Polo Ravales baffled by Ara Mina's comments about him and Jean Garcia

IMAGE 0


"Ewan ko kung bakitsiya nagre-react. At ang tagal na ng isyu sa amin. Hindi ko naman girlfriendsi Ms. Jean. At saka wala naman yun sa age, nasa pag-uugali," says PoloRavales when told about ex-girlfriend Ara Mina's comments.



Nagmamadaling umalis si Polo Ravales sa presscon ng ManayPo 2: Overload na showing on April 16. Pupunta pa raw kasi ito sa shootingng isa pa niyang ginagawang pelikula. Tiyempo namang inabangan siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) noong lumabas na siya ng function room ngImperial Palace at sinimulang tanungin tungkol sa latest na intrigangkinasasangkutan niya.

May binitawan kasing salita ang dating kasintahan ni Polo nasi Ara Mina. Nag-react kasi si Ara sa sinabi dati ni Polo sa isang interviewkunsaan sinabi niyang ang nali-link sa kanya ngayong si Jean Garcia ang siyanglucky charm niya.

Hindi ito tinanggap ng mabuti ni Ara at nagpasaring sadating kasintahan.

"Ewan ko kung bakit siya nagre-react," simula ni Polo nang kapanayamin ng PEP."At ang tagal na ng isyu sa amin. Mas gusto ba niya na siya ang lucky charmko?" may himig sarkastikong tanong ni Polo.

Nagugulat na lang daw siya na kung bakit nare-react si Ara. Maliit na bagay lang para pansinin ang sinabi niyang iyon noon. At para kay Polo, nagkaroon naman dawng closure ang relasyon nila ni Ara. One year nang mahigit.

Nagbitaw pa si Ara na ang kanyang mga ex ay mahihilig sa mga babaeng mas matatanda pa sakanila. Tulad nga ni Jomari Yllana nagirlfriend ngayon si Pops Fernandez, at si Polo na ngayon ay nali-link kayJean.

Pero girlfriend na nga ba ni Polo si Jean?

"Hindi ko naman girlfriend si Ms. Jean. At saka walanaman yun sa age, nasa pag-uugali," depensa ni Polo.

Curiously, bakit Ms. Jean ang tawag ni Polo sa aktres?

"Nirerespeto ko kasi siya," esplika ni Polo.

"'Tsaka swak kami ng ugali. Parang siya yung babaeng ako.Parang soulmate talaga kami. Hindi kasi kami showbiz pareho."

Samantala, sobrang na-challenge si Polo sa kanyang role bilang isang closet gaysa unang Manay Po. At sa sequel nito, para sa kanya, mas malaking hamon ang roleniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa part two, open na ako pero hindi kasing loud na gay niJohn [Prats]. Ang malaking difference talaga dito sa sequel ay yung mascomfortable na kami ngayon with our roles."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN