Cristine Reyes on her relationship with Willie Revillame: "Playmates?"

IMAGE 0


"Real score? Basta okey lang kami magkasama," says CristineReyes when asked about her being extra close to Willie Revillame.



Naghihintay sa production office ng Wowowee siCristine Reyes nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) atlinawin ang isyung kinagat ni Willie Revillame ang kanyang paa. Marami rin angnakakita sa palibot ng ABS-CBN compound na naghahabulan sila ni Willie.

"Hindi, ah. Hindi naman paa," paglilinaw ni Cristine."Luku-luko, e."

We asked kung nagkapeklat ba yung kagat sa kanya ni Willie.

"Hindi. Okey naman. Kaya ko nga hinabol kasi masakit, e,"sagot agad ng ex-Kapuso.

Bakit nga pala siya kinagat ni Willie?

"Ewan ko. Ano lang yun, naghaharutan lang kami. Ganun langtalaga kami."

WHAT BOYFRIEND? Hindi ba nagalit ang ex-boyfriendniyang si Dennis Trillo na nakipagharutan siya kay Willie?

"Bakit naman siya magagalit?" balik-tanong ni Cristine saamin.

May bali-balita kasi na mag-on na ulit sila ni Dennis?

"Hindi, ah. Hindi na," paglilinaw ni Cristine.

Hoping to get more out of Cristine, tinanong namin siya,"Ano na ba ang real score sa inyo?" We didn't specify kung sino yung kasamaniya sa "inyo."

"Nino po? Dalawa kasi sila, e," sabay banat ng salbahengtawa ni Cristine.

Si Willie, sabi namin.

"Real score? Basta okey lang kami magkasama."

From the scale of one to ten, ano ang score ni Willie parasa kanya?

"Parang ang hirap sagutin niyan dahil ano... Ayoko, ayoko.Kasi baka kapag nagbigay ako [ng sagot] sasabihin, ‘on' na. Kaya ayokongsumagot."

Ano ang maitatawag niya sa relasyon nila ni Willie?

"Wala lang. Playmates? Yeah—joke!"

May "mutual understanding" o M.U. na ba sila ni Willie?

"Hindi, friends lang talaga kami," mabilis na sagot ngdalaga.

DENNIS OR WILLIE? Nalilito ang iba kung sino batalaga kina Willie at Dennis ang gusto niya. May nakakita raw kay Cristine nakasama niya noong Holy Week si Dennis. At sa unang araw ng bagong bihis ngstudio ng Wowowee, nandoon din si Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko kasama si Dennis. Kasama ko, family ko. Yungkapatid ko...hiwalay kami, e," tukoy ni Cristine tungkol sa sinasabing balita namagkasama sila ni Dennis.

"Kung nalilito sila, e, di bahala sila magsabi ng kunganu-ano. Basta wala naman akong commitment sa isang tao."

Kanino ba siya mas enjoy, sa piling ni Willie o ni Dennis?

"Basta mas masaya po ako ngayon. Masaya ako sa sarili ko,"paniniguro ni Cristine.

CAN'T WAIT TO BE A KAPAMILYA. Ano nga ba ang rason ngpagiging masaya ni Cristine ngayon?

"Basta masaya ako ngayon. At mas sasaya pa ako kung magigingKapamilya na ako."

Sa huling sinabing ito ni Cristine, naging curious kami kungano na nga ba ang status ng pagiging Kapamilya niya?

"Wala pa, e. Hanging pa rin."

May balitang nagpadala na raw ng letter ang GMA sa ABS-CBNna nagbibigay ng warning tungkol sa pagkuha kay Cristine.

"Ako, nagpadala ako ng letter sa kanila [GMA-7]," paglilinawni Cristine. "Yung letter ng GMA sa ABS-CBN, matagal na yun. Ako, [mayipinadala] recently lang."

Ano naman ang nilalaman ng letter?

"Ano po, parang formality lang na humihingi ako ng release.Pero...although puwede naman akong maging Kapamilya na. Kaya lang gusto ko talaga,formality. Kaya puro guesting-guesting muna ako."

Tinanong ng PEP kung kailan niya ipinadala ang letter niya.

"Nung Thursday po [March 20]," sagot agad ni Cristine. "Sabiko, parang...hayaan nila ako na ma-experience ito. I mean...basta lahat doon sa letter."

Paano kung hindi nga siya makalipat sa Dos at tuluyan nasiyang ma-freeze sa Siyete?

"Wala akong magagawa."

May ideya ba si Cristine kung ano ang nilalaman ng sulat naipinadala ng GMA-7 sa ABS-CBN?

"Ano po, parang mabi-breach of contract daw po ako. Para saakin kasi, tapos na yung kontrata ko [with GMA-7]. Bakit ako mabi-breach ofcontract? ‘Tsaka wala pa akong pinipirmahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WANTING TO DO EVA FONDA. Gusto ba niyang magingKapamilya para maging "Kapamilya" si Willie?

"Bata pa ako, 19 pa lang ako. May mga pangarap pa ako sabuhay. Trabaho muna."

Ano na ang balita sa Eva Fonda, 16?

"Actually yun nga, nalulungkot na ako kasi gustung-gusto konang mag-start, e. Kung wala talaga, mag-iisip na lang kami ng ibang way,"malungkot na pagtatapos ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN