John "Sweet" Lapus willing to facilitate lie-detector test on ZTE scandal witnesses

IMAGE 0


"Handa akong mapagod sa kakasayaw kapag may mag-lie sa kanila! Mabuti na rin para magkaalaman na, di ba? Konsensiya na lang nila ‘yon kung magsasabisila ng totoo o hindi," says John "Sweet" Lapus about a suggestion for him to facilitate a lie-detector test on ZTE scandal witnesses.



Malapit nang mag-celebrate ng kanyang 15th anniversary sa showbiz si John "Sweet" Lapus. Sa May 31 ay isang malaking show ang kanyang gagawin sa Music Museum, titled Sweetylicious, bilang selebrasyon.



Kung matatandaan, last year ay nag-celebrate si Sweet ng kanyang anniversary sa Zirkoh Comedy Bar via the show Sweet Dreams. Mga panauhin niya noon sina Janno Gibbs, Mark Herras, at Jonalyn Viray. This year ay malalaking stars din ang kanyang magiging guests.



"Both stars from Kapuso and Kapamilya networks ay mapapanood nila sa 15th anniversary show ko," excited na balita ni Sweet sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Parehong networks kasi may magandang nangyari at naging malaking bahagi ng buhay ko sa showbiz. Sa ABS-CBN ako nagsimula at nagkapangalan. Sa GMA-7 naman muling bumongga ang TV career ko. Kaya pareho ko silang mahal. Ako lang yata ang makakagawa no'n, di ba?"



Dagdag pa ni Sweet, hindi raw niya ugali ang magsunog ng tulay. Lahat daw ng mga naging kaibigan niya sa Kapamilya network ay kaibigan pa rin niya hanggang ngayon.



"For the longest time, ABS-CBN talent ako," aniya. "Dumaan ako sa pinakamababang posisyon bilang staff ng isang showbiz talk show. Pasalamat naman sa Diyos at nabiyayaan tayo ng konting talento kaya naman nabigyan tayo ng chance maging host. Humbling experience para sa akin ‘yong mga pinagdaanan ko.



"I don't burn bridges. Kung sino'ng mga kaibigan ko noon, nandiyan pa rin sila. Sa 15 years na nasa showbiz ako, hindi nababawasan ang mga friends ko—not unless kinukuha na sila ni Lord!" sabay tawa ni Sweet.

"Tulad nga ng sabi ko, hindi nababawasan kundi nadadagdagan. Kaya mas fulfilling ang anniversary kong ito because I'm still here—stronger at handa pa ring makipaglaban sa buhay."



SHOWBIZ CENTRAL TURNS ONE. Ang Sunday showbiz talk show ng GMA-7 na Showbiz Central ang nagbigay ng chance kay Sweet na maging full-time host. Kaya naman hindi nagpapabaya si Sweet sa kanyang hosting job, kasama sina Pia Guanio, Raymond Gutierrez, Rufa Mae Quinto, at Mo Twister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ibang level naman kasi ang nangyari sa akin sa GMA-7. Sila yung muling nagbigay ng pag-asa sa akin. Na pupuwede pa pala at habang buhay may pag-asa," nakangiting wika ni Sweet.



"Sa April," patuloy niya, "we will be celebrating our first year anniversary. Ngayon ay 10 straight weeks na kaming number one [sa Mega Manila ratings] and that is because pinagbubuti namin ang mga pinapalabas naming mga stories sa Showbiz Central. At patuloy ang pag-iisip namin ng mga paraan to entertain our audience. Tulad nga ng ‘Don't Lie To Me' segment na totoo namang inaabangan every week."



LIE-DETECTOR.
Natuwa nga si Sweet nang napanood niya sa news na sinabi ni Senator Mar Roxas na dapat ay dumaan sa lie detector ang mga witness ng ZTE scandal.



"O, hindi ba't bukambibig na pati ng senador ang lie-detector machine? Pati sa ibang TV shows at mga ordinaryong tao, sinasabi nila ang famous phrase ko na ‘Don't lie to me, yes or no?' Kaya nakakataba ng puso na nakapagsimula kami ng trend," saad ng TV host.



Willing din daw si Sweet na siya mismo ang mag-facilitate ng lie-detector test sa mga ZTE scandal witnesses.



"Handa akong mapagod sa kakasayaw kapag may mag-lie sa kanila!" tawa niya. "Mabuti na rin para magkaalaman na, di ba? Pero just the same, may disclaimer pa rin kami. Konsensiya na lang nila ‘yon kung magsasabi sila ng totoo o hindi."



SWEET IN MOVIES. Bukod sa paghu-host ng Showbiz Central at paghahanda sa kanyang anniversary show, tinatapos ngayon ni Sweet ang dalawang pelikula. Una ay ang Robin Padilla-Ai-Ai delas Alas movie na Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy! under Viva Films at ang Love Is All That Matters for Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Jean Garcia at Polo Ravales.



"Both directors ng mga pelikulang ‘yan ay mga kaibigan ko at nakasabay ko sa ABS-CBN. Si Wenn Deramas sa Ikaw Pa Rin at Don Cuaresma sa Love Is All That Matters. After all these years, kami-kami pa rin pala ang magkakasama sa trabaho. How time flies when you're having fun talaga," pagtatapos ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN