Jolina Magdangal puts issue with Gabby Concepcion to rest

IMAGE 0


"Ngayon po, after kong malaman ‘yong sinabi ni Gabbynang dumating siya na iho-honor pa rin niya ‘yong contract na pinirmahan niyasa GMA Films, natuwa na po ako," says Jolina Magdangal about her supposed movie with Gabby Concepcion (not in photo).



Tomorrow (April 2) at 9:30 AM na ang flight ni Jolina Magdangalkasama ang kanyang Daddy Jun and Mommy Paulette papuntang Europe. Sa Amsterdam angkanilang first destination bago sila sumakay ng Costa Magica luxury liner parasa shooting ng I.T.A.L.Y. ng GMA Films.

Nakausap muna si Jolina ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) at ng ilang entertainment press over lunch kanina, April 1, sa paboritoniyang Serye restaurant inside Quezon Memorial Circle. Kagagaling lang niya saMalacañang dahil nag-taping pa siya ng TV show niyang The Working President forNBN-4.

Mas maganda na ang pakiramdam ngayon ni Jolina kumpara nanghuli namin siyang makausap. Medyo naging magulo kasi ang situwasyonnoong mga nakalipas na linggo dahil sa pagba-back out ni Gabby Concepcion sakanilang pelikula.

"Feeling ko po ay mas masaya na ako ngayon, kesa noongngarag-ngarag ako during our presscon for Pinoy Idol last Friday [March 28],"masayang wika ni Jolina. "Ayoko pong umalis na may lungkot dahil nga samga nangyari last week dahil sa pag-back out ni Gabby sa movie namin.

"Ngayon po, after kong malaman ‘yong sinabi ni Gabbynang dumating siya na iho-honor pa rin niya ‘yong contract na pinirmahan niyasa GMA Films, natuwa na po ako. Sinabi rin po niya noong nakakausap ko pa siya,na kung anuman ang nangyari, hindi raw masisira ang friendship namin, whichdated back pa in 2000 na nakakasama ko siya sa mga concerts ko noon sa East Coast,as my guest sa show."

Nakipag-usap na ba sa kanya o sa Daddy Jun niya si Gabbytungkol sa nangyari?

"Hindi pa po," sagot ni Jolina. "Siguro dahil very busynga niya ngayon. Okay na po sa amin ‘yong inamin niyang may contract siyangpinirmahan sa GMA Films at gusto pa rin niyang matuloy ang movie na magkasamakami. And masaya po ako sa sarili ko ngayon, dahil sa kabila ng mga last minutechanges, natuloy pa rin ang shooting ng movie namin. ‘Yon nga, paalis na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually po, thankful ako dahil dalawang malalakingprojects ang ibinigay sa akin ng GMA Network. Para sa akin, mabigat naresponsibilities ang ipinagkatiwala nila sa akin. Bukod nga po rito sa firstcruise movie ng GMA Films, ‘yong napili ako na isa sa mga judges ng Pinoy Idol.

"Excited na ako dahil first time ko po ito na magku-cruiseat mararating ko na rin ang Venice. Bukod pa sa ibang lugar na madadaanan ngluxury liner—like Milan, Genoa, Rome, Savona, Barcelona, Palma de Mallorca,Naples, Tunisia [in Africa na malapit na sa Spain]. Magsu-shooting din kami salugar kung saan magda-dock ang luxury liner," masayang kuwento ni Jolina.

SPECIAL PLACE.Nabanggit ni Jolina sa "special place" parasa kanya ang Venice sa Italy at may magandang eksena na raw na kukunan doon siDirek Mark Reyes.

"Fan po kasi ako ng romantic movie na Before Sunrise nadoon ang location, ang ganda-ganda po at saka talagang mahilig ako sa mgaromantic places," banggit ni Jolina tungkol sa Venice, kung saan din kinunan ang ilang eksena sa Hollywood movie na Before Sunrise starring Ethan Hawke andJulie Delpy.

Sa tingin kaya niya ay mag-e-enjoy siya Venice kahit hindiniya kasama ang boyfriend niya si Bebong Muñoz?

"Susunod po si Bebong," sagot agad ni Jolina. "Sa Friday [April 4] po ang alis niya.Kasabay niya po yung ibang cast [Rufa Mae Quinto, Dennis Trillo, EugeneDomingo, Rhian Ramos, and Mark Herras]. Mauuna po ako kasi ako ang unangisu-shoot ni Direk Mark.

"Ay naku, i-enjoy po namin talaga ni Bebong ang Venice!"bulalas niya. "Pero hindi po siya magtatagal, five days lang siya doon. Tutuloypo siya ng Washington, D.C., may business po siyang aasikasuhin doon. Akonaman, hanggang April 14 lang doon dahil I have to prepare na sa live telecastng Pinoy Idol sa April 16."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHAMBERMAID. Jolina will play the role of Des, isangchambermaid sa luxury liner, sa pelikulang I.T.A.L.Y. Bilang paghahanda sa kanyang role, pinag-aralan niya ang magtrabaho sabarko.

Kuwento niya, "Grabe po pala ang hirap ng isangchambermaid, ‘yong papalitan mo lahat ng beddings sa bawat cabin. Kaya kung may60 cabins na na-assign sa iyo, 60 beddings ‘yong papalitan mo araw-araw.

"Naku, parang hindi ko po kakayanin ‘yon kung ‘yon talagaang trabaho ko. Siguro kung sa hotel, okay lang kasi puwede kang lumabaspagkatapos ng trabaho mo. Pero sa barko, puro tubig lang ang makikita mo,‘tapos may isang lugar lang sa barko na doon sila nag-i-stay."

Bukod sa first time nga ni Jolina na magku-cruise,ini-expect din niyang magiging masaya ang pagsu-shooting nila ng pelikula.

"Hindi po kasi nakakailang ang mga kasama ko dahilpare-pareho ko na silang nakatrabaho. Saka iba ang story nito, na isinulatni Senedy Que. Hanggang April 19 pa sila doon. Ako lang po ang mauunang bumalikdito sa Pilipinas," nakangiting pagtatapos ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN