Stars in Boracay (Part II)

IMAGE 0


The Madrigal sisters, Ehra and Michelle, consider themselves as Bora mainstays during Holy Week.


GOOD FRIDAY. Kinabukasan, Biyernes Santo, ay maaga kamingnagising dahil sa tilaok ng mga manok. Grabe, ang aga ng tilaok nila sa samantalangkauuwi palang naming noong mga oras na ‘yon!

Pero patuloy pa rin kami sa pagtulog hanggang samagising ulit kami ng alas otso ng umaga. After breakfast, pumunta na ulit kamisa D' Mall para umikot. As expected, wala kaming nakitang celeb. Malamang tinanghalisila ng gising.

Pagkatapos mananghalian ay nadaanan namin itong siRaven Villanueva na tila naghahanap ng makakainan, kasama ang kanyang kaibigan.Hindi pa kami nakakalayo ay nakasalubong ulit namin itong si Victor Basa,kasama ang PR Officer ng Star Cinema na si Thess Gubi, and Star Magic handlerna si Alan Real, at ang road manager na si Danilyn Nunga.

Noong nagtungo kami sa Jonah's para uminom ng shake,nasulyapan namin sina Zanjo Marudo at Mariel Rodriguez. Pareho pa'ng design ng suotnilang shades, bagama't magkaiba ng kulay. Hindi pa raw sila kumakain atkadarating lang daw nila sa Boracay.

After nilang kumain ay sinundan namin sila pabaliksa kanilang hotel. Sinabi sa amin ni Mariel na sa La Carmela pa raw silanaka-check in, na nasa station 3, kaya naman pagdating ng station 2 ayhumiwalay na kami sa kanila. Anyway, magkita na lang daw kami sa kanilangrehearsal sa Fit N Right.

Tsinika rin nito sa amin na darating sina JakeCuenca at Roxanne Guinoo, pati na rin yung iba pang artista na kasama saproduction.

Pagbalik ay dumiretso na kami ng White House,mayroon daw kasing nag-iimbita sa amin na congressman para mag-snack. Kasamanamin noon sina Ginger Conigero at Ricky Bautista ng ABS-CBN. Pero hindi rinako nagtagal doon dahil kailangan naming bumalik sa station 2.

Tamang-tama, on our way, nakasalubong ko si MichelleMadrigal na naka-swimsuit kaya dali-dali ko itong kinunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ay pumila kami sa bilihan ng inihaw na pusit,kung saan namin nakita sina Hero Bautista, na naka-Arab costume, at Direk Richard Arellano ng Pinoy Mano Mano, kasama ang tatlong Kung Fu Kids na sina JairusAquino, Paul Salas at Joseph Andrei Garcia. Pinagkakaguluhan ng mga tao ang mgabagets.

Isa pang busy sa mga fans ay itong si Andrew Wolfe.Feeling namin, lahat na yata ng mga taong gustong magpa-souvenir photo sa kanyaay pinagbigyan nito.

Kinagabihan, pagkatapos naming mag-ikot-ikot,pumunta na kami sa Nigi Nigi Resort para sa birthday party ni Paolo Contis. Nakitanamin doon sina Isabel Oli, Mark Herras, Andrew Wolfe, at Marilen Nuñez.

Tanong nila sa amin, "Bakit ngayon lang kayo?"Pasado alas onse na ng gabi no'n. Sayang daw dahil hindi namin inabot ‘yong ibapang artista na nandoon.

Although, ang mga artistang sinasabi nila ay ang mganakuhaan na rin namin.

At dahil nga patapos na rin ang party ni Pao aylumipat na kami sa rehearsal ng Fit ‘N Right. Dito namin nakita ang ibang mgaartista, sina Jake Cuenca, Roxanne Guinoo, Bangs Garcia, Wendy Valdez, BruceQuebral, Rafael Rossel, at Pooh.

Sayang nga lang dahil kinailangan na namingmagpahinga. Malapit na kasing mag- alas tres ng madaling araw. Mabuti sana kung malapit lang ang tinutuluyan namin, at kunghindi sanapanay ang pagtilaok ng manok, makakapagpahinga pa kami ng maayos. Ang flightkasi namin ay 7:00 am. Sign off na kami.

Sa pangkalahatan, mas konti ang artista ngayon saBoracay at mas konti ang kontrobersiya. Nangangahulugan ba na umiwas ang mgaidolo natin sa mga parties at mga paparazzi? Kung iyon man ang dahilan, maigina rin. Ang Holy Week naman kasi, ang magbida ay hindi dapat mga artista, kundiSiya.

Heto po ang konting nakuhaan namin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN