Gabby Concepcion willing to find closure with ex-wife Sharon Cuneta

IMAGE 0


"Gusto ko ngang malaman, e. Para at least, ‘pag nag-usap kami,magkaroon na. At kung hindi pa rin, punta ulit tayo sa next stephanggang sa mawala na talaga," replies Gabby Concepcion when asked if it's true that his breakup with ex-wife Sharon Cuneta had no closure.



Proud na ipinakita ni Gabby Concepcion sa contract signing niya with ABS-CBN at Star Cinema last Tuesday, April 1, ang dala-dala niya lagi na isang piraso ng white mittens ng kanyang two-month old na anak na si Samantha, ang anak nila ng bago niyang asawa na si Genevieve Yatco Gonzalez. Lagi raw dala ni Gabby ang baby mittens para hindi niya ma-miss si Samantha. Pero sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN at Star Cinema last Friday, April 4, ay hindi niya dala ang mga ito.



"Hindi ko nga nadala. Akala ko dala ko. E, everyday dala ko yun," nakangiting sabi ni Gabby sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Ayon kay Gabby, susunod ang kanyang mag-ina sa Pilipinas by the end of the month. Saan sila titira rito sa Pilipinas?



"Wala pa nga, e," sagot ni Gabby. "Hopefully, I can get a house para meron silang malipatan dito. Siguro doon din malapit sa amin [ancestral home sa P. Guevarra, San Juan]. Kaya baka maghanap ako ng bahay bandang Greenhills."



Sa bahay nila sa San Juan nakatira ngayon si Gabby, kasama ang kanyang ama na si Mr. Rolly Concepcion.



"Yeah, at least now I have quality time with my Dad. Nakakalakad siya, pero masakit yung binti niya kaya siya naka-scooter. Yung joints niya, nagdidikit-dikit na," paglalarawan ni Gabby sa kanyang maysakit na ama.



Dito na ba sa Pilipinas sila mananatili ng kanyang pamilya for good?



"For now, siguro oo. Ngayon sinasabi ko dito muna kami kasi hindi pa nagsi-sink in sa akin yung thought na babalik ako doon [sa Amerika]. For the meantime, dito muna kami."



CONTRACT WITH ABS-CBN & STAR CINEMA. Totoo ba na worth P70 million ang kontratang pinirmahan niya sa ABS-CBN at Star Cinema?



"Alam mo, hindi na pinag-uusapan ‘yan. Masyadong ano, confidential," pag-iwas ni Gabby.



Nasabi na ba sa kanya kung sino ang magiging kapareha niya sa mga una niyang proyekto para sa ABS-CBN at Star Cinema?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Actually, nagtanong ako kung sino ang okay, kasi I was lost [for 13 years]. Wala pa akong masyadong kilala. Nag-ano pa ako ng TFC para makilala sila. Yung mga bago, uhm, like si Kristine [Hermosa], Anne [Curtis], Bea [Alonzo], at ngayon bago si Angel [Locsin]. Yun daw ang mga bago. Then, of course, nandiyan si Claudine [Barretto]," lahad ni Gabby.



Sino ang choice niya?



"Si Claudine...ah, lahat sila," sagot niya.

Pero in-announce na ng ABS-CBN na si Claudine ang makakapareha ni Gabby sa unang niyang teleserye sa Kapamilya network.



CLOSURE WITH SHARON. Usap-usapan na wala pa rin daw silang closure ng dati niyang asawa na si Sharon Cuneta. Pero para kay Gabby ba ay may closure na sila ni Sharon?



"Well, sa akin, nalagay na sa likod ko yun. I hate to dwell in the past. Pero kung puwedeng ayusin, nandito ako. Willing akong ayusin," pahayag ng nagbabalik na actor.



Sa tingin niya ba ay mahal pa rin siya ni Sharon?



"Ako, masasabi ko lang ang nararamdaman ko," sagot niya.



Mahal pa rin ba niya si Sharon?

"Hindi mawawala yun. Nandun lang," aniya.



Ano ang reaksiyon niya na ngayong malaman niya na after all these years ay wala pa rin pala silang closure para kay Sharon?

"Hindi ko alam, e," sambit niya. "Gusto ko ngang malaman, e. Para at least, ‘pag nag-usap kami, magkaroon na. At kung hindi pa rin, punta ulit tayo sa next step hanggang sa mawala na talaga. Pero ‘pag nawala naman, baka mawala na rin yung excitement, hindi kaya?"

Pero kung hindi pa rin daw talaga sila magkakaroon ng closure ni Sharon, "E, di sige, i-close na natin," natatawang pagtatapos ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN