Lolit Solis to Gabby Concepcion: "Welcome home."

IMAGE 0


"Thirteen years is 13 years. Nag-move on na ako mula noong mangyari ang filmfest scam kaya walang problema sa akin kung type ni Gabby na magbalik-showbiz dahil miss na miss na niya ang pag-arte sa harap ng kamera. I should know dahil matagal kaming nagkasama," says Lolit Solis (left) about the return of her former talent, Gabby Concepcion (right).



Sa pagbabalik ng aktor na si Gabby Concepcion, curious ang maraming tao kung ano ang reaksiyon ng dati niyang manager na si Lolit Solis.

Matatandaang si Gabby ang pinaka-paboritong alaga ni Manay Lolit noon. Ngunit nasira ito nang maganap ang Manila Film Festival scam noong June 1994.

Dahil sa sobrang pagmamahal ni Lolit sa kanyang alaga ay nagawa nitong dayain ang resulta ng awards night. Ang talent manager din kasi ang talent coordinator ng naturang awards night kay nagawa niyang manipulahin ang resulta.

Sa kategoryang Best Actor at Best Actress ay pinalitan ni Lolit ang pangalan ng mga nanalo. Imbes na si Aiko Melendez ay si Ruffa Gutierrez ang na-announce bilang winner sa Best Actress. Sa Best-Actor category naman ay si Gabby ang pinanalo ni Lolit imbes na si Edu Manzano.

Nang magkabukuhan na, inasahan ng lahat na pagtatakpan ni Gabby ang kanyang manager. Ngunit sa isang presscon ay umiiyak na inamin ng aktor na si Lolit ang may pakana ng lahat. Sinentensiyahan si Lolit sa ilalim ng probationary law pagkatapos niyang mag-plead ng guilty.

Dito na rin nasira ang samahan nina Gabby at Lolit.

Pagkalipas ng isang taon, noong 1995, dulot na rin ng kontrobersiyang kinasangkutan niya at paglamlam ng kanyang career, nagdesisyon si Gabby na lisanin ang Pilipinas at subukan ang buhay sa Amerika.

CHANCE MEETING. Sa loob ng halos 13 years na nasa Amerika si Gabby ay ganun din katagal ang samaan nila ng loob ni Lolit. Pero nagtagpong muli ang kanilang landas sa unang pagkakataon noong 2006 sa Las Vegas para sa isang party para kay Manny Pacquiao pagkatapos nitong talunin si Erik Morales sa kanilang rematch.

Kuwento ni Gabby sa interview niya sa The Buzz kahapon, "Nagulat nga ako na lumapit siya sa akin. Nag-usap kami. Na-settle namin yun on the spot, which is good. Hindi ko naman akalain na magkikita kami ni Lolit doon dahil pinanood ko lang si Pacman... Sabi niya, ‘O, sige, bati na tayo. Pahingi ng one hundred dollars.' E, di ayos na. Mabuti na lang meron akong one hundred dollars, kung hindi baka hindi pa kami nagbati," biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahapon, March 30, ay bumalik na nga sa Pilipinas si Gabby sa kauna-unahang pagkakataon. Naririto ngayon ang aktor upang bistahin ang maysakit niyang ama, para sa kaarawan ng anak niya kay Sharon Cuneta na si KC Concepcion, at upang balikan ang kanyang career sa showbiz.

Kasamang umuwi ni Gabby sa Pilipinas ang kanyang bagong manager na si Mrs. Rose Flaminiano. Simula April nga ay nakalinya na ang mga proyektong gagawin ng aktor sa ABS-CBN at Star Cinema.

LOLIT'S REACTION. "Welcome home," ang tanging sagot ni Manay Lolit sa mga nagtatanong sa kanyang reaksiyon tungkol sa pagbabalik ng kanyang dating alaga.

Sa kolum niya na sa Pilipino Star Ngayon na "Take It, Take It"—na halaw sa dialogue noon ni Viveca Babajee habang inaabot kay Rocky Gutierrez ang enevelope na naglalaman ng nanalong Best Actress sa 1994 Manila Film Festival—nagpahayag ng kasiyahan si Manay Lolit para kay Gabby.

"Thirteen years is 13 years. Nag-move on na ako mula noong mangyari ang filmfest scam kaya walang problema sa akin kung type ni Gabby na magbalik-showbiz dahil miss na miss na niya ang pag-arte sa harap ng kamera. I should know dahil matagal kaming nagkasama."

Isinulat din ng dating manager na masaya siya na natulungan ni Mommy Rose si Gabby na makauwi rito sa Pilipinas.

Ayon kay Manay Lolit, "Knowing Mommy Rose, gagawin niya ang lahat para makauwi si Gabby at maayos ang kaso nito. I'm sure may plano si Mommy Rose na ipag-produce ng pelikula si Gabby o kung hindi man, makipag-co-production venture siya sa Star Cinema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN