Claudine Barretto finds true joy in family and motherhood

IMAGE 0


"Alam mo, wala na siguro akong mahihiling pa. Hindi lang basta simplejoy ito. Ito ay isang napakalaking joy para sa amin ni Raymart. We can only be thankful for this. Ang baittalaga ni Lord sa amin," says Claudine Barretto about her family.



Hindi maipinta ang saya ni Claudine Barretto nang magpunta ang buo niyang pamilya sa Hong Kong noong nakaraang buwan. Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na makapunta sila na buo ang kanyang pamilya. Kasama ang kanilang eight-month old na bunsong si Santino.

"Sobrang saya! Bale mahigit thirty kaming nagpunta dun. Na-enjoy naming sobra. Na-enjoy ng mga anak ko kaya ang saya talaga namin!" kuwento ni Claudine sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal).

PROUD MOMMY. Lalong nagningning ang mga mata ng aktres nang dumapo ang usapan tungkol sa kanyang mga anak na sina Sabina at Santino.

"Alam mo, wala na siguro akong mahihiling pa. Hindi lang basta simple joy ito. Ito ay isang napakalaking joy para sa amin ni Raymart [Santiago, her husband]. We can only be thankful for this. Ang bait talaga ni Lord sa amin," pagmamalaki ni Claudine tungkol sa kanyang pamilya.

Patuloy ng aktres, "Si Sabina, ateng-ate talaga siya. Mayroon siyang bagong laro ngayon with her baby brother. Kunwari siya yung teacher. She will tell Santino 'this is the sky, this is red, this is a rainbow.' Siyempre yung kapatid niya, nakatingin lang at hindi pa nakakapagsalita. ‘Tapos sasabihin niya sa akin, 'Mommy, he is not talking to me.' Sobrang cute talaga nila, at talagang natatawa talaga ako sa kanila.

"Hindi ko rin nakikitaan ng pagseselos si Sabina kasi she knows kung kailan niya naman kailangan ang attention namin ni Raymart. She would say 'Mom, its my turn now. Dad can you carry Santino.' She would also say 'Can I sleep with you or can I sleep with Santino?'

STORIES ABOUT SANTINO. Ibinahagi rin ng mag-asawang Claudine at Raymart ang ilang baby pictures ni Santino. Makikitang hati ang pagkakahawig ng bunso nila sa kanila. May anggulong kamukha ni Claudine, meron namang very Santiago ang dating ng bata. Pero bata pa lang nakikitaan na ng magandang hugis at hitsura ang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Madaldal na rin ang bunso ko," sabi ni Claudine. "May mga words na nasasabi. He sleeps kasi in his room, so ako... Kasi si Raymart, gusto niya pitch-black kapag natutulog siya. Yung baby naman, kailangan kasi may konting ilaw. So ako, in the middle of the night, lilipat ako sa kuwarto ni Santino. In the morning, sasabihin ni Raymart sa akin, 'O, tumakas ka na naman.' Pero katabi naman niya si Sabina kasi gusto rin ni Sab yung madilim talaga.

"Pero alam mo, our kids have made us closer to each other. Kasi yung ibang couple kapag nagkaanak na sila, puro kids na lang. Pero kami [ni Raymart], sobra naming nae-enjoy yung time namin sa isa't isa with our kids," pagtatapos ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN