How Carmina Villarroel survived being away from daughter Cassy due to lock-in taping

by Rose Garcia
Feb 25, 2021
Carmina Villarroel admits to crying during the first few days of daughter Cassy Legaspi's lock-in taping for First Yaya.
PHOTO/S: @mina_villarroel on Instagram

Nasabi ni Carmina Villarroel noon na hindi niya papayagan na mag lock-in taping ang anak na si Cassy Legaspi.

Ito ay noong mga panahong pinag-iisipan pa lamang ang lock-in taping bilang isang option para matuloy ang production ng mga teleserye sa gitna ng pandemya.

Hindi raw kakayanin ni Carmina na mahiwalay sa anak.

Habang istrikto pa kasi ang safety protocols dulot ng coronavirus pandemic, parehong may teleserye ang mag-ina at kailangan nilang mag-lock-in taping.

Si Carmina ay kasama sa Babawiin Ko Ang Lahat, habang si Cassy naman ay nasa First Yaya.

Ang kuwento ni Carmina nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang Zoom media conference para sa Babawiin Ko Ang Lahat noong February 16, 2021, “Mahirap, e, pero siguro malaking factor na 20 na iyong anak ko,”

“Siyempre, hindi puwedeng walang plus one, kailangan may plus one. Gusto ko nga sana ako iyong plus one kaso, nagkasabay pa yung taping naming dalawa.

Continue reading below ↓

“Hindi ako napasama kay Cassy.”

Dahil aminado naman talaga si Carmina na hirap siyang payagan ang anak sa unang pagkakataon na mag-lock-in taping, marami raw pag-uusap at pagbibilin na naganap.

“Maraming diskusyunan, maraming reminders,” saad niya.

But in the end, pumayag na rin siya kahit ito ang unang pagkakataon na malalayo siya nang matanggal sa isa sa kambal.

“Mahirap… kaya lang, nakita kong gusto talaga ni Cassy. Gusto talaga niya, e. Gusto niyang mag-artista. She’s very excited with First Yaya.

“Bilang magulang, nakasuporta lang kaming dalawa ni Zoren [Legaspi]. So ang daming constant reminders. And I trust her kasi.

"Mabait na bata si Cassy kaya hindi rin naman ako nahirapang i-let go.”

WHAT CARMINA VILLARROEL DID TO STOP WORRYING ABOUT CASSY

Sa mga unang araw na hindi niya kasama ang anak at nasa lock-in taping na ito, talagang hindi raw napigilan ng 45-year-old actress ang hindi umiyak.

"Yung mga first few days, umiiyak ako,” lahad niya.

Continue reading below ↓

"Iniisip ko na lang, nag-aaral somewhere. Iniisip ko na lang yung ibang magulang na nakakaya nila yung mga anak nila, nag-i-study abroad. Yun nga, malayo pa, e, 'eto, nandito lang sa Pilipinas.' Iniisip ko na lang na kung kaya nila, kakayanin ko rin.”

Hindi rin naman raw niya gustong siya ang magiging hadlang para sa katuparan ng goals ng anak sa showbiz.

Ayon kay Carmina, “I don’t want to be selfish. I want Cassy to experience life. I want her to experience what she went through with the lockdown and nakita ko, she was so happy. She was so happy with what she is doing. Nakikita ko talaga, e.

"Pero kung nakita ko na malungkot siya, a, pauuwiin ko talaga. Talagang, sorry, uuwi ka na rito. Pero naririnig ko sa boses niya na everytime na nagbi-video call kami, masaya siya.

"She’s very proud with what she did do’n sa first two lock-in niya at hindi pa tapos, magla-lock-in pa siya ulit, may two cycles pa yata.”

Continue reading below ↓

Dugtong pa ni Carmina, “At first lang naman mahihirapan ka, pero feeling ko, I will get used to it. Siyempre, hindi mawawala yung reminders, constant reminders palagi.”

Wala raw talagang nagawa sina Carmina at Zoren dahil mismong si Cassy ang nakiusap sa kanila na gusto niyang ituloy ang First Yaya.

Ito rin ang magsisilbing unang teleserye ni Cassy.

Ayon kay Carmina, “Gusto talaga niya, e. Naiintindihan ko yun kasi, artista ko. Wala rin naman kaming magagawa kasi, that’s the new normal.

"Kasi, first time, first-time ever na nalayo sa amin si Cassy nang three weeks. Yung first cycle niya, three weeks. 'Tapos, kababalik niya lang before Valentine’s Day and then lock-in na naman siya until March.

"Nakiusap naman yung bata and like I’ve said, nakita naming ni Zoren na gusto talaga niya. She’s very, very excited with First Yaya."

Malaking bagay rin daw sa parte ni Carmina na kilala niya at nakatrabaho na rin niya ang director at production crew ng serye.

Continue reading below ↓

Simula noong February 22 ng hapon ay umere na ang Babawiin Ko Ang Lahat, kung saan bilang bida-kontrabida ang role Carmina.

HOT STORIES

Use these Zalora promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmina Villarroel admits to crying during the first few days of daughter Cassy Legaspi's lock-in taping for First Yaya.
PHOTO/S: @mina_villarroel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results