Fans of Yasmien Kurdi fight over JC de Vera and Rainier Castillo

IMAGE 0


"Ako yung affected kasi nga, yung mga fans ko nag-aaway dahil kina JC at Rainier. May iba na gusto si JC, yung iba naman gusto si Rainier. ‘Ayun, nagbabangayan sila sa mga blog sites," says Yasmien Kurdi about the feud of her two sets of fans.


Bothered si Yasmien Kurdi dahil sa mga nag-aaway niyang fans. Ikinuwento ni Yasmien sa press launch ng bago niyang show sa GMA-7 na Tasya Fantasya last Thursday, March 27, na nagkakaroon ng matinding away ang mga fans niya dahil sa mga leading men niyang sina JC de Vera at Rainier Castillo.

Si JC ang katambal ni Yasmien sa bagong primetime soap opera ng GMA-7 na Babangon Ako't Dudurugin Kita, samantalang si Rainier naman ang ka-partner ng young actress sa bagong fantasy series na Tasya Fantasya.



Ayon kay Yasmien, sa Internet blogs daw nagkakaroon ng away ang kanyang mga fans at minsan daw ay hindi na raw nakakatuwa ang pag-aaway nila.



"Ako yung affected kasi nga, yung mga fans ko nag-aaway dahil kina JC at Rainier. May iba na gusto si JC, yung iba naman gusto si Rainier. ‘Ayun, nagbabangayan sila sa mga blog sites. Nakakaloka nga kasi wala naman akong puwedeng kampihan. Kailangan balance ako sa kanila, di ba?" sabi ni Yasmien.



Gusto nga raw makipag-meeting ni Yasmien sa kanyang mga fans, lalo na sa mga maka-JC at sa mga maka-Rainier, para magkasundo na ang dalawang grupo. Hindi raw kasi maganda yung hiwa-hiwalay pa sila.



"Sinabi ko naman sa kanila na kahit kanino ako i-partner, hindi dapat sila nag-aaway," ani Yasmien. "‘Tulad sa mga fans namin ni Rainier, tanggapin na nila na okay kami ni JC bilang partners. At sa mga fans namin ni JC, maging okay naman sa kanila na muli kaming magtatambal ni Rainier. Mas maganda kung lahat masaya, di ba? Ayoko kasi ng may mga nag-aaway."



Biniro tuloy si Yasmien na saksakan ng haba ng hair niya dahil dala-dalawa ang lalake niya ngayon. May pang-primetime siya via Babangon Ako't Dudurugin Kita at may pang-Linggo ng hapon via Tasya Fantasya.



"Naman! Long hair ako ngayon! Naaapakan na nga ng kung sinu-sino!" malakas na tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Itong Tasya Fantasya naman kasi, last year pa naming ito nasimulan. Nakapag-taping na kami ng ilang eksena at akala namin hindi na matutuloy. Kaya hindi ito biglaan, e. Talagang nakaplano na ito sa amin ni Rainier.



"Nagkataon lang siguro na click din kami ni JC. Kasi nga nagkaroon kami ng following noong Pati Ba Pintig ng Puso at sa Pasan Ko ang Daigdig. Kumbaga, si JC pang-serious drama. Si Rainier, pang ganito na light comedy."



RAINIER, SERIOUS? Inamin ni Rainier sa hiwalay na interview na hanggang ngayon ay matindi pa rin ang paghanga niya kay Yasmien. Claim nga ni Rainier, wala raw itong nililigawan ngayon at handa na siyang maging seryoso kay Yasmien. Ano ang reaction niya rito?



"Gano'n? Si Rainier magiging serious sa akin?" sabay tawa niya. "Sorry kung natawa ako kasi parang hindi yata si Rainier ‘yong magiging serious. I mean, sa panliligaw kasi, para lang kaming magbarkada niyan, e.

"Si Rainier kasi, kapag kailangan ko ng makakakuwentuhan na hindi mabo-bore sa akin, siya ‘yon. Kapag kailangan ko ng kabiruan, si Rainier din ‘yon. Para lang kaming mga bata na naglalaro kaya parang hindi na si Rainier yung magiging serious. Siguro mature na nga kami kaya gano'n na siya magsalita ngayon.



"Well, tingnan natin kung totoo nga ‘yong sinasabi niya. Sana walang magalit, di ba? O, wala akong mine-mention na pangalan, huh!" natatawang pagtatapos ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN