Rufa Mae Quinto ready to face Jessa Zaragoza

IMAGE 0


"Pero haharapin ko siya depende sa schedules ko. You know naman,I'm so busy. ‘di ba? May shooting ako sa Europe for I.T.A.L.Y.[I Trust and Love You] for GMA Films. May Manay Po 2: Overload paako. ‘Tapos may Dyesebel pa ako for GMA-7. As in marami akong trabaho.Kung kaya pa ng sked ko na harapin siya, why not? Kung hindi puwede, sorry!"Rufa Mae Quinto s





Hindi pumayag si Rufa Mae Quinto na hindi siya magsalita sa ShowbizCentral hinggil sa muling pagsasalita ni Jessa Zaragoza sa Startalkkaugnay pa rin sa naging tell-all interview ni Rufa Mae sa YES! magazine.

Muling sinabi ni Rufa Mae na kung ano ang lumabas sa interviewniya sa naturang magazine ay buong katotohanan. Wala raw karapatan si Jessa naparatangan siyang sinungaling dahil wala raw siya sa kanyang tabi noong mgapanahon na iyon.

"BIBILI AKO NG 100 COPIES NG ALBUM NIYA." "Nakakalokahsiya, hindi na siya tumigil, di ba? Ano ba talaga ang gusto niya?" naiinis nanatatawang pahayag ni Rufa Mae.

"Hindi ba tapos na ‘yang issue na ‘yan? Hindi ba tinapos ko na ‘yantwo weeks ago pa? Sinabi ko naman na bibili ako ng 100 copies ng album niya, di ba? Kasi yun naman ang gusto niya. Yung magkaingay ang album niya.Tutulungan ko na nga siya sa sales!" malakas na tawa pa niya.

Ikinaloka nga nang husto ni Rufa Mae ay ang mga sinabi ni Jessana hindi pa raw siya Rufa Mae Quinto ay Jessa Zaragoza na siya. At mas matagaldaw siya sa industriya kesa kay Rufa Mae. Kung 15 years ito, 17 years namandaw si Jessa.

"Dyusko, pati ba naman ang bilangan ng taon sa showbiz, e, bigissue sa kanya! E, di mas matanda siya. Masaya na ba siya?

"At yung sinasabi niya na Jessa Zaragoza na siya bago pa akonaging Rufa Mae Quinto, e, laugh lang ang mga tao. Kasi ang alam ko Rufa MaeQuinto na ako, e, Jessa Kintanar pa lang siya.

"At least ako, isa lang ang name na ginamit ko noong mag-showbizako at hindi ako nag-change ng pangalan, huh! ‘Tsaka bago pa man siya nagingJessa Zaragoza, naku, e, nagbida na ako sa Gloria, Gloria Labandera atkumita ‘yon, ‘no!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng pinagbidahan ko ay kumita sa box-office. E, siya ba,noong naging Jessa Zaragoza siya, kumita ba ang mga pelikula niya? Kalokah, ‘diba?!" walang katapusang pagtatawa ni Rufa Mae.

READY TO FACE JESSA. Sa buwan ng May nga raw uuwisi Jessa kasama ang asawa nitong si Dingdong Avanzado. Nais daw ni Jessa naharapin si Rufa Mae at hindi raw ito magsasayang ng dolyares niya para tawagan siya sa telepono.

"Naku, itataon pa nila na birthday month ko na uuwi sila. Talagabang nananadya sila? Aagawan pa nila ako ng eksena?

"Kung gusto niya akong harapin, e, di go! Go! Go! Ako namanhanda ako kahit kelan. Ayaw raw niyang gumastos, e, bakit siya tawag nang tawagkung kani-kanino para lang ma-phone patch siya? Kalokah siya, ‘di ba?

"Pero haharapin ko siya depende sa schedules ko. You know naman,I'm so busy. ‘di ba? May shooting ako sa Europe for I.T.A.L.Y.[I Trust and Love You] for GMA Films. May Manay Po 2: Overload paako. ‘Tapos may Dyesebel pa ako for GMA-7. As in marami akong trabaho.Kung kaya pa ng sked ko na harapin siya, why not? Kung hindi puwede, sorry!"

SORRY FOR JESSA'S KID. Angkinakaawaan daw ni Rufa Mae ay ang anak nila Jessa at Dingdong dahil parati rawang banggit ni Jessa sa bata na dapat ay hindi raw, kung totoo ngang ayawnitong masaktan ang anak.

"Hindi ko na kasalanan ‘yon kasi siya naman ang panay banggit saanak niya. Kung nananahimik na lang ba siya kesa sa dumadakdak siya at panaygamit niya sa anak niya, e, di walang issue.

"Nasa kanya naman ‘yan, e. Oo, hindi ako isang ina kasi nga walaakong asawa, ‘no! Yung magiging jowa ko nga, wala pa, anak pa ba ang hanapin mosa akin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ako nasa lugar niya, I would stop using my child. Kasiwala nga namang kinalaman ang bata sa nagiging problema namin. Ni hindi konaman binanggit ang name ng anak nila. Siya itong mention nang mention. Ano‘yon, ‘di ba?"

FOR PEACE OF MIND. Para kay Rufa Mae ay wala naraw kawawaan ang gustong mangyari ni Jessa. At para masiyahan na ito, aakuhinna ni Rufa Mae ang lahat ng gulo para magkaroon na ito ng peace of mind.

"Parasa ikatatahimik niya at wala nang madamay na ibang tao, sige ako na ang maykasalanan. Lahat na ng nangyari na ito, ako na ang gumawa. Masaya na ba siya?

"Kasi hindi siya titigil hanggang ‘di ako nagsasabi na ako angmay kasalanan. Kaya heto, ako na, Jessa ang may kasalanan. Happy ka na ba?Siguro naman makakatulog ka na kasi ako na ang may kasalanan.

"Sa busy kong ito, dyusko, wala akong panahon na makipag-away pasa kanya nang matagal. Heto pinatulan ko na siya ulit para matuwa siya.Nakakaawa naman kasi kung walang papansin, ‘di ba?

"Pati ang paglaki daw ng ulo ko at pagiging mayabang, e,nauungkat niya. Nandito ba siya para masabi niya lahat ‘yan? Ang bongga namanniya. Para na siyang manghuhula!

"Marami akong mga friends na makapagpapatunay na hindi ako nagbago.Kung sino ako noon, yun pa rin ako. Nagsimula ako bilang Rufa Mae Quinto, RufaMae Quinto pa rin ako at never ako nagpalit ng name!" natatawangpagtatapos pa ni Rufa Mae Quinto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN