JC de Vera admits his breakup with Michelle Madrigal hurt him most

IMAGE 0


"Lahat ng pag-aalaga ay ibinigay ko sa kanya noong kami pa. Pero siguronga hindi pa sapat ‘yon and maybe we were not meant to be talaga," says JC de Vera about his relationship with ex-girlfriend Michelle Madrigal (inset).



Inamin ng young actor na si JC de Vera sa Showbiz Central last Sunday, March 23, na sa mga naging girlfriends niya sa showbiz, pinaka-nasaktan siya sa pakikipaghiwalay niya kay Michelle Madrigal.



Ayon kay JC, kay Michelle halos ibuhos ng young actor ang kanyang maraming oras at minahal niya nang todo ang young actress. Pero kay Michelle din daw niya naranasan ang masaktan sa pag-ibig.



"Sa mga naging karelasyon ko, si Michelle ang masasabi kong pinakamatindi. Lahat ng pag-aalaga ay ibinigay ko sa kanya noong kami pa. Pero siguro nga hindi pa sapat ‘yon and maybe we were not meant to be talaga," saad ni JC sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Sa ngayon ay magkaibigan na lang daw sila ni Michelle. Dapat lang naman dahil iisa lang ang manager nila ngayon, si Annabelle Rama, at hindi malayong magkasama sila parati sa mga projects.



Ayon kay JC, "Noong malaman ko ngang magiging talent din siya ni Tita Annabelle, okay lang naman kasi alam kong maaalagaan siya nang husto. Magaling na artista si Michelle. Sayang naman ang talent niya kung wala siyang ginagawa, di ba?



"Hindi naman ako tumutol noong kunin siya. Friends naman kami ni Michelle kahit nagkahiwalay kami. Happy ako kasi nasa GMA-7 na siya."



KISSING SCENE WITH YASMIEN. Tampok ang tambalan nina JC at Yasmien Kurdi sa pinakabagong drama series ng GMA-7 na Babangon Ako't Dudurugin Kita.Ito na ang ikatlo nilang pagsasama pagkatapos ng afternoon soaps na Pati Ba Pintig ng Puso at Pasan Ko ang Daigdig.

"Mas complex ang mga roles namin ngayon at mas tinutukan ni Direk Joel [Lamangan] ang pagganap namin. Hindi na raw kasi simpleng love story ito. Mas mabigat na ang kuwento at mas kailangan ng malalim na pagganap," pahayag ng young actor.

Dahil mas mature ang roles nila rito, marami sa mga fans nina JC at Yasmien ang nag-aabang ng kissing scenes nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kami naman ni Yas, pagdating sa mga kissing scenes, hindi na kami naiilang sa isa't isa. Trabaho kasi namin ito kaya pinagbubuti namin. Kung ano ang nababasa nila na mas torrid ang halikan namin dito, totoo ‘yon," ngiti ni JC.



Nag-enjoy kaya si Yasmien sa mga kissing scenes nila sa bagong soap drama nila?



"Siguro naman kasi ilang beses na naming ginagawa ‘yan. Wala namang problema kay Yas, e. Kapag tinatanong ko naman siya kung okay siya, ngingiti lang ‘yan. It means, nag-enjoy naman siya sa halikan namin!" natatawang sabi ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN