Valerie Concepcion not threatened by rumor Cristine Reyes will replace her in "Wowowee"

IMAGE 0


"Papasok nga raw si Cristine at ako ang raw ang maaapektuhan. Parang,bakit? Feeling ko naman, the more the merrier, specially, Cristine is agood friend. I'm more happy than natatakot or nate-threatened," reasons out Valerie Concepcion about reports saying that Cristine Reyes will take her place in the noontime show Wowowee.



Sa pagputok ng balita na madadagdag na raw si Cristine Reyes bilang isa sa co-hosts ng Wowowee, lumitaw ang pangalan ni Valerie Concepcion sa isa raw sa pinagpipiliang alisin kapalit ni Cristine sa nasabing noontime show ni Willie Revillame sa ABS-CBN. Marami ang nag-react na unfair ito kay Valerie dahil lang sa nali-link ang pangalan ni Cristine kay Willie ay mukhang ito ang kinikilingan ng mga pangyayari.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Valerie last March 30 sa hallway ng ABS CBN, sinabi niya na wala pa naman siyang natatanggap na pasabi sa management kung kaya't kampante siya na walang katotohanan ang mga lumalabas na balita.



"Naguguluhan nga ako, parang ha?" sabi ni Valerie. "Papasok nga raw si Cristine at ako ang raw ang maaapektuhan. Parang, bakit? Feeling ko naman, the more the merrier, specially, Cristine is a good friend. I'm more happy than natatakot or nate-threatened.



"Saka wala pa naman silang sinasabi sa akin. Kasi kung mayroon naman silang plano na alisin ako, sasabihan ako ng management for sure. Sa akin kasi, mahirap mag-comment. Pero kung saka-sakaling mangyari nga, as they always say, everything happens for a reason. Kung mayroon mang nagko-close ng doors, may magbubukas na windows. I believe in that saying, cliché but true."

BETTY LA FEA. Nabalita noon na isa sa pinagpipilian upang gumanap bilang Betty La Fea sa Pinoy adaptation nito si Valerie. Pero ngayon ay maugong ang balita na si Bea Alonzo na raw ang napili ng ABS-CBN.

Ipinahayag ni Valerie na wala siyang nararamdaman na panghihinayang na hindi napunta sa kanya ang nasabing project.



"Okay lang, hindi naman ako nanghinayang. Narinig ko lang na may ganyan ngang balita. But never naman na yung management ang nagsabi sa akin, so hindi ako nagkaroon ng high hopes for that.

"Nung nalaman ko na si Bea na raw ang napili, I'm hapy for her, I don't feel anything negative. Kasi feeling ko, if it's really meant for me, it's really meant for me. ‘Pag hindi, hindi talaga," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPAH PAPALICIOUS. Unang pelikula sa Star Cinema ni Valerie ang Supah Papalicious kasama sina Vhong Navarro at Makisig Morales. Masayang ibinalita ni Valerie na maganda ang resulta sa takilya ng nasabing pelikula.



"Sabi nila, malakas naman daw. Pero wala pa akong balita kung magkano talaga ang kinita. Actually, may tumawag lang sa akin. Pero ang sabi niya, he's not supposed to tell me but it's doing good and parang yung trend daw ay puwedeng pang-box office. Sana nga lang at magtuluy-tuloy," nakangiting sabi ng young actress.

During the promo for Supah Papalicious, isang isyu na pinagpiyestahan ay ang panliligaw diumano ni Vhong kay Valerie. Nang tanungin namin tungkol dito ang young actress, sinabi nito na hindi na raw ganun ka-constant ang communication nila ng komedyante. Pero wala talagang katotohanan na nanligaw ito sa kanya gaya ng inakala ng iba.



Kuwento ni Valerie, "Nagka-textan kami nung showing nung movie kung saan kami mag-iikot. The last time he texted me ay nung ibigay niya sa akin yung bagong YM [Yahoo! Messenger] niya, but balitaan, kumustahan. After that, wala na.

"It's not for promo or whatsoever gaya ng iniisip ng iba. Naging friends naman talaga kami and never ko naman sinabi before na nanligaw siya sa akin," pahabol niya.

ANGEL LOCSIN. Nagsalita rin si Valerie sa paulit-ulit na pagkukumpara sa kanila ni Angel Locsin, na kapatid niya sa kanilang manager na si Becky Aguila. Ayon sa sabi-sabi, mas lamang at angat na raw si Valerie kay Angel dahil nakagawa na ang una ng pelikula under Star Cinema.

Nakiusap si Valerie na huwag na sana silang ikumpara pa ni Angel dahil baka ito pa ang pagsimulan sa gap nila ng aktres.



"Dati ko pa sinabi na sana huwag na lang nila kaming i-compare. I'm sure naman, ABS has so many plans for her. We just have to wait and see kung anu-ano ang mga yun. I'm so blessed na nabibigyan ako ng mga projects na ganito at sobrang pinagpapasalamat ko ‘yon. Sana lang huwag na lang nila kaming i-compare because we're good friends, baka mamaya magkaroon pa kami ng gap and ayokong mangyari ‘yon," sabi ni Valerie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN