18-year-old Inah Revilla to wed childhood sweetheart on May 28

IMAGE 0


Inah Revilla, the eldest daughter of Senator Ramon "Bong Revilla" and Lani Mercado, has decided to to settle down at the age of 18. Inah will wed childhood sweetheart Vince del Rosario on May 28 at the Manila Cathedral.


Marami ang nagulat sa lumabas na balita sa People’s Journal ngayon araw, April 5 na magpapakasal na diumano ang dalagang anak nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado na si Inah Revilla. Ayon sa report, ang mapapangasawa raw ni Inah ay ang childhood friend nitong si Vince del Rosario, na ang pamilya ay kaibigan din ng mga Revilla.

Kinumpirma ang balitang ito ng manager ng mga magulang ni Inah na si Lolit Solis at ng kanyang kuya na si Jolo Revilla sa StarTalk kaninang hapon.

Ayon kay Lolit, sa May 28 na nakatakda ang kasal nina Inah at Vince. Sa Manila Cathedral gaganapin ang kasal. Nagbiro pa nga si Lolit na baka magaya sina Inah at ang kanyang mapapangasawa sa sinapit ng pagsasama nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion dahil sa Manila Cathedral din ikinasal ang dalawa noong 1984.

Si Ina ay kade-debut lamang noong October 13, 2007 samantalang si Vince naman ay 24 years old.

Dahil 18 pa lamang si Inah, marami ang nagdududa na posibleng buntis na siya kaya agad-agad ang desisyon nilang magpakasal ni Vince. Pero mariin itong pinabulaanan nina Lolit at Jolo. Hindi raw buntis si Inah, gusto lamang daw nitong lumagay na sa tahimik, kasama si Vince.

Ayon kay Lolit, napaiyak si Bong nang magpaalam sa kanya si Inah na magpapakasal na siya. Si Inah ang panganay na babaeng anak nina Bong at Lani, kasunod nina Brian at Jolo.

Ang kuya ni Inah na si Jolo ay nagkaroon naman ng anak sa edad na 17 nang mabuntis niya ang anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano. Hindi nagpakasal sina Jolo at Grace at nasa pangangalaga nina Rosanna ang kanilang anak.

Magbibigay na pormal na pahayag ang pamilya Revilla tungkol sa pagpapakasal ni Inah sa birthday celebration ng ina niyang si Lani Mercado sa April 12. Kababalik lang nina Lani at Bong mula U.S., kung saan dumalo sila sa Filipino-American Visionary Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN