Alma Concepcion says age is not an issue in Q&A portion of beauty pageants

IMAGE 0


"Siguro, study well. Kasi lahat kami after winning, puno ang schedulenamin. We have ramp sessions, we have speech lessons, personalitydevelopment, we have all of the lessons na kailangan, attend-an niyalahat ‘yon," Alma Concepcion advices Janina San Miguel (inset).



Dahil isang beauty-title holder din ang aktres na si Alma Concepcion—she won as Bb. Pilipinas-International in 1994—hiningan namin siya ng pahayag tungkol sa mga nagwagi sa nakaraang 2008 Binibining Pilipinas beauty pageant, partikular na ang Bb. Pilipinas-World winner na si Janina San Miguel. Naging kontrobersiyal si Janina at umani ng batikos at pangungutya sa question-and-answer portion ng naturang beauty pageant.

"Kapag nanalo siya [Janina], ang sasabihin ng Binibining Pilipinas, ‘Oh see, ganyan!' Pero ‘pag natalo siya, sasabihin ng lahat ng tao, ‘Oh, ‘ayan!' Let's just hope and pray na manalo siya. Galingan na lang niya 'pag nag-compete na siya internationally [Miss World]," sabi ni Alma sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang maipapayo niya kay Janina bago ito lumaban para sa nalalapit na Miss World beauty pageant?

"Siguro, study well. Kasi lahat kami after winning, puno ang schedule namin. We have ramp sessions, we have speech lessons, personality development, we have all of the lessons na kailangan, attend-an niya lahat ‘yon," payo ni Alma.

Very vocal si Alma sa pagsasabing naloka rin siya—tulad ng publiko at maraming mga kaibigan niyang past winners din ng Binibining Pilipinas na nag-text pa sa kanya—na nanalo bilang Bb. Pilipinas-World si Janina. Ayon kay Alma, speechless at napanganga siya upon hearing the announcement of winners.

Siya raw, noong sumali sa Binibining Pilipinas ay 17 years old gaya ni Janina kaya hindi naman siguro rason ang murang edad para hindi makasagot nang maayos sa katanungan.

"Kumbaga, yung reaksiyon ko, katulad lang ng reaksiyon ng mga taong nakapanood. Walang pinagkaiba," saad ni Alma.

Hindi raw katulad sa ibang bansa na hindi ganun ka-partikular pagdating sa paggamit ng tamang English ang mga kandidata at kailangan pa ng interpreter, dito sa Pilipinas daw ay napaka-particular sa grammar.



"Hindi kasi tulad sa ibang bansa, like ang mga Latina na mga kandidata, hindi sila ganun kabihasang mag-English. Dito sa Philippines, masyado tayong particular sa English grammar," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LOVELIFE & MARRIAGE.
Tungkol naman sa kanyang personal na buhay, tinanong namin si Alma kung handa na ba siyang mabuntis muli at sundan si Cobie, ang anak niya sa businessman na si Dody Puno. Si Dody ang nali-link ngayon sa kontrobersiyal na aktres na si Gretchen Barretto.

"Hindi, ‘no!" mabilis niyang sagot. "Kasal muna. Ang tanga ko naman kung magpapabuntis na naman ako nang hindi kasal. Tama na yung nangyari sa akin dati.

"Kung walang kasal, kaysa magpabuntis ako, bibili na lang ako ng aso!" humahalakhak na sabi ni Alma.

Happy raw ang aktres ngayon sa kanyang lovelife.



"Isa siyang businessman and we're dating for almost two years na. Constant date, ganun," pag-amin niya,

Pero hindi raw priority ngayon ni Alma ang pag-aasawa.

"Sa ngayon kasi, at my age, hindi na masyadong pinag-uusapan ang kasal," paliwanag niya. "Kumbaga, darating din kasi ‘yon. Getting married for me... It's up to God, its not for me to decide. Kasi sabi nila, ang pag-aasawa, ibinibigay ng Diyos, e.

"My priority kasi right now is my family. Second, myself and my career. ‘Pag na-reach mo na kasi ang certain age, hindi ka na particular sa relasyon. ‘Tsaka hindi pa kami makapagplano, kasi meron pa kasi siyang mga problema na kailangan niyang ayusin, he's undergoing annulment. Hindi ako puwedeng makialam sa buhay niya. I have my own problems at ganun din siya. "

Kasama si Alma sa Season 18 ng Daisy Siete na may titulong "Prince Charming and the Seven Maids."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN