Dawn Zulueta not keen on remakes of her past movies

IMAGE 0


"Why do a remake? The first was the best. You can't beat the original. I'd rather keep it that way," says Dawn Zulueta about doing remakes.



Inamin ng aktres na si Dawn Zulueta na naging choosy siya sa pagpili ng mga karakter na gagampanan sa TV o pelikula kaya naman natatagalan bago siya gumawa o lumabas sa isang programa. Ang pinakahuli niyang ginawa noon sa GMA-7 ay ang Encantadia, samantalang ang Lastikman naman sa ABS-CBN.



Ayon kay Dawn, "I've been choosy because of my schedule. I can only give so much time to what I'm doing. Actually, I'm only doing it if I have spare time, you know. Other than that, I'm a very busy mom. I go home to cook dinner, that's my normal life. After here nga sa presscon, I will to to the grocery pa.



"Believe me, I'm not the totally celebrity I look like. I'm also a housewife. That's my first and foremost job. So I do this [acting] on the side. That's why I'm choosy with what I do because I want do with what I totally enjoying myself doing it. I don't wanna waste time because just to have something... Parang I have to have movie kasi... I have to have CD kasi...Ganoon. So I don't wanna do anything like that. I wanna do something that's worthwhile. So, let's do something worthwhile."



Sa ngayon, abala si Dawn bilang endorser ng Myra-E at tagapagtaguyod ng I Can Serve, isang foundation para sa mga cancer survivors.



"I'm also active bilang asawa ng isang congressman," dagdag niya. "Sinusuportahan ko ang mga project ng asawa ko. Ngayon nga, we're bringing Fanny Serrano to teach our constituents on hair and make-up. I'm also doing the Anna Liza here in ABS-CBN where I'm playing the mother of Anna Liza [Maja Salvador].



"Wala naman akong pelikulang ginagawa ngayon dahil wala pang napupusuang gawin e. Mayroong mga in-o-offer sa akin, pero it's not the project I wanna do."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DAWN ON REMAKES. Tinanong ng PEP si Dawn kung pabor ba siyang i-remake ang mga dati niyang nagawang pelikula, tulad ng Hihintayin Kita Sa Langit, Iisa Pa Lamang, Hihintayin Kita sa Langit, Saan Ka Man Naroroon, at iba pa.



"Ako ulit ang gagawa noon or mag-play ng part?" tanong niya. "Parang hindi na yata bagay sa akin ‘yon. Ewan kung babagay pa sa akin. Depende siguro kung ano ang pag-usapan. For me kasi, why do a remake? The first was the best. You can't beat the original. I'd rather keep it that way."



Hindi naman daw problema kay Dawn kung i-remake ng ibang artista ang mga pelikula niya.



"Oo, baka sila na lang ang gumawa, bakit pa ako sasali? Tingnan natin. I'm not very keen kasi on remake, e," pag-amin niya.



DAWN AS A PHILANTHROPIST. Nang tanungin naman ng PEP kung may role pa ba siyang nais gampanan, ani Dawn, "Na-achieve ko ang role as a mom, I have also achieve the role as a wife. All of those ay pinangarap ko and now I wanna do, which I'm pursuing currently, is to help people. Yung tinatawag nilang philanthropist.



"Because I turned 39, feeling ko and I'm so blessed, ang dami-daming blessings na dumating sa akin. Parang it's high time to share in any ways that you can. Maybe you can share naman also your time, even in the industry. I want to help the industry. I want to improve it, revive it. I wanna produce film or starring them. Whatever, something like that. Yung area na nangangailangan ng help mo, ganoon na yung iniisip ko. Hindi na kasi ako katulad dati noong dalaga ako na, ‘O what's the next big thing? Mas naka-focus na ako ngayon sa kung paano ako makatutulong.

"Tulad ngayon, dito sa Myra-E and because March is Woman's Month, gusto naming makatulong mag-raise ng fund para sa I Can Serve. This is a non-profit foundation that advocates women empowerment by arming them with cancer information so that they can make informed decisions about their health and by providing services to help breast cancer survivors," pagtatapos ni Dawn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN