Alicia Meyer says father of her unborn child is "conservative"

IMAGE 0


"Kung ano yung private for him, it has to be just for him. Parang ayaw niyang ise-share, you know what I mean? Kumbaga, conservative nga, so yung normal shorts ko na shorts, ngayon hanggang tuhod na!" says Alicia Meyer about her non-showbiz boyfriend.


Sa dalawang bahay umuuwi ngayon ang sexy actress na si Alicia Meyer, who is three months pregnant sa kanyang baby with her non-showbiz boyfriend.

"Dalawa bale yung tinitirhan ko. Yung isa sa bahay niya [her boyfriend] at yung isa, sa bahay ko," kuwento ni Alicia sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Tasya Fantasya last Thursday, March 27.

Saan siya mas madalas umuwi?

"Mas madalas kami together, oo, sa bahay niya. It's either sa bahay niya or sa bahay ko," sagot ni Alicia.

Ayaw tukuyin ni Alicia ang pangalan ng ama ng kanyang dinadala dahil gusto niya raw protektahan ang privacy nito. Basta isa raw itong pulitiko mula sa Bulacan at mahal na mahal nila ang isa't isa.

Dahil nakilala si Alicia bilang sexy star, may mga pagbabago na ba sa kanyang image ngayong magiging isang ina na siya?



"Actually, kasi kilala nga ako ng sexy, pero I've never really done anything that super-sexy. Alam mo yun? Puro lang ako pa-cute-cute. Yung pictorial na sexy clothing lang while doing comedy or hosting, ganyan. Pero never talaga yung super sexy. So I think if I can maintain it like that, or challenge myself to an even more different kind of acting, I'm open to it," pahayag ni Alicia who was part of the defunct GMA-7 sitcom Lagot Ka, Isusumbong Kita!

Wala bang moment na ‘pag humaharap siya sa salamin, with her bulging tummy, naiinis siya na hindi na siya sexy?

"No, not really, not really," tugon ni Alicia.

Papayagan pa ba si Alicia ng ama ng kanyang magiging anak na i-maintain niya ang status niya as a sexy celebrity?

"He knows naman, e. He knows na kung ano yung ginagawa ko, yung trabaho ko sa showbiz," paniniguro ng sexy actress.

Pero hindi na raw papayag si Alicia na mag-pose for sexy pictorial pagkatapos niyang manganak sometime in September.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't think he would want that, and I don't think I would wanna do it also."

How about sa movies, puwede pa rin ba siya sa sexy roles?

"Siguro kung kailangan sa role, pero not to the point na mae-expose ako. Kasi he's the type na he wants to... Kung ano yung private for him, it has to be just for him. Parang ayaw niyang ise-share, you know what I mean? Kumbaga, conservative nga, so yung normal shorts ko na shorts, ngayon hanggang tuhod na!" natatawang lahad ni Alicia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN