Blue rose and a comb made Iwa Moto fall for her rumored boyfriend

IMAGE 0


"May mga signs akong hinahanap para masabi ko sa sarili ko na natagpuanko na, more or less, yung right guy for me. At dalawa sa mga signs nahinahanap ko, ginawa niya na ikinagulat ko," narrates Iwa Moto about rumored boyfriend Michael Ablan.



Naikuwento ni Iwa Moto sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na may dalawang "kakaibang" bagay palang ginawa sa kanya ang napapabalitang boyfriend niya ngayon na si Michael Ablan kaya napalapit agad sa dalaga ang binata.

"Kasi ganito ‘yon, may mga signs akong hinahanap para masabi ko sa sarili ko na natagpuan ko na, more or less, yung right guy for me. At dalawa sa mga signs na hinahanap ko, ginawa niya na ikinagulat ko," pagsisiwalat niya.

Anu-ano naman ang mga sign na ito na nakita niya kay Michael?

"Ako kasi, gusto ko blue rose, yung long-stemmed na blue rose. Na kahit na sino, walang nakakaalam na yun yung gusto kong rose. Kasi hindi ako mahilig sa rose," sabi ni Iwa.

Ayon sa young actress, binigyan siya ni Michael ng rosas na kulay asul, without him knowing na may kahulugan iyon para kay Iwa.

Bakit daw siya binigyan ng asul na bulaklak?

"Kasi rare daw, natuwa daw siya sa color," sagot ni Iwa.

Sa palagay kaya niya ay nagkataon lang ito?

"Alam mo yung serendipity? Ganun. Sabi ko, ‘Okay, next.'"

Ang pangalawang sign na nakita ni Iwa mula kay Michael ay suklay.

"‘Pag yung guy, binigyan ako ng suklay... Suklay, wala namang kuwenta ‘yan, e. Every day use ‘yan ng tao. Iisipin mo ba na mabigyan ka ng suklay? Then, one day, sabi niya, ‘Sa ‘yo na nga ‘yang suklay. Pangit ng buhok mo, magsuklay ka.' Kasi every time na nakikita niya ako, hindi ako nagsusuklay!"natatawa niyang kuwento.

Si Iwa ba ang tipo ng babaeng kapag pinahinto sa pag-aartista ng kasintahan niya or ng magiging asawa niya, susundin niya?

"Bakit, pag-aaralin niya ba yung mga kapatid ko? Bibigyan niya ba ng business ang nanay ko? Mabubuhay niya ba ang pamilya ko ng forever," balik-tanong ni Iwa sa PEP.

Kung sakaling capable and willing ang guy na gawin ‘yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bakit hindi?" sagot niya. "Ako, the reason why I'm working is because of my family. Nagtatrabaho ako para maging masaya ang pamilya ko, para maging stable sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN