom na malamig na tubig at nagulat na lang kami na may kasunod pang malaking chicken. Tingin nga namin ay turkey. Siyempre, dahil sa kagandahang loob ni Giselle ay pinagbigyan namin siya. Ayaw kasi naming lumabo ang mga mata namin sakaling tumanggi kami sa grasya.

Tamang-tama sa kalagitnaan nang aming meryenda na turkey ay dumaan si Maja Salvador.

Dali-dali kaming tumayo sa kinauupuan namin at tumakbo para habulin itong si Maja. Suot ang kanyang malaking shades na D&G (Dolce & Gabana), pinakiusapan naming tanggalin nito ang kanyang suot na shades para mas makilala siya. Pinagbigyan naman kami, pero ilang saglit lang ay isinuot niya ulit kasi nasilaw siya sa matinding sikat ng araw.

Dumating din si China Cojuangco, kasama ang kanyang boyfriend, na bitbit ang bilao na tila may laman na pagkain. Tuluy-tuloy lang kami sa paglalakad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa station 2 naman ay namataan naman namin si Rachel Lobangco, na naglalakad kasama ang dalawang babae. Naroon din si Sherwin Ordoñez na abala naman sa picture-taking with his fans.

Sa may ‘di rin kalayuan, napansin namin sina Denise Laurel at JC Cuadrado na naglalaro sa event ng Del Monte, ang Fit N Right.

Lakad uli kami at si Kim Atienza naman ang nakita naming nakaupo, kasama ang kanyang kabiyak. Tila ninanamnam ng mag-asawa ang sariwang hangin.

Sa paglubog ng araw ay nadaanan naming nakikinig at nanonood itong si Andy Manzano, isang VJ at commercial model, sa Sabado Boys, na kinakanta ang commercial jingle ng Ellips. Tila may promo ang naturang produkto.

Bumalik ulit kami sa White House dahil may nakapagsabi na nandun ang ilang artista. Saktong nakita naming nagbibiruan ang magkapatid na sina Michelle at Ehra Madrigal, kasama si Kat Alano at ilang mga kaibigan. Sa bandang kaliwa naman ay nakikipagkuwentuhan si Giselle Sanchez kay Mariana Del Rio, ang babaeng naging dahilan daw ng paghihiwalay nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Sa totoo lang, kung hindi dahil sa event ng Del Monte na Fit N Right ay wala kaming gaanong artista na makukunan.

Bukod kina Denise at JC, naroon din sina Carla Humphries at Victor Basa. Nag-party ang apat sa Guilly's Island Bar hanggang alas dos y medya ng madaling araw.

CLICK HERE for Part II.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN