Gabby Concepcion more excited to work in ABS-CBN than do movies

IMAGE 0


"All Gabby wants now is to be able to work in television.Na-miss niya ito at kung sakali man daw na may offer na ngang bagong script angGMA Films, puwede na rin niya itong gawin," says a source from Star Cinema about comebacking actor Gabby Concepcion.



Simula nang dumating sa bansa ang dating matinee idol na siGabby Concepcion noong March 30, kasabay ng mainit na pagtanggap sa kanya ng maramingfans na nasabik sa pagbabalik niya after 13 years ay ang iba't ibang intrigarin na naghihintay ng kasagutan mula sa kanya.

Bukod sa sinasabing mga nabinbin na kaso ni Gabby sa bansanang umalis siya noong 1995 at ang kanyang unresolved conflict with ex-wifeSharon Cuneta, nandiyan din ang bagong kinsasangkutan niyang isyu kaugnay ngpaggawa niya ng pelikula sa GMA Films opposite Jolina Magdangal. Hindi itinuloyni Gabby ang naturang proyekto dahil hindi niya raw nagustuhan ang script.

At ngayon, Gabby, along with his new manager Mrs. RoseFlaminiano of FLT Films, signed an exclusive two-year contract with ABS-CBN andStar Cinema. Sa nakaraang live interview ni Gabby sa The Buzz last Sunday,pinatotohanan din niya ang balitang Kapamilya na siya.

Kasunod ay ang sinasabing bukod sa mga series of teleseryesna gagawin ni Gabby for the Kapamilya network and an episode for Maalaala MoKaya ay ang first movie project niya sa Star Cinema, that will pair him up withanother comebacking actress, Claudine Barretto.

CONTRACT WITH GMA FILMS. Obviously, mukhang dito nagsisimulaang sinasabing possible conflict ni Gabby sa GMA Films naman.Hindi lang kasi word of honor ang pinaghahawakan ng GMA Films kundi angkontratang pinirmahan nito wherein he's supposed to do thefilm Love Cruise (naging I.T.A.L.Y).

Lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) angpahayag ng ilang executives ng GMA Films, particularly nina Ms. AnnetteGozon-Abrogar and Mr. Joey Abacan. Sinabi nila na nakasaad sa kontrata ni Gabbysa kanila na hindi maaaring gumawa ng pelikula ang aktor outside GMA Films, notuntil he's finished doing his first movie for them.

Although mismong si Gabby ang direktang nagsabi sa The Buzzna he will honor whatever commitment he has with GMA Films, malaking tanong parin sa marami na kung ganoon pala, paano makakagawa ng movie si Gabby sa StarCinema kung sakali't hindi pa siya mabibigyan ng movie offer ng GMA Films afterniyang tanggihan ang unang in-offer sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, tinanong ng PEP ang isang influential person fromStar Cinema tungkol sa kontrata ni Gabby sa GMA Films at sa Star Cinema.Tinanong din ng PEP ang naturang source kung ganoon ngang hindi pala pupuwedenggumawa sa ibang film outfit si Gabby, not unless nakagawa siya sa GMA Films,ibig bang sabihin nito ay naka-hold indefinitely ang movie na pagsasamahan ninaGabby at Claudine?

Ayon sa PEP source, "Matutuloy pa rin ang movie ni Gabbywith GMA Films because he will honor it. Whatever happens, iho-honor ni Gabbyang pinirmahan niyang kontrata sa GMA Films. Yun nga lang, umaasa si Gabby namabibigyan din siya ng magandang script na siyempre pa'y makakapasa sa panlasang dating matinee idol at ng kanyang manager."

Dagdag pa ng source, sa ngayon, all Gabby wants daw talagais to be able to work. But more than movies, mas excited daw talaga si Gabby to work in ABS-CBN again.

Naikuwento raw kasi ni Gabby na marami sa mga kakilala atkaibigan nito sa Amerika ang nagsasabi na muling gumawa ng TV show atnae-excite sa idea na mapanood nilang muli si Gabby in any TFC shows.

"All Gabby wants now is to be able to work in television.Na-miss niya ito at kung sakali man daw na may offer na ngang bagong script angGMA Films, puwede na rin niya itong gawin," pahayag ng source.

Samantala, wala rin daw problema sa Star Cinema kung maunamang gumawa ng movie si Gabby sa GMA Films at naniniwala silang iho-honor ngani Gabby ang pinirmahang kontrata rito.

Ayon pa sa source, posibleng two weeks from now ay magsimulanang mag-taping si Gabby for his Maalaala Mo Kaya (MMK) episode. Maaaringkasabay na rin nito ang pag-i-start naman niya ng taping for his firstteleserye after his 13-year absence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa usap-usapan ay si Gabby ang magiging leading man ni Bea Alonzo saBetty La Fea, pero hindi pa kumpirmado ang balitang ito.

Sa dalawang shows, mauuna lang daw ipapalabas ang MMKepisode ni Gabby.

KC CONCEPCION.Naitanong din ng PEP sa taga-Star Cinema kung may idea na ba siya kung nagkausapo kung nagkita na ba ang mag-amang Gabby at KC Concepcion. Ayon sa source, walapa siyang ideya kung personal nang nagkita ang mag-ama. Pero ang alam niya raw,nagkakausap naman ang mag-ama sa telepono.

Dagdag niya, posible rin daw na makasama ni KC ang ama samismong kaarawan nito sa April 7 na gagawin sa isang beach resort. Inimbitahannaman daw kasi ni KC ang ama sa kanyang birthday celebration.

Sa mga nagtatanong kung niluluto na raw ba ngABS-CBN ang project na puwedeng pagsamahan nina Gabby at KC, sinabi ng amingsource na hindi ito ang priority ng Kapamilya network.

Maging si Gabby at ang manager nito na si Mommy Rose aynagsasabi na if that project will come, hindi pa sa ngayon. May sariling career plan kasi para kay KC at gayundin naman sa pagbabalik niGabby. Ayon pa sa aming source, maybe that would come before the year ends orhopefully by next year.

We also asked our source kung bibigyan ba nila ng workshop siGabby bago sumalang sa pag-arte since 13 years din nitong hindi na-practice angkanyang acting ability.

Sagot niya, "Wala...wala kaming workshop na ibibigay sa kanya.We don't think na kailangan pa niyang mag-workshop since, after all, GabbyConcepcion na naman ‘yan at magaling talagang umarte."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN