Young actor Joseph Bitangcol ventures into bar business

IMAGE 0


In reply to a question that his new bar business might spawn intrigues that it came from a gay benefactor, Joseph Bitangcol said, "Bahala sila sa buhay nila. Inggit lang sila. Basta ako, galing sa malinis ang pinang-share ko sa bar namin. Magtayo na lang sila, para ano, laitin ko rin sila!"


Pinasok na rin ng young actor na si Joseph Bitangcol ang pagnenegosyo. Nagtayo siya ng isang bar, ang Stoodio Bar na matatagpuan sa Mother Ignacia, Quezon City. Kasosyo niya rito ang dalawang kasamahan niya sa all-male group na Boyz.Com na sina Polo Ravales at Frank Garcia at dalawa pang non-showbiz guys na kaibigan niya.

Sa naturang bar ipinagdiwang ni Joseph ang kanyang 20th birthday kagabi, March 18, na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan in and out of showbiz.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joseph kung hindi ba siya nag-aalala na baka intrigahin na naman siyang may gay benefactor siya. Medyo bago pa lang siya sa showbiz at hindi pa naman ganoon kumikita ng malaki, pero nagawa niyang magtayo ng isang bar.

"Kanya-kanyang opinyon na lang ‘yan. Kanya-kanyang obserbasyon na lang. Bahala sila sa buhay nila. Inggit lang sila. Basta ako, galing sa malinis ang pinang-share ko sa bar namin. Magtayo na lang sila, para ano, laitin ko rin sila!" tawa ni Joseph.

Bukod sa bar ay balak din ni Joseph na magtayo ng isang restaurant.

"In ngayon ang mga restaurant, di ba? Ang mga tao naman kasi mahilig kumain," sabi niya.

Bagama't may barbecue business na sila ng kanyang pamilya, sinabi ni Joseph na maliit lang 'yon kumpara sa isang restaurant.

SANDARA PARK. Tinanong namin si Joseph kung binati na siya ng ex-girlfriend niyang si Sandara Park ng happy birthday. Tinawagan ba siya ng dalaga?

"Hindi siya tumawag. Ewan ko sa email. Baka nag-email siya sa akin," sabi ni Joseph.

Wala na ba talaga silang communication ni Sandara?

"Wala na talaga," sagot niya.

Sa ngayon ay loveless pa rin si Joseph. After his failed relationship with Sandara ay hindi pa ulit siya pumapasok sa isang relasyon. Hindi kaya ang dahilan nito ay mahal niya pa rin si Sandara at umaasa siya na magkakabalikan sila ng Koreana?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagki-care na lang ako sa kanya, ganun lang," ani Joseph. "Yung parang 'Kumusta na kaya siya sa Korea? Okay kaya siya doon?' Yung mga ganoon. Hindi na rin naman ako umaasa na magkakabalikan pa kami dahil unang-una, nasa Korea na siya, malayo siya.

"Wala pa akong girlfriend ngayon kasi gusto ko munang mag-enjoy bilang single. Darating din naman tayo diyan. Magge-girlfriend pa rin naman ako. Hinay-hinay lang muna."

Kung sakali bang makikipagrelasyon siya ulit, taga-showbiz pa rin ba ang pipillin niya?

"Bahala na, kung saan tumibok ang puso ko," maikling tugon ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN