Albert Martinez thanks KC Concepcion for calling him a "legend"

IMAGE 0


"Actually, it's an honor to be called a legend. It means I was able to share something good to the industry. So I really appreciate to be called a legend, and I thank you," says Albert Martinez about being called by KC Concepcion as a legend.



Dumating ang aktor na si Albert Martinez sa press conference ng I Am KC last Friday, March 28. Si Albert ang isa sa mga co-stars ni KC Concepcion sa episode na "Yes Sir!"

Sa pagpapasalamat ni KC umpisa pa lang ng presscon, ang adjective na ginamit ng Megadaughter para kay Albert ay "legend"at masaya ang dalaga na pumayag ang aktor na gumanap sa isa sa apat na episodes ng kanyang month-long drama anthology.



More than that, mas napagtuunan ng pansin ng karamihan sa entertainment press na naroroon ang ideya na kung nagkataon daw pala, puwedeng in real- life ay anak na ni Albert si KC. Rumors had it na ang first boyfriend ng ina ni KC na si Sharon Cuneta ay si Albert. Although ayon sa mga press people na nakakaalam, short-lived romance lang naman daw ang namagitan kina Albert at Sharon, at bago pa naging si Sharon at ang ama ni KC na si Gabby Concepcion.



Parang nailang si Albert nang tanungin siya kung ano ang pakiramdam niya na ngayon ay katrabaho na niya si KC, na kung nagkataon daw ay puwedeng naging anak sana niya. Natawa lang si KC sa tanong na yun at mukhang may alam din siya sa naging past lovelife ng ina.



"Paano ko ba sasagutin ‘to?" nangingiting sabi ni Albert. "Well, actually, to begin with, I am really really shocked and really honored na napili ako to be cast in I Am KC. As we all know, she's [KC] the hottest thing now. We've been waiting for someone like her and finally she arrived. I'm really happy na finally, nakasama ko si KC.

Since KC referred Albert to as a "legend." May nagtanong sa aktor kung ano naman ang pakiramdam na ganun ang description sa kanya ng dalaga?



"Siguro, after all these years, accepted ko na yun. Imagine, before Sharon and now KC. It really feels like nasa legend part na nga yata ako!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, it's an honor to be called a legend. It means I was able to share something good to the industry. So I really appreciate to be called a legend, and I thank you," direktang pasasalamat ni Albert kay KC.

Sa huli, nakabuo tuloy ng idea ang mga nasa presscon na kung imposible raw na makasama ni KC sa isang movie ang mama at papa niya na sina Sharon at Gabby, pupuwede rin daw siguro na si Albert ang makasama nilang dalawa. Kung sakali, hindi ito ang unang pagsasama nina Sharon at Albert dahil nagkatambal na rin sila noon sa Nang Iniwan Mo Ako.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN